Mr. Astig's POV
Lagot na ako nito.
Nakita na nila ako except ni Ylona!
Wala muna dapat ang makakaalam sa tunay kung pangalan habang di ako nakapag higanti kay Mr. Garcia.
Kung di ata dahil sa kanya edi sana malaya akong suyuin si Ylona na walang anumang galit na nararamdaman.
Pero dahil sa tarantadong tatay niya nagawa ko ng magalit sa kanila.
Grade 1 pa ata kami nung una kaming nagkakilala ni Ylona.
Inaaway ko siyang payatot habang ako si Mr. Astig.
Isang taon lang yun matapos ng malaman ko na pinatay ng tatay ni Ylona ang magulang ko.
Nagwala ako noon at naglayas hanggang sa makatagpo ako ng panibago kung pamilya.
Grade 6 na ako ng malaman ko ang tunay na dahilan.
Isang kamag-anak namin ang naghanap sakin at sinabi ang totoo.
Ang totoo pala ay sinadya talaga na patayin si tatay dahil alam daw lahat nito ang sekreto ni Mr. Garcia lahat ng pang gagago niya sa publiko. Kaya siya natalo bilang mayor ng aming barangay noon dahil sinabi lahat ni tatay yun. Sinabi lang naman ni tatay ang totoo at alam kung guilty siya sa nangyari. Di na siya nagpakita at nung nalaman ko nalang na may bago na siyang trabaho yun ay ang negosyo niya ngayon. Wanted pa rin ang tatay ni Ylona sa Pangasinan. Oo tama,sa Pangasinan sila dati nakatira at mala mansion na ang bahay nito. Pero nakikita ko kay Ylona na di siya masaya sa pamilya niya. Alam kung may kulang.
Nagtiis ako na ilihim ito. Dahil nagbabala daw to na kung sasabihin ang totoo ay uubusin niya kaming lahat at ayaw kung madamay ang bagong kumomkop sakin ngayon.
Matitikaman niyo rin ang sweet revenge ko!
Ylona's POV
Nagulat nalang ako ng makita ko ang pangalang Mr. Astig
Sa totoo lang di ko siya maalala siguro bata pa talaga ako nito.
My curiosity is killing me.
Di ako titigil hanggat di ko siya makilala!
Do you know him? Tanong sakin ni Bailey at bigla akong niyakap
Hanggat di natin siya nakikilala I'm always here for you! Understand? Sabi niya in husky voice. Napaka caring niya talaga kahit kailan. Di ko maipagkait na nakikita ko si Franco sa kanya at dahil iisa lang sila ng ugali.
Natutunan ko na rin ang sarili ko na unti unti na akong nahuhulog kay Bailey di dahil sa gwapo siya kundi sa pagiging nandiyan lagi sa tabi ko.
Lumapit siya sakin at kunti nalang mahahalikan na niya ako sa labi pero mali ako hinalikan lang niya ako sa noo ko.
Hindi kita kayang halikan sa labi hanggat di mo ako sinasagot! Really? Seriously?
Kung kaya mo! Paghahamon ko sa kanya.
Nakikilala ko rin ang Bailey na di ko inexpect na mabait rin pala.
Tuwing gabi na niya ako hinahatid saamin tsaka umaga pa lang nasa tapat na siya ng bahay namin para ihatid ako.
Iba siya sa mga lalaking nakilala ko.
Ahmm Bailey thank you! Hinawakan ko ang pisngi niya at ngumiti! Di ko akalain na ma aatract ako sa labi ni Bailey parang tinatawag ako pati ang mata niya!
BINABASA MO ANG
Two Steps Behind (COMPLETED)
ФанфикшнSa isang dahilan nagbago ang lahat. Binabalikan ang nakaraan. Pilit pinaalala ang mga pangyayaring di dapat mangyari. Mga nangyari noon na ikaaapekto pala sa buhay niyong dalawa. Namulat sa kasinungalingan. Muling nagising sa nakaraan. Minahal mo an...
