All this time akala ko mamamatay na ako. Pero niligtas nanaman niya ako. Ang dami ko ng napagdaanan. Ang dami naring pagsubok ang dumating na nalampasan naming dalawa.
Di ko akalaing sa araw na ito, ay ang araw na pala ng kasal.namin.Naglakad lang ako papunta sa altar habang umiiyak. Pagkatapos ng apat na buwan ay naka move on na ako sa pagkamatay ni Daddy, Irene, at Bailey. Nung una para pa akong baliw na sa sementeryo natutulog. Tapos minsan nagtatago ako sa sulok dahil baka makita ako ni Jimboy at gawin niya sakin ang ginawa niya kela daddy. Nagpapasalamat ako sa lalaking nag-aya saking magpakasal kasi dahil sakanya, naging malakas ulit ako. Siya ang nag-alaga sakin. Binantayan niya ako buong magdamag. Siya ang tumatayong ama sakin sa tuwing napapaginipan ko si daddy. Siya ang tumatayong Bailey sakin sa tuwing naaalala ko ang mga panahong masaya na sana ako kay Bailey. At siya rin ang tumatayong kuya ko sa tuwing nagkakasakit ako. Lahat ginawa niya. Makalipas ang limang buwan biglaan ang propose niya sakin pero di na ako nagdalawang isip na tanggapin ito. Matagal ko na siyang mahal. Simula nung una naming pagkakilala hanggang ngayon.
Ang dami naming memories ni Franco kaya di ko siya kayang hindian. Ang dami na niyang sinakripisyo. Napatawad na din niya si daddy. Masaya lang ako dahil ang magiging asawa ko ay kasingbait ng anghel na nagbabantay sakanya araw-araw.
Nandito na ako sa harapan niya.
Pagkatapos nung mga pinagsasalita ni father ay panahon na para sa mga sumpaan namin.
Alam mo ba na nung una kitang nakita ay naakit agad ako sa kagandahan mo? Kahit na may girlfriend ako nun pinigilan ko talaga ang nararamdaman ko para sayo dahil mali. May mahal na nga ako di pa ako nakuntento kaya ako nalang ang lumayo pero dumating din ang araw na wala na kami ng girlfriend ko. Akala ko nga iiwan mo na ako pero bumalik ka na matagumpay at masaya. Kaya masaya na rin ako nun. Ang dami na nating napagdaanan Ylona. Siguro nga itinadhana talaga tayo kasi kahit anong pagsubok ang dumadating satin ay nalalampasan natin. Katulad ng dati, ako lagi ang nagliligtas sayo siguro hanggang ngayon haha. Alam ko na tama na tong naging desisyon ko. Kaya aalagaan kita hanggang sa huling paghinga nating dalawa. Naiiyak ako sa speech ni Franco.
Mahal na mahal kita Franco. Handa akong maging isang Rodriguez at asawa mo. Oo, ang dami na nating napagdaanan. Pero lahat ng yun sisiw nalang sakin kasi alam kung ililigtas mo nanaman ako haha. Palagi lang naman ikaw eh! Nung una nating pagkikita, alam mo bang ang gaan ng loob ko sayo. Pero nung nalaman kung may girlfriend ka na pala ay nanghina ako nun. Pero siguro nga parte yun ng pagsubok natin sa buhay. Aalagaan kita at mamahalin hanggang sa huling paghinga natin Franco. I will never leave you. I'm always here for you. Two steps behind is too much. Marami ng nangyari kaya gusto ko na mabuhay tayo ng masaya. I love you Franco always.
Pagkatapos nun ay kiss the bride na daw. Kaya napangiti ako dahil ito na ang real kiss na talaga namin ni Franco at sa harap pa ng maraming tao.
He kiss me slowly at sa naging mas malalim ang halik niya mas nararamdaman ko ang pagmamahal namin sa isa't isa.
After 1 year
Maaga akong nagising at naghanda ng almusal namin.
Gising ka na pala wifey! Sabi ni Franco habang nakayakap sakin mula sa likod.
Magbihis ka na at may pupuntahan tayo. Sabi ko at sinunod naman niya.
Pagkatapos namin kumain at magbihis naghanda ako ng mga bulaklak.
Tara na! Sabi ko kay Franco.
Papunta kami ngayon sa sementeryo. Bibisitahin ko lang si Bailey. Kapatid pa rin siya ji Franco at may karapatan din akong bumisita dahil may pinagsamahan na rin kami.
Nandito na tayo! Nauna na akong bumaba.
Hintayin mo nalang ako dito hubby! Sabi ko at tumango naman siya.
Habang papalapit ako sa burol ni Bailey ay naiiyak ako. Ang dami din naming napagdaanan.
Pasensya ka na Bailey ah! Ngayon lang ulit ako nakabisita. Alam mo naman na di kita makakalimutan. Ang dami na nating napagdaanan. Ang swerte ko nga eh dahil dun pa ako nainlove sa magkakapatid. Haha ang swerte ko rin dahil nakilala kita. Sana masaya ka na sa langit Bailey. Ang bait mo kaya. Alam kung kasama mo na ngayon si Irene diyan sa taas. Ang dami ko ng good memories sayo Bai, kaya di kita makakalimutan. Minsan para kang si Franco kung mag-alala. Kaya di na ako magtataka na magkapatid talaga kayo. Nandidito ka pa rin sa puso ko Bailey,habang buhay. Sabi ko.
Nabalik lang ako sa realidad ng may biglang humawak sa kamay ko.
Wifey tara na parang uulan eh! Tumango nalang ako sa sinabi ni Franco.
Siguro dito na rin magtatapos ang kwento ko. Alam kung magiging masaya na rin kami ni Franco. Si Jimboy nahuli na pero namatay din daw sa kulungan dahil nabaril ng kasama niya habang ang nanay ni Bailey ay nakulong din pero inataki ng hika sa kulungan kaya namatay na rin. Ang dami rin palang nagawang kasalanan ni daddy pero tatay ko pa rin siya. At handa akong patawarin siya.
Hanggang dito na lang ang storya namin ni Franco.
Two Steps Behind "The End"
Copywrite © 2015-2016
Written by: ydessyyy
[COMPLETED]
![](https://img.wattpad.com/cover/48876400-288-k550361.jpg)
BINABASA MO ANG
Two Steps Behind (COMPLETED)
Fiksi PenggemarSa isang dahilan nagbago ang lahat. Binabalikan ang nakaraan. Pilit pinaalala ang mga pangyayaring di dapat mangyari. Mga nangyari noon na ikaaapekto pala sa buhay niyong dalawa. Namulat sa kasinungalingan. Muling nagising sa nakaraan. Minahal mo an...