PAGPASOK pa lamang ni Aya sa HRM Building ay kanya-kanyang bulungan na ang mga estudyante habang nakatingin sa kanya.
Maliit lamang ang populasyon ng mga kumukuha ng kursong HRM sa Unibersidad na pinapasukan niya kaya halos magkakakilala lang sila.
“So cheap! Makikikabit na lang, sa matanda pa.”
“Baka naman sobrang yaman nung matanda? Alam mo na, instant yaman.”
“The slut is here.”
“Akala mo kung sinong tahimik, malandi naman pala!”
Iilan lang ang mga iyon sa mga naririnig ni Aya sa kanyang paligid. Ayaw na sana niyang pansinin iyon ngunit hindi niya maiwasan dahil habang palapit siya ay lalong lumalakas ang bulungan.
“Ang kapal naman ng mukha niyang magpakita pa rito. Hindi na niya binigyan ng kahihiyan ang sarili.”
Napatingin siya sa dalawang babaeng nag-uusap sa gilid ng corridor. Napakunot ang noo niya nang sumama ang tingin ng dalawa sa kanya.
Nagpatuloy na lang sa paglalakad si Aya at napapaisip kung ano na naman ba ang bagong tsismis sa department nila.
Bago dumeretso sa classroom, sumaglit muna si Aya sa Dean’s office para papirmahan ang excuse letter at ipakita rito ang medical certificate niya.
Dalawang linggo rin siyang hindi nakapasok dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari sa buhay niya.Nang makausap na niya ang Dean at naikwento ang mga nangyari sa kanya ay saka pa lamang siya nakahinga nang maluwag. Sa dalawang linggong pagliban niya sa klase ay abot-abot ang kaba niya dahil baka ma-FA siya sa mga ibang subjects niya. Mabuti na lang at pinagbigyan siya ng Dean na makahabol sa mga lessons na na-missed niya.
Nasa ika-apat na taon na siya sa kursong HRM, scholar siya kaya naman pinanghihinayangan niya kung hindi na niya maipapagpapatuloy pa ang pag-aaral. Lalo pa’t isang semester na lang ay makakapagtapos na siya.
Nasa hallway na si Aya patungo sa locker niya nang may yumakap sa kanya mula sa likuran. Paglingon niya ay nakangiting mukha ni Almira ang sumalubong sa kanya.
Si Almira Jacinto ang nag-iisang kaibigan niya. Nagkakilala sila nang ipagtanggol siya nito kay Patrice. Ang ate niya na wala ng ibang ginawa kundi ang awayin siya.
“Bestfriend! Na-miss kita!” hiyaw ni Almira at niyakap siya nang mahigpit.
“Na-miss din kita.” Yumakap siya pabalik sa kaibigan. Nagkatawanan pa sila nang ma-realize na nasa gitna sila ng hallway at pinagtitinginan na sila ng ilang estudyante.
Marahang hinila niya ito sa tapat ng locker niya at doon sila nagkamustahan.
“Grabe, best! Akala ko talaga hindi ka na papasok, ” nanghahaba ang mga ngusong saad ni Almira.
Kinuha niya lang ang ilang mga libro at niyaya na niya si Almira na pumunta sa classroom nila.
“Uy! Ano na? Kwento naman diyan,” pag-uungot ng kaibigan habang naglalakad sila.
“Mamaya na.”
“Ngayon na! Buti nakapasok ka pa?” pangungulit pa rin ni Almira.
“Ayun nga, akala ko rin hindi na ako makakapasok, pero may tumulong kasi sa’kin.”
“Sino? Saan mo nakilala? Paano ka niya tinulungan? Teka, ano ba kasi talaga ang nangyari sa’yo?” sunud-sunod na tanong ni Almira.
“Sandali lang. Hinay-hinay lang sa pagtatanong. Sasagutin ko lahat ‘yan mamaya, okay? Sa ngayon, tara na muna sa classroom dahil baka ma-late pa tayo.”
BINABASA MO ANG
His Wife [Published by PSICOM] [Now Available on DREAME]
General FictionAya used to live her life normally. Living with her parents and sister who always hurt and humiliates her is fine as long as she has a complete family-or so she thought. One fateful day, when all her hopes fades, dreams crashed, unbearable pain kil...