Chapter 4

301K 5.5K 111
                                    


“MAGKWENTO ka na!” Pabagsak na ipinatong ni Almira ang mga libro nito sa ibabaw ng mesa. Pagkatapos ng klase nila ay nagyaya ito sa paborito nilang tambayan. Cofee shop iyon sa umaga, bar naman sa gabi.

“Eh, bakit dito?” Nasa second floor sila ng shop. Iilan lang ang mga taong nag-i-stay sa lugar na iyon kapag bukas na ang bar. Karamihan sa mga nag-i-inuman doon ay ‘yung mga taong ayaw sa maingay.

“Dahil nai-stress ako, ” nakabusangot na sagot nito. “Nakaka-stress na sa academics, nai-stress pa ako sa kaibigan ko!”

“Hoy! Bakit ako? Wala akong ginagawa, ha!”

“Ayun na nga, best! Wala kang ginagawa. Basta ka na lang pumapayag na saktan-saktan ng ate mo! Try mo kayang lumaban, ‘di ba?”

“Umiiwas lang ako sa gulo. Kilala mo naman si Ate, ‘di ba? Kapag lumaban ako, mas lalong hindi niya ako titigilan.”

“Tsk! Ewan ko ba kung bakit wala sa mental ‘yang ate mo. Dinaig pa niya ang mga may saltik!”

“Pagpasensiyahan mo na lang.”

“Oh, ‘yung tsismis na kabit ka? Na sumama ka sa matandang lalaking may asawa na? Ano ‘yun? Anong drama na naman ng ate mo?”

“Okay, ganito kasi ‘yun. Iyong sinasabi ni Ate na pinalayas ako, hindi ‘yun totoo. I actually runaway from home, best.”

Nanlaki ang mga mata ni Almira at sumenyas sa mga daliri na magpatuloy siya sa pagkwento.

“Nung minsan kasing umuwi ako, nakita ko ‘yung piggy bank ko na wala ng laman. Nung tinanong ko si Mama kung sino ang kumuha, ayon, nagalit sa’kin, pinagsasampal ako, pinagtatadyakan at binasag niya yung mga bote ng alak sa katawan ko.” Nag-umpisang mamuo ang mga luha sa mga mata niya.

“Sobrang sama ng loob ko. Higit pa sa  pisikal na sakit yung sakit na nararamdaman ng puso ko. Pera ko ‘yon, eh! Pinag-ipunan ko. Tapos bigla na lang mawawala. Nung hindi ko na kinaya, tumakbo ako palabas ng compound. Hindi ko alam kung ano pang mga nangyari basta paggising ko, nasa oospital na ako.”

“Oh, my God! Best, hindi ko alam. Hindi ko alam na gan’on pala ang nangyari sa’yo. I’m sorry, best.”

“Tatlong-araw ako sa ospital. Nung ma-discharge ako, nalaman ko na lang na kasal na ako.”

“Teka! Tama ba ‘yong narinig ko? Kasal? As in marriage?” paglilinaw ni Almira. Nang tumango siya ay nalalaglag ang panga nito. Ilang beses nagbukas-sara ang bibig nito.

“Pineapple juice lang ang iniinom ko, pero parang bigla akong nalasing sa mga kwento mo. Una, ninakawan ka, tapos binugbog, na-ospital. Tapos ngayon sasabihin mo sa’kin na kasal ka na? Aba, matinde!”

“Seryoso ako.”

Tinitigan lang siya ni Almira at pagkatapos ay tumawag ng waiter para um-order ng alak. Sinubukan niyang pigilan ito ngunit talagang desidido itong magpakalasing.

“So, my bestfriend’s married. Paano nangyari ‘yon? Kanino? Sinong napangasawa mo? Anong klaseng tao siya? Pinilit ka ba niya? Pinagsamantalahan ka ba? Ano? Bakit ka niya pinakasalan?” sunud-sunod na tanong ni Almira. Pagkalapag ng alak ay agad na nilagok nito iyon.

“Best, kalma. Hindi siya masamang tao. Hindi niya ako pinilit, hindi niya ako pinagsamantalahan. Thankful pa nga ako sa kanya kasi siya ang nagligtas sa’kin. Though hindi ko pa talaga alam kung bakit niya ako pinakasalan. Kahit bago lang kaming magkakilala, alam ko na mabuting tao siya. Nararamdaman ko iyon.”

“Pero, best, sa pelikula lang ‘yong mga instant kasal na ‘yan! Sigurado ka ba na hindi ka lang ginagamit ng taong ‘yan?”

“Hindi ko alam. Basta ang alam ko lang, kasal kami.”

His Wife [Published by PSICOM] [Now Available on DREAME]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon