Chapter Eight

1.1K 60 28
                                    


Siguro, lahat ng maling bagay na nagawa ko, pinagbabayaran ko na ngayon. Ngayong araw talaga ang payback time para sa 'kin. Karma. Pisti. Kinakarma na nga ata ako.

Para akong extra sa isang pelikula na kahit ano mang ikinaganda ay walang saysay dahil walang spotlight. Para akong magandang bulaklak na kasama rin ng ibang magagandang bulaklak kaya hindi na mapapansin. Para akong ice cream na nalusaw, walang sarap. Teka nga? Ano na ba iniisip ko? Jongina.

Kung marunong lang talaga ako nung madalas na ginagawa ng mga babae sa tuwing 'di nila gusto ang mga nangyayari, matagal ko nang ginawa. E, sino ba naman talagang hindi mapapa-roll eyes sa nakikita ko? Tanginumin, nagsusubuan sila ng fries ko. 'Yong fries ko talaga. Pisti. Sobrang nakaka-heartbroken 'yon. Aba! Dalawa dapat sa 'kin, e. Letsugas. Isa lang tuloy ang akin ngayon. Kung bakit ba naman kasi extra-extra pa 'tong Mich na 'to. Shete.

"Ah, eh, ah... Mich, gusto mo ba sumama sa 'min? Manunuod kasi kami ng movie nitong si Ate, e. Libre ko," sambit ni Biboy nang may pagkalawak-lawak na ngiti. Sarap batukan, e. May pautal-utal pang nalalaman, sumesegway na pala ng ligaw.

"Sino nagsabing manunuod tayo? Ang sabi mo sa 'kin, sama--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil linagyan na ni Biboy ng maraming fries ang bibig ko. Wala tuloy akong nagawa, kundi nguyain ang pagkain ko.

Tahimik na ngumiti si Mich na akala mo naman ay ikinaganda niya ang kunwaring silenty type niyang personality. Maya-maya pa'y tumango ito habang nakangiti rin. Jongina. Pabebe pa.

"Pwede lang naman kasing um-oo, dami pang pakyot," bulong ko.

Pero mukhang narinig iyon ng damuho dahil pinandilatan ako. Letsugas na 'to, kailan pa 'to natutong pandilatan ako. Sarap sipain ng B niya. Parang ang saya nang maging hobby iyon. Para naman makita ko ulit siyang namimilipit at namamawis sa sobrang sakit. Pisti.

"Ano ba gusto mo panuorin, Mich? 'Yon bang Romance o Horror?" muling pagbubuhay ni Biboy sa usapan nila nung Mich.

"Ah, horror na lang."

Napangisi ako. Buti na lang at horror ang pinili niya dahil masusuka lang ako kung romance. Wala naman akong hard feelings sa pelikulang romance, sadyang hindi ko lang talaga ma-gets ang logic ng mga love story na matapos masaktan at lahat-lahat ay magkakabalikan pa rin tapos happy ending na. Hindi ba pwedeng kapag nasaktan ay tama na? Ano 'to, patibayan ng mga masokista? Hindi ako ganoon. At lalong hindi ako magpapakatanga na sa oras na masaktan ay patuloy pa rin. Nakaka-shunga masyado 'yon, e. Tanga na nga, lalo pang magpapakatanga? Aba, hindi makatarungan 'yon!

Nang matapos kaming kumain ay dumiretso na kami sa movie house. Ako nga lang pala 'yong kumain dahil puro lang naman sila kwentuhan. Ni hindi nga napansin ni Biboy na ako 'yong lumantak sa fries niya, e.

Thirdwheel, sila 'yong hindi naman dapat kasama pero napilitang isama. At masakit mang isipin pero ako 'yon.

Nang makapasok kami sa sinehan ay ako na ang nanguna. Doon na kami uupo sa bandang itaas dahil medyo punuan na sa unahan. Naglakad na ako nang walang lingon-lingon. Alam ko naman kasing susunod na ang mga 'yon. Hindi ko mapigilang sumubo ng popcorn habang naglalakad. Nakakatakam kasi ang amoy.

Pero pisti lang dahil pagkasubo na pagkasubo ko ay nadapa ako. Phucking teyp! Naramdaman ko na lang na tumawa si Mich sa likod ko. Halatang wala man lang itong pake kung nalaglag na 'ko o hindi. Pisti. Kung wala lang talaga 'to si Biboy, na-uppercut ko na 'tong malditang palaka na 'to!

Naramdaman ko na lang ang pag-alalay ni Biboy. "Bakit ba kasi ang lampa mo ngayon, ate?" Halata sa mukha ni Biboy ang pag-aalala habang pinapagpag ang mga alikabok na dumikit sa damit ko.

AteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon