Chapter Nine

1K 63 14
                                    


Wala na atang mas sasarap pa sa isang mahigpit na yakap mula sa taong gusto mo.

Hindi ko mapigilan ang ngumiti kahit nakapikit ako at natutulog. Alam ko na nananaginip lang ako dahil hindi ko makita ang mukha ng yumayakap sa 'kin. Malabo. Hindi rumerehistro sa utak ko kung sino siya. Pero pisti, ang sarap ng yakap na iyon. Parang lahat ng problema ko sa mundo, nawala. Lahat ng iniisip, nakalimutan na. Concentrate lang muna sa moment na 'yon. Tanginumin, nagbibinata na ata ako. Grabe naman, letsugas. Ba't ngayon ko lang ata 'to naramdaman?

Maya-maya pa ay naramdaman ko naman ang sunod-sunod na halik niya sa pisngi ko. Mas lalo atang napalawak ang ngiti ko. Pero parang may mali, e. 'Yong halik, nababasa ng laway pisngi ko. Mayado naman atang realistic ang panaginip na 'to. Hinayaan ko na lang. Masaya naman ako, e. Sarap ng yakap at halik. Pisti, ang landi ko ata. Tanginumin.

"Ang saya ko, ate..."

Napakunot ako ng noo. Bakit naririnig ko ang boses ni Biboy sa panaginip ko. Hindi kaya si Biboy ang lalake sa panaginip ko? Para akong nabuhusan ng tubig. Pero natigilan ako nang isang halik na naman sa pisngi ang iginawad sa 'kin. Parang may mali talaga, e. Siguro, panahon na para gumising. Jongina.

Dahan-dahan kong iminulat ang mata at halos umakyat lahat ng dugo sa ulo ko nang makita ang ginagawang kababuyan ni Biboy. Ang magaling na si Blake, nakayakap sa 'kin habang patuloy na pinapaulanan ng halik ang pisngi ko.

Teka, bakit niya 'ko hinahalikan? Bakit niya 'ko yinayakap? Jongina, may plano ba siyang rape-in ako? Tanginumin, hindi ko isusuko ang bataan ng gano'n-gano'n na lang. Letsugas na mapait!

"Baboy ka! Tanginumin ka!"

Sa sobrang pagkabigla sa nakita ay nasuntok ko siya nang pagkalakas-lakas sa mukha. Dahilan para mahulog siya sa sahig ng kama ko.

"Hanggang kailan ka ba magiging amazona, ate?" mangiyak-ngiyak na atungal niya.

"At hanggang kailan ka ba magiging manyak?" Nang tingnan ko siya ay hinihimas-himas niya ang puwet na unang lumagapak sa sahig. Buti nga sa kanya. Aba naman, hindi porke't nakakalabas-masok siya sa pamamahay namin ay pwede niya nang gawin sa 'kin 'yon. Jongina. Hindi kami talo ng kutong lupa na 'to, ano!

"Manyak agad? Hindi ba pwedeng masaya lang?" katwiran niya pa. Umupo pa ito sa dulo ng kama ko. Sarap sipain para mahulog ulit.

"Tanginumin, kung gusto mo magsaya, magpa-shot ka. 'Wag 'yong manghahalay ka, ang aga-aga."

"Bakit ate, mamayang gabi...pwede na?" Ngumisi pa ito kaya wala akong nagawa, kundi ang ihampas sa pagmumukha niya ang minamahal kong si Sadako. Nang makailag ay 'yong puting teddy bear naman ang ihinampas ko sa kanya.

"Ate, joke lang. Tama na, tama na..."

Tinigilan ko na rin at itinuro ang pintuan ng kwarto ko. "Labas."

"Ate naman!" Ngumuso ito at 'di nagpatinag sa pagkakaupo sa minamahal kong kama. Ilang segundo pa at humilata naman ito, sabay kuha sa unan ko. Jongina. Wala man lang ba 'tong hiya sa katawan?

"Ano, Biboy? Sinabi na kasing lumabas na, e."

"Pakinggan mo muna nga kasi ako," pamimilit pa nito. Tumayo pa ito at lumuhod sa harapan ko, umaktong nagdadasal sa harapan ko habang nakatingin sa 'kin nang seryoso. Aba! Ang loko, ginawa pa 'kong santo.

"Dami arte, sabihin mo na nga," pakunwaring inis na sagot ko pero sa totoo lang ay natutuwa ako sa mga kalokohan na ginagawa ng kutong lupa. Except sa ginawa niyang kahalayan. Hindi iyong makatarungan!

Humawak ito sa kamay ko, hinila ako pabalik sa kama ko at pinaupo ako. Inabot niya rin si Sadako na para bang alam niyang gustong-gusto ko yakapin ito kapag nakaupo sa kama. Nang mayakap ko na si Sadako ay saka naman siya umupo sa harapan ko at malawak na ngumiti. Iyong ngiting kahit anong pigil ay hindi pa rin mapigilan. Bungisngis ba. Tipong kahit mahulugan ng ipot ng manok ay okay lang, basta masaya siya.

"At bakit ganyan ang ngiti mo? Hoy, Biboy! Hindi ka endorser ng toothpaste kaya 'wag kang gumanyan," bulalas ko nang ilang segundo nang nakangiti ang mokong nang 'di nagsasalita.

"Sige ka, 'pag ikaw, nahanginan d'yan, naku ka. Buong buhay mo, nakabungisngis kang ganyan," dagdag ko pa.

Napakunot ako ng noo. Hindi man lang sumagot. Patuloy pa rin sa pagngiti ang loko. So gano'n, masaya siya dahil naka-tsansing siya sa 'kin? Akmang itatapon ko sana sa kanya si Sadako nang magsimula na itong magsalita.

"Wala akong planong halayin ka, ate." Ngumiti na naman ito nang pagkalawak-lawak.

"E, ano pala?"

"Masaya nga lang ako."

"Kung masaya ka, 'wag ka mandamay. Aba naman, hindi ako pokpok, oy. Na sa tuwing masaya ka o gusto mong magsaya ay ako ang lalapitan mo."

Hindi ko alam pero parang biglang nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Biboy. Para bang natamaan siya. Aba, kasalanan ko pa? E, big deal sa 'kin 'yon, e. Wala naman akong hinahayaang humalik sa 'kin. At yumakap. Natural lang naman na gano'n ang magiging reaction ko.

"Sorry, hindi ko sinasadya, ate. 'Di na rin mauulit pa, 'di ko lang talaga napigilan kanina," malamig na turan niya.

Hindi ko alam pero ba't ako pa ata ang na-guilty. Tanginumin namang Biboy na 'to, sarap itapon sa Bermuda Triangle, e.

"Uhm. E, ano ba kasi 'yon? Bakit ang saya mo ata ngayon?"

Ngumisi lang ang mokong. Paunti-unti ay bumalik ang malawak na ngiti sa labi niya. Hanggang sa mawala na ang kaninang nakakatakot na aura niya. Nang tumingin siya sa 'kin, parang pati mata ay ngumiti pa.

"Salamat, ate..."

Muli na namang nangunot ang noo ko. Ewan ko ba sa taong ito, hilig kasi mambitin. Pwede naman kasing sabihin nang isahan na lang para walang suspense.

"Ba't ka nagpapasalamat?"

Tumayo na si Biboy at nagsimulang maglakad papunta sa pintuan ng kwarto ko. Akmang magsasalita na sana ako na bakit niya ko wa-walk-outan ay saka naman siya nagsalita.

"Kami na ni Mich."

Pagkasabing-pagkasabi no'n ay ngumiti na naman siya bago tuluyang humakbang palabas ng kwarto ko. At ako... naiwang tulala. Tanginumin, no'ng isang linggo pa lang kami nagkasama sa mall. Tapos ngayon, sila na. Hindi man lang ba marunong 'yong babae ng salitang pakipot?

Hindi ko maintindihan. Pero mas hindi ko maintindihan kung bakit parang lumalabo ata ang paningin ko. Nang ilapit ko ang kamay ko sa mga mata ko para kusutin ito, do'n ko lang napansin kung bakit nagka-gano'n. Kaya pala nanlalabo. Basa kasi.

Pero bakit? Tanginumin. Pisti. Litsi. Letsugas. Jongina.

Bakit?

Bakit umiiyak ako?

--

Author's Note: UMAYGAD. ISANG UPUAN. NATAPOS KO TALAGA SIYA SA ISANG UPUAN. OO. MAIKLI. SINADYA KO EH. PERO NAKAKATUWA. NA-ACHIEVE KO GOAL KO. SORRY NA SA CAPS LOCK PERO AMAZED NA AMAZED AKO. HAHAHA <3

Inaabangan ko ang comments niyo. :D

May qouta ako sa comment pero 'di ko sasabihin kung ilan. Makatarungan naman. 'Di naman super taas pero gusto ko sanang magcomment lahat ng nagbabasa. Sana. Wah </3

Basta, mag-u-update ako. Labsyuoll.

PS: Hindi ako magpopost sa Lunes. Bakit? Busy ako buong araw.


AteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon