When I was a kid, I thought falling inlove is easy. Easy as said. Pero it turn out, mali pala ako. Ang akala ko kasi dati pag nagmahal ka, mamahalin ka din pabalik ng taong mahal mo. Yung parang sa fairytales, na once upon a time, their was a beautiful girl na may prince charming tapos nagkaroon sila ng happily ever after. Or so I thought. Bago ko pa makilala ang one first love ko.It was J. Natatandaan ko pa yung una ko siyang nakita, it was the best part of my life. Yung pagkakita mo pa lang sa taong yun, you know that you'll love him forever. Pagkalakad niya pa lang sa hallway parang may humila sa akin para tumalikod at makita siya. Bumilis ang tibok ng puso ko, kumanta ang mga anghel, at tumigil ang pag-ikot ng mundo. Parang may camera na naka focus lamang sa kanya. It was cliche, I guess. Love at first sight kung tawagin nila. But no, hindi mo naman ata mamahalin agad ang isang tao for the very first time na makita mo siya. Yes, you would have a crush on them. Pero not love. Love is a different thing.
So ayun, right after that moment, I can't stop thinking about that guy. Kaya naman hinanap ko siya. Hinanap ko siya sa facebook, kahit di ko naman alam kahit name niya. I'm clueless at ang natatandaan ko na lang ay ang mukha niya. Pero buti naman because luck was on my side. Kasi nahanap ko siya.
And then when sembreak ends at pasukan na. Automatic na hinanap ko siya agad. Buti na lang at kakampi ko ang tadhana kasi magkatabi lang kami ng room, kahit na ibang year level siya. Advantage na rin pala ang mapunta sa last section.
Everytime, nagpapakastalker ako at sinusundan ko lang siya. Minamasdan ang mga galaw niya. Kahit maliliit na bagay tungkol sa kanya, gusto kong nalalaman. It was like knowing his favorite music to his darkest and deepest secrets. Ganun naman talaga diba? Yung pagtawa niya, pagbabasa, pag-strum ng gitara. Kahit simpleng bagay nag mamatter para sayo pag hinahangaan mo ang isang tao. Yun, yun ang akala ko. Akala ko hanggang simpleng crush lang ang lahat ng ito. I didn't think I was actually falling for him. Ako kasi yung tao na pag may crush, crush lang. No strings attached. Yung simpleng tinginan at pagtatagpo lagi ng landas namin, na parang kakampi ko ang universe, ay unti unti na palang pagkahulog ko sa kanya. Pagkahulog sa isang taong, hindi mo alam kung sasaluhin ka. Walang assurance, basta nahulog ka na lang. Yan ang mahirap eh. Lahat ng tao nagiging vulnerable pagdating sa love.
It was hard for me of course, magkagusto sa taong ni hindi nga alam na nageexist ka. But at the back of my mind, I was actually wishing na sana kahit pangalan ko man lang alam mo. Na sana, naiisip mo rin ako kahit isang segundo lang sa buhay mo. Na sana nacucurious ka din sa akin katulad ng pagiging interasado ko sayo, where it actually all started.
That time, I was so damn happy. This feeling was new to me. Ikaw lang ang nakakapag-paramdam nito. Yung isang tingin niya lang, para ka ng nasa cloud 9. Yung presensya niya lang nakakapag- pakaba na agad sa iyo. Yung mga maliliit na bagay na yun. Akala ko sign na.
Umasa ako. Kahit alam ko sa sarili ko na there was no chance, even a single one na you would fall in love with me. Kasi pano ka nga ba naman magkakagusto sa akin? Eh we're not even friends. Kaya pano naman madidivert ang atensyon mo sa akin? Kahit nagpapakadesparada ako mapansin mo lang, wala pa rin. Pero minsan, hindi ko naman maiwasang mag-assume. Minsan dumadaan sa isip ko yung mga mixed signals mo. You were frustating me, I don't even know what's running on your mind tuwing nagtatagpo ang landas natin. It was unfair. Fucking unfair. Na halos bawat detalye tungkol sayo alam ko, pero you don't even know about me. Na buong space sa puso ko, nilaan ko sayo. Ngunit kahit katiting, wala akong pwesto dyan sayo.But I can't hold back my feelings. Nandyan na yan eh. I can't stop my feelings anymore. Kung pwede nga lang sana ma-undo ang nararamdaman ko , ginawa ko na. Bago pa ako lalong nahulog, nahulog sa kawalan. Kawalan dahil laging walang kasiguraduhan. I make up my mind already, na hanggang tingin na lang ako. Na hindi kita maaabot kahit gaano pa ako kataas umabot. It was clear with me. Tanggap ko na, na I would just be the girl behind the lights.
BINABASA MO ANG
Sparks
RomancePara sa mga nagmamahal. Para sa mga salitang hindi naiparating. Para sa mga nasaktan. Para sa taling hindi kailanman nakabit. Para sa mga umaasa. Para sa nakaraan na kailangan nang limutin. Para sa mga iniwan sa ere. Para sa paglipad mo nang hindi n...