Para kay N,

9 2 2
                                    

Nakakabinging hiyawan ang bumungad sa akin pag punta ko sa gymnasium ng school. Ugh. Hindi ba marunong kumalma ang mga tao dito? Wala na atang nagdaang araw this week na hindi ako pinathimik nito. Sa bagay, intrams naman kasi. Pero kailangan talagang ganto ka-ingay?

"Likha dito bilis." Sabi ni Raizel sa akin sabay hatak sa kamay ko papunta sa gym. Wala akong nagawa dahil kinaladkad na ako ng babaeng toh.

Napairap na lang ako sa kawalan sa sobrang init at siksikan na pwesto namin. What on earth has bring us here? Seriously? Hindi ko alam na fanatic din pala si Raizel ng mga gantong ka-cheapan.

"Why are we even here?! Pwede bang umalis na lang ako?" Sigaw ko dahil sa hindi magkamayaw na cheer ng mga tao sa paligid at halos lumuwa na ang eardrums ko. Tss, pathetic.

"Shhh, Okay? Maki-cheer ka na lang din kay Papa Neil! Woooooh! Go Neil! I-shoot mo yung bola!" Sabay yugyog niya sa akin na halos ikatapilok ko sa bleachers.

"After Josiah, you had your new guy agad? Really Raizel?" Sabi ko sa kanya sabay punas ng pawis sa ulo. Eww. Ang lagkit ko na agad, nakalimutan ko pa magdala ng hanky. Kainis.

Ewan ko ba dyan. Ang gulo gulo din ng isip nyan ni Raizel. Hindi magkamayaw yan sa mga lalake. Parang last week lang kasi halos mamatay na yan kasi nireject siya ni Josiah. Tapos eto na siya agad, parang lalabas na ang ugat sa leeg kakahiyaw para lang dyan kay "Papa Neil", really?

"Pwede bang manahimik ka na lang? Tingnan mo oh! Kumaway siya dito? Oh my gosh!! Freakin take me now lord!" Sabi niya sabay hampas sa balikat ko.

Hay nako, she's drooling over a guy nanaman na hindi siya mapapansin. Over the sea of girls that are bawling their throat out, did any of them think na hindi naman sila mapapansin ng mga yan kahit anong gawin nila. Yan ata ang mga type niya. Yung mga tipong unreachable.

"Sa tingin mo ba mapapansin ka nyan sa dami ng tao dito? Gosh."

Napailing na lang ako habang pilit siyang nagpapapansin doon sa lalakeng yun. I hate him. Kung sino man siya, late na kami ni Raizel sa next class namin. At alam kong ready siyang mag-cut classes para sa lalakeng yun. Knowing her attitude, walang sinasanto toh.

"Ayan na. Free throw. Woooooh! Go for it Neil! " Hiyaw nanaman niya kasabay pa ang ibang mga babae.

Pinasadahan ko ng tingin ang lalakeng naka-jersey number 28 na tila nakaposisyon habang nakaharap sa ring. Hindi ko makita ang mukha niya dahil hindi siya nakaharap sa bleachers na kinauupuan namin. Sus. Mukhang puro yabang lang naman ang alam. Tumungo na ulit ako at saka binuksan ang aking IPhone 5s.

"Shoot!" Sigaw ng commentator kaya napa-angat ako ng tingin sa lalakeng yun. Okay? Ano naman kaya ang nakita ng bestfriend ko sa kanya? I'm not even impressed by his looks. Kulay tsokolate ang balat at may mga mata na parang sa agila. Malapyos ang nga labi na bahagyang kulay aswete.

He almost looks like a drug addict. Swear. Kung makasalubong ko lang siguro sa daan yan baka mapagkamalan ko pang jejemon.

Napatingin ako sa relos na suot ko. "We're 10 minutes freakin late, Raizel. Wala ka bang balak pumasok? Kasi ako meron. I'm leaving you here."

"Whatever, Klarian. Kj mo talaga kahit kailan." Sinamangutan niya ako at saka tumuloy sa panunuod ng game. Well, mukha talagang balak niya mag-cutting classes. Sabagay, wala naman siyang grade na hinahabol tulad ko.

Tumakbo ako papunta sa building namin na hindi naman ganun kalayo mula sa gymnasium. Hindi naman kasi ganun kalakihan itong school na pinapasukan ko. Tama lang ang laki niya para sa higit isang libo lang na estudyante.

Anyway, nasa labas na ako ng room namin. Pero hindi ako makapasok. Nakakahiya kayang ma-late at isa pa, strict itong si Mrs. Banal na teacher namin sa Math. Sumenyas ako sa kaklase ko kung pwede ba ako pumasok. Um-oo naman siya kaya dumeretso ako sa pintuan ng room. And before I knew it, sinigawan ako ng teacher namin at saka ako pinalabas ng room. Humanda talaga yang kaklase ko sa akin. He will pay for this.

SparksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon