CHAPTER 20

75 5 2
                                    

Woohh.. Nakapag-update din ulit... Sorry guys, eto pa lang yung nakayanan ko but I really hope you like it :)

*****************************************

SEAN's POV

Ilang araw na ang lumipas pero hindi pa rin pumapasok sina Stella. Ang huling pagkikita naming ay nung nalaman niya ang tungkol sa paghihiganti namin. Hindi ko maintindihan pero hindi ako matahimik. Di ba dapat masaya ako? Bakit ganito ang nararamdaman ko? When I looked at her eyes that time, I saw great pain, disappointment and anger. Parang libu-libong karayom ang tumusok sa puso ko. Can someone tell me what's wrong with me? Bakit kahit kasama ko na ulit si Breth, I never felt the same way I used to when we're together in the past? This is giving me a headache.

"Hey babe!" sigaw ni Brethanny.

"What?!"

"Kanina pa ako kwento ng kwento ditto pero hindi mo naman ako pinapansin. Lagi ka na lang ganyan." May himig na pagtatampo na saad niya.

"I'm sorry. I'm just thinking something."

"Ano ba kasi yun? Bakit ayaw mong sabihin sakin?"

"Don't mind me. Tara na. Malelate na tayo sa next class natin." At nag-umpisa na akong maglakad. Kami lang kasi dalawa ang magkasama sa pr. Sina Jasper at Zian, hindi ko alam kung nasaan. Hays...

After a boring day, dumiretso kami sa bar tutal, Friday naman ngayon.

"Pumasok na ba sila?" tanong ni Blake.

"Hindi pa nga eh." Sagot ko.

"Yan na nga ba ang sinasabi ko sa inyo. Binalaan ko na kayo pero hindi kayo nakinig."

"Oo na Kean. Kami na ang mali."

"Kailangan nating maging mas maingat ngayon." Naguguluhang tiningnan naming tatlo si Blake.

"What do you mean?" tanong ni Jasper.

"Hindi niyo ba nababalitaan, maraming gang na ang bumabagsak at namamatay ngayon. At nasisiguro ko na makakaharap na natin in no time ang mga malalakas na gang."

"Paano ka nakakasiguro?"

"Instinct Zian. Kaya hindi dapat tayo magpakakampante lalo na at may mga tao tayong binunggo na hindi dapat."

"Alam niyo, naguguluhan ako sa mga sinasabi niyo. May hindi ba kami alam."

"It's for you guys to found out."

Bigla na lang may sumingit sa usapan namin na akala mo kung sino.

"Long time no see Dark Phantom Knights."

"Black Demons..." bulong naming lahat.

"By the way, we just passed by para kamustahin ang mga girlfriends niyo. Alam niyo bang ang galling nilang sumayaw lalo na si Quinzette."

"What are you talking about bastards?!" galit na sigaw ni Jasper. Nalilito ako sa mga pinagsasabi nila at paano nila nakilala sina Brethanny.

"Chill. Gaano niyo ba kakilala ang mga girlfriends niyo since umalis sila? Hmm... This is interesting. Gotta go. See yah around."

"SH*T!!! Ano bang alam nila?"

"Chill guys... Aalamin ko yung tungkol sa sinasabi nila." Saad ni Kean.

"Let's go home..."

Pagkarating sa bahay, dumiretso na kami sa kanya-kanya na naming kwarto. Hindi maalis sa isip ko yung mga sinabi ng Black Demons. Ano nga ba ang nangyari kay na Breth na nung nawala sila for a long time. Kapag tinatanong ko kasi siya, sabi niya, family problems daw at hindi na daw importante yun. Ano ba talagang totoo? I need to find the answers on my own. Kamusta na kaya si Stella? I hope she's ok. Haysss... Bakit ba kasi hindi siya maalis sa isip ko. Sana, sa susunod naming pagkikita, makuha niya pa akong patawarin.

BEHIND THOSE PRETTY FACESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon