CHAPTER 6

163 5 0
                                    

SEAN's POV

Saturday ngayon at siyempre walang pasok. Naglalaro lang kami ng Xbox ni Zian ng dumating sa bahay si Jasper. Yeah, isang house lang ang tinitirhan namin. Bakit? Wala lang, trip lang namin at saka gusto namin maging independent. Isa pa, mga gangsters nga kami di ba? May mga pagkakataon na late na kami nakakauwi, kaysa naman mambulabog kami sa mga tulog para pagbuksan kami, bumili na lang kaming tatlo ng bahay. Siguro, kay na Ate Sky siya natulog kagabi.

"Wazzup men?" Bungad ni Zian.

"Ok lang." Bored niyang sagot. Umupo siya sa sofa kaya naman tumigil muna kaming maglaro.

"May nalaman ka ba?" Tanong ko.

"Yeah." Tinabihan namin siya ni Zian as on cue, he started retelling what he found out.

Hindi kami makapaniwala sa nalaman namin. Eh? I can't really imagine na magkakilala sila. Paano na kami makakaganti sa apat na yun? Ayaw naman namin na mapasama kay Ate Sky. Nakakatakot kayang magalit yun. Naalala ko tuloy nung time na umuwi kami sa bahay at nadatnan namin siya dun. May mga kasama pa mandin kaming babae. Yung aura niya, sobrang itim na anytime, magtatransform na siya to a creepy monster. Alam niyo bang isang linggo kaming grounded. No gadgets, walang labas ng bahay except sa school. Daily routine for that week, home-school-home. Ang masaklap pa nito, bugbugin ba naman kami. Muntik na ngang mawala ang gwapo naming mukha at yun ang pinakaiiwasan kong mangyari.

"Huy!" Batok sakin ni Jasper.

"Saan ka ng lupalop ng daigdig nakarating?" Tanong naman ni Zian.

"Wala. So, ano na Gagawin natin?" Bago pa man makasagot si Jasper ay nagring ang kanyang phone. Mayamaya, inend na niya ang call.

"Sino yun?" Tanong ko.

"Si Light. Pinapaalala lang yung upcoming battle natin sa Saturday."

"Oo nga pala. Kailangan na nating magtraining." Sa totoo lang, hindi na naming kailangang magtraining kasi magagaling na kami pero hindi dapat kami magpakakampante.

"Pero bago yung siguradong madugong training, punta muna tayo sa mall para mamili ng isusuot natin. Dapat tayo ang pinakacool at pinakakakatakutan because we are the DARK PHANTOM KNIGHTS." Sabi ko sa kanila with matching action pa.

"Tss! Hindi pa sabihing manchichicks ka lang." Saad naman ni Jasper. Psh! Kahit kailan talaga panira ang lokong 'to. Pero 50%, totoo yun. Haha... "Tara na." At nauna na siyang lumabas.

Sumakay na kami sa kanya-kanya naming motor. After a few minutes, nakarating na kami sa mall. Matapos naming puntahan ang ilang clothing stores, nakaramdam ako ng gutom.

"Mga bro, pwede bang kumain na muna tayo. Nagugutom na ako eh."

"Buti naisip mo pa yan." Singhal ni Zian sabay batok sakin.

"Peace. Tara Jollibee." Bigla naman akong binatukan din ni Jasper. Ms. Cutie Author oh, pinagtutulungan ako nung dalawa. T3T

(Yuck! Di bagay sa'yo Henry ang magpout. Haha... pantanga ka...)

Ang bad niyo. Pinagtutulungan niyo ko and don't call me Henry. Hindi tayo bati. Hindi ka naman cute author eh. Hmp!!!

(Gusto mo bang maglaho na parang bubbles Henry? *evil grin*)

Sabi ko nga ang cute-cute mo Ms. Cutie Author. Bagay sa'yo name mo. Ikaw lang ang authorized na tumawag sakin ng Henry maliban kay Ate Sky. Mas gusto niya kasi tinatawag kami sa second names namin eh.

"Sige na. Ngayon na lang ulit tayo makakakain dyan after 2 years."

"Fine!" wala na silang nagawa kung hindi ang pumayag. Haha...

BEHIND THOSE PRETTY FACESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon