CHAPTER 4

216 5 0
                                    

RHEIGN's POV

          Interesting naman pala ‘tong school na ‘to. Uso din pala ang mga gangsters. Hindi na lang namin pinansin yung tatlong gangsters na DARK PHANTOM KNIGHTS daw. The hell we care! Pagkatapos naming kumain ni Relle, tumayo na kami. Ang ingay kasi, nakakaasar! Maglalakad na sana kami ng pigilan kami ng dalawang bwisit na ‘to.

“Hands-off!!!” may diing-sabi namin ni Relle. Sa lahat pa naman ng ayaw namin ay hinahawakan kami ng mga strangers.

Mukhang walang balak bumitaw ang mga ‘to ahh. I look at Relle and I saw her famous evil smirk. If she does that, I’m pretty sure tatakbo lahat ng nakakakita. Napansin ko nga na mukhang natakot yung ibang students while the others were waiting sa mga mangyayari. I smile a little bit and in a few seconds, nakaupo na sila sa sahig. Gulat ang makikita mo sa kanilang lahat while Resse and Gie were laughing like an idiot. Tsk! After that, umalis na kami dun. Easy as 1, 2, 3 lang pala eh. Weaklings!!!

“Rheign, you know what to do.” Relle said. I just nod. Gets ko na yung pinapagawa niya sa akin. Kung ano yun, sakin na muna. Malalaman niyo rin naman, hindi nga lang ngayon.

Natapos ang first day of class namin na nakakaboring. Tss! Puro introduction lang ng mga sarili namin and subjects. Nararamdaman ko na masama ang tingin nung tatlong lalaki samin. Malakas kasi ang senses namin. Sinanay kami sa ganun eh. Tsk! Looks like hindi peaceful ang magiging college life namin dito. Umuwi na kami sa bahay nina Gie. Dun kasi kami titira while we’re here in the Philippines. Mag-isa lang kasi siya dun dahil nasa Korea din parents niya. Business partner pala ng family naming tatlo ang parents niya. Ayos di ba? Dumiretso na ako sa kwarto to make some research. May idea naman siguro kayo kung sino at ano ang ireresearch ko di ba? Okay, back to work na ako.

ZIAN’S POV

Hanggang ngayon, hindi pa rin kami nakakarecover sa nangyari kanina. Sino ba talaga sila?

(Flashback)

“Hands-off!!!” sabi nilang dalawa pero dahil ginagalit nila kami, hindi kami sumunod. Akala nila matatakot nila kami. Narinig kong may pakantang sinabi yung kasama nilang bakla pero hindi na lang namin pinansin. Si Sean naman, nanunuod lang.

After a split of second, napaupo na lang kami. Ang bilis kasi ng pangyayari. Alam niyo ba kung anong ginawa nila, eh di sinuntok ba naman kami. Sapul nga sa gwapo kong mukha eh. Then, umalis na sila na parang walang nangyari. Tawa lang ng tawa yung dalawa nilang kasama pati na rin si Sean. Tss!

“I told you guys but you never listen. Ingat-ingat din kapag may time ha. Sayang, ang gagwapo niyo pa naman. Tsk! Bye! See yah later.” Sabi nung bakla with matching wink pa. Kilabutan nga siya sa pinaggagawa niya.

“Humanda sila sakin. May araw din sila at sisiguraduhin kong pagsisisihan nila yun.” Sabi ni Jasper at umalis na kami sa cafeteria. Dumiretso kami sa private room namin.

(End of Flashback)

          Kaasar ang nangyari di ba? Isama mo pa yung baklang yun. Tapos hetong si Sean, di pa rin tumitigil sa kakatawa.

“Titigil ka o bibigyan din kita ng suntok?” Pagbabanta ko.

“Eh sorry naman. Pansin ko lang, kakaiba sila sa lahat ng babaeng nakilala natin. Ni hindi nga sila natakot kahit sinabi nating gangsters tayo eh.” Sabi niya.

“Oo nga eh at lakas sumuntok ha. Parang hindi babae eh.”

“Malalaman rin natin. We just need to conduct a private investigation. Uumpisahan natin sa pagtatanong kay Ate Sky.” Seryosong sabi ni Jasper. Mukhang galit na agad siya sa kanila. Lagot ang mga babaeng yun. Maling tao ang kinalaban nila.

BEHIND THOSE PRETTY FACESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon