chapter 1: bully

19.1K 341 31
                                    

Kim POV

Ringgggg

ringgg

ringgg

rin-

Argh, this alarm clock gusto ko pa matulog...

Ten minutes p--...

*Thud*

Hays, sabi ko nga hindi na pwede.

"Kim, Kim, ang mahal kong pinsan, wala ka na bang balak gumising? Pag hihintayin mo na naman ba ako nang matagal sayo, bumangon ka na nga dyan."

Sino ba naman kasi nag sabi na mag hintay sya?

"Who told you na pwede ka pumasok sa room ko?"

"It doesn't matter anyway, even if I don't have a permission coming from you, kailangan mo na mag gayak, come on!"

"ayaw kong pumasok"

"Ah ganun, sige inform ko na lang kita kay tita na pinapabayaan mo na ang pag-aaral mo."

"Gusto mo ba samahan pa kita?"

"Kim naman oh bumangon ka na dyan, Bat ka ba tinatamad? Maayos naman ang performance mo sa school ah?"

Marahan nyang pahayag dahilan upang pumintig ang aking tenga sakin narinig imbis na masiyahan. Ano naman kasing connect yun sa kagustuhan kong hindi pumasok? At kailangan ba talaga na gawin dahilan ang magiging reaction nang aking magulang kapag hindi ako naging mabuting anak nila? Kung tutuusin naman ay baka maging isang hangin lang sa kanila yun kapag ginawa nga ito nang aking pinsan.

"Sana nga kuya di ko na lang inayos, panira sa buhay ko eh."

Aking walang gana na dugtong habang taimtim kong pinag masdan ang kanyang reaksyon na halatang nabigla sa kanyang narinig.

"Kim...ah an-"

"Sige na hintayin mo na lang ako sa labas mag aayos lang ako."

Aking putol sa kanyang sasabihin nang maisipan kong gumayak na lang dahil wala naman akong choice. mas gugustuhin ko pa kasi sa school tumambay kaysa sa pinsan ko na nag sisimula na naman mag tanong ng madami.

"Uhm, kim nag text pala si tita na good luck daw sa school mo."

Pahayag nito na tanging isang tango lang ang aking binalik. Tuluyan na kaming nasa gitna nang pag b-byahe at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin naisipan imikan ang aking katabi kahit mga ilang Segundo na ang nakakalipas dahilan upang hindi ito mapakali sa kanyang pwesto.

Alam ko naman kasi na may gusto syang sabihin pero wala talaga akong gana makipag kwentuhan at sumagot-sagot sa tanong nya, dahil simula rin kanina or let say nang ako'y magising at malaman pasukan na naman, eh isang scenario na lang ang tumatakbo sa isipan ko ngayon...

Hays, pang ilang sigh ko na ba ito? oh well I don't mind mas priority pa rin sa utak ko ang mangyayari mamaya sakin. kung bakit ba kasi hindi normal ang school days ko katulad sa iba eh, edi sana hindi ako ganto na parang walang pangarap dahil sa sobrang kinamumuhian ko ang school na pinapasukan ko.

"Thanks for the ride Kuya"

I said nang mapansin kong nakarating na kami sa harap ng school, at balak na sanang buksan ang pinto para makalabas na pero...

"Ganun pa rin ba pakikitungo nang lahat sayo?"

Bigla rin akong napa hinto saking gagawin nang mapalingon ako sa tanong nang aking kasama at kita ko ang pag aalala sa kanyang mata.

WHY SO GOOD! THE NERD LIKE YOU?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon