Kim POV
Hindi pa rin ma process sakin utak ang nangyari samin ni candice, si candice ang mortal kong kaaway ay binigyan ako ng halik at hindi lang halik..a-ano ba tawag dun nabasa ko yun sa novel eh f-french k-iss, french kiss yata at dahil sa punishment nya sa sarili nya kuno,
Isipin pa lang yun ay sobrang nakakapang gigil na, sumusobra na kasi yung pang b-bully nya, kahit first kiss ko hindi nya pinalampas, pero parang imbis na mainis ako at umiyak ay hindi ko pa rin maalis ang init saking katawan.
At hanggang ngayon ay lutang pa rin ako habang nag lalakad, hindi ko na kasi mawari kung ano na mangyayari sa susunod na araw. kailangan ko na talaga umiwas sa kanya dahil baka umabot pa to sa malala.
beep!
Napatingin na lang ako nang biglang may bumusina saking harapan. Hindi ko namalayan na nasa labas na pala ako at nakita ako ni kuya ken na syang nag hihintay sa akin.
Mabilis na ako pumasok sa kotse at nag byahe ulit ng tahimik, gusto ko na umuwi ng condo, gusto ko na mapag isa, hanggang ngayon pa rin kasi ay iniisip ko ang nangyari, buti na lang ay hindi nag tanong si kuya ken ngayon araw, dalawang subj. ba naman ang hindi ko napasukan, baka pagod na rin siguro.
Kinabukasan, para akong spy kung mag libot ng tingin at parang may humahabol sa akin dahil sa bilis nang aking pag lalakad, hindi nga siguro pag lakad ang ginagawa ko eh pa takbo na. Nang maka pasok ako sa room kala ko safe na ako pero hindi pala nandun ang tao na tinataguan ko at may kalandian lalaki.
Pero atleast hindi ako ang trip nya ngayon, nag lakad na lang ako papunta sa aking pwesto at ramdam ko na nakatingin sya sa akin pero di ko na lang pinansin, hanggang sa matapos ang lesson ay wala naman itong ginawa and I'm thankful dahil makaka uwi ata ako nang mapayapa.
Naisipan ko muna pumunta ng library para dun mag patay oras, maaga pa kasi at meron pa akong 3 hours para dumating ang aking sundo.
Agad kong nilibot ang mga bookshelves para mag hanap ng libro na babasahin, isang book lang ang aking kinuha dahil konting oras lang naman ang aking bakante, nang maka hanap na ako nang libro ay agad rin akong pumwesto sa sulok, yun ay sa hindi masyadong nakikita ng tao, mas gusto ko kasi ang tahimik at tanging music ko lang ang aking maririnig.
sinalpak ko na rin ang aking earphones sa tenga nang maayos ko na ang aking pwesto at sinimulan na ang pag babasa.
Lumipas ang dalawang oras naisipan ko na muna mag pahinga at i-stretch ang aking katawan na nangalay saking pwesto, pati na rin ang earphones ay tinanggal ko muna dahil nangalay na rin. Naisipan ko na rin ibalik ang libro na aking binasa dahil natapos ko na ito at mag hahanap na ulit.
Ngunit, sa aking pag tayo ay agad din ako napa upo dahil sa unexpected na masilayan ko ang aking ini iwasan na tao na kakalabas lang sa madilim na parte nang bookshelf at may kasama itong lalaki.
Tsk, kung minamalas ka nga naman! anas ko sa aking isip at agad binuklat ang libro upang takpan ang aking mukha. Simula nung mang yari kasi ang insidente sa backstage ay hindi na ako mapakali. Kung nung dati ay dahil takot ako na masaktan nya at mapahiya, ngayon ay ang pagiging m-manyak nito!
Bwisit, sana lang talaga di nya ako mapansin. Siguro naman hindi, dahil nasa madilim na parte rin naman ako nakapwesto, like I said sa hindi masyadong matao.
Kaso, naalala ko di nga pala ako malakas kay tadhana at ngayon kahit anong gawin kong pag patay malisya na gumagalaw sa ibaba ko na para bang hinihimas ang aking binti na nakaka akit ay wala na akong nagawa kundi lingunin ito na may inis sa mukha.
BINABASA MO ANG
WHY SO GOOD! THE NERD LIKE YOU?
Random"Argh, that nerd! Walang hiya yun paano nya, pano nya nagawa sakin ito!? For Pete's sake I want her, fuck this hormone!" She sexually frustrated me and besides that, she also ruined gradually my daily lives...