"Pa, nandito nanaman po ako, as usual nabugbog nanaman po ako " I said between my sobs
"Pa, bakit niyo po ba kasi ako iniwan agad ? Pwede na po ba akong sumunod nalang sainyo ? Pagod na po ako Papa, " pinahid ko ang luhang tumutulo sa pisngi ko pero kahit anong punas ang gawin ko tuloy parin ang pagbagsak ng mga ito mula sa mata ko " Papa, bakit po ba kasi ganon na sila saakin? Pa, tulungan niyo po ako, " sambit ko at nahiga sa gilid saglit kong ipinikit ang mga mata ko
"I love you Pa, thanks po dito sa Gift " sabi ko na tuwang tuwa dahil sa natanggap kong regalo sa pagiging valedictorian ko
"I love you too, Baby " aniya at hinalikan ako sa pisngi
*ting.....ting....ting* naririnig ko na tunog ng train na padaan sa highway na dinadaanan namin pero pagkatapos ay hindi ko na alam ang sumunod na nagyari
"Maine, baby wag kang pipikit idilat mo lang ang mata mo huh... Maine anak Wag kang matutulog makinig ka saakin " basta ang alam ko lang ay tinatapik ni papa ang pisngi ko at pinagsabihan ako na wag pumikit at matulog kaya sinunod ko, pagtingin ko sakanya nakasandal lang siya at may dugong tumutulo mula sa ulo niya
"Papa.........papa dumilat ka po ! Wag kang pumikit, PAPA " sambit ko habang iniyuyugyog siya at hindi inalintana ang sakit ng sugat sa kamay ko pati ang sugat sa mukha ko dahil sa mga bubog na tumalsik saakin pero hindi siya umiimik kahit ungol ay wala tuloy lang din ang daloy ng dugo mula sa ulo niyaWala akong ginawa kundi ang yakapin si Papa~.
Napadilat nalang ako dahil sa napanaginipan ko.. Naipaalala na naman saakin ang nakaraan. Nakaidlip pala ako sa gilid ng puntod ni Papa, oo patay na si Papa
He died because of the Car accident twelve years ago, Im only 11 years old that day at sariwang sariwa pa saakin ang nangyari kahit matagal na siya, ako lang din ang nakaligtas sa aksidenteng yon na sana kasama nalang ako sa mga namatay edi sana kasama ko si papa ngayon
Everything change after papa died. That was the first day my life became miserable, ewan ba basta nagbago si mama at si ate from angels turn into a demon... At ginawa akong alila na kung tratuhin ako higit pa sa hayop, na para sakanila parang isa akong punching bag na pag bored sila ako naman ang pagtitripan nila at gagawin ang kung ano mang naisin
~
Nakayuko lang akong naglalakad along the street pauwi sa bahay mula sa Night ville Cemetery
"Shit"
"Sorry po " paghingi ko ng tawad sa nabangga ko ng nakayuko parin
" hey wait " aniya at pinigilan ako maglakad " Is that the way how you say sorry? Nakayuko? What The! " napatingin naman ako sakanya na ikinagulat niya ganun din ako
Ang gwapo niya. Artista kaya ang isang to? Naka purong itim siya, mula sa hikaw niya sa kanang tenga na lalo pang nag papa astig at nagpapagwapo sakanya, at hanggang sa sapatos niya na itim din
Napailing nalang ako sa pinag iisip ko, kailangan ko na talagang umuwi dahil malalagot naman ako
"Shit I-Im so—Damn it. You okay ? " tanong niya na kunot noong nakatingin saakin, siguro ay iniisip niyang baliw ako dahil sa pagiyak ko.. Oo umiiyak parin ako hanggang ngayon " uhmm oo, ayos lang ako. Pasensya na ulit" sambit ko at naglakad na ulit at hindi na muli siya pinansin pa
Kailangan ko ng makauwi dahil kung hindi baka mabugbog nanaman ako ni mama, hindi pa nga ako nakaka recover sa sugat at mga pasa ko dahil sa bugbog tapos nung nakaraang araw madadagdagan nanaman.
" Naglakwatsa ka nanaman Huh! Wala ka talagang Kwenta... malas ka na nga wala ka pang pakinabang " bungad saakin ni mama at tsaka hinila ang buhok ko, pagkapasok ko palang ng Gate
" ma, galing lang po ako kay papa " sambit ko at hinawakan ang kamay ni mama para kahit papaano ay hindi gaanong masakit ang paghila niya sa buhok ko
" Papa? Wala na ang Papa mo patay na siya, naiintindihan mo! Patay na! " naiyak nanaman ako, hindi dahil sa sakit ng paghila niya sa buhok ko kundi ang dahilan na parang wala siyang paki kay papa, kahit pa sabhin nating patay na siya
" Mama, masakit po " sabi ko
" wag mo'ko ma, Mama Mama dahil hindi kita anak... Lumayas ka " sabi at hinila ako palabas ng Bahay
" mama wag naman po kayo magbiro ng ganyan " sambit ko
" sabi ng hindi kita anak eh, Anak ka lang ng papa mo sa una niyang asawa " sabi at tsaka ako itinulak " at dahil puro malas ang dala mo saamin lumayas ka dahil wala ka ng lugar sa bahay na to " dagdag pa niya..
"Oh Gamit mo anjan na lahat " sambit ni ate Lea at saka inihagis yung bag saakin " wala akong kinuha wag ka mag alala, pasalama't ka't ipinagimpake pa kita " dagdag pa niya at tsaka na sila pumasok ni Mama sa loob ng bahay at iniwan akong tulala dito sa labas dahil hanggang ngayon hindi pa nag sisink in sa akin ang lahat lahat ng pangyayari ngayong araw na to, ngayong oras na to.
Kaya ba ganun ako tratuhin ni mama? Dahil hindi niya ako anak at sampid lang ako?
-
Naglalakad lang ako hilahila ang maleta ko habang umiiyak nanaman, at mukhang nakikisabay pa ang panahon saakin dahil bigla ding umulan
Ang paningin ko ay unti unti nang lumalabo, ang katawan ko rin ay nanghihina, sumilaw saakin ang ilaw ng sasakyan at sa pag aakalang taxi ito ay paparahin ko na sana ngunit bago ko pa magawa iyon ay naging purong dilim na ang naging paligid ko.
BINABASA MO ANG
Angel Of Mine (OnGoing)
RomanceWill Love possibly exist when a Gangster accidentally meet an Angel ?