[six]

14 0 0
                                    

~six~

--
Maaga akong nagising as always,

Ginawa ko na rin lahat ng mga daily routine ko, nakapag handa narin ako ng breakfast, kaso mag na-nine na at hindi pa gising ang limang yun, si manang naman wala dahil nasa probinsya at ewan kung kailan ang balik niya

Nagpasya na akong umakyat at katukin sila sa mga kwarto nila, inuna kong katukin ang kwarto ni Kyle dahil sa ingay nun mas madali kong magigising ang iba, kaso kahit anong katok ko wala paring nagbubukas ng pintuan, ganun din kay Kean, Kurt, at Kenneth hinihiling ko lang na sana Magising na rin tong si Kevin kaso ganun din wala rin, nakalock pa mga pinto nila

Maiintindihan ko pa na napasarap ang tulog ng tatlo dahil sa pagod kaka-push up kagabi kaso sina Kenneth at Kevin? Pagkaka-alam ko wala naman silang Ginawa?

Sinubukan kong tawagan sila gamit ang iniregalo ni Kean sakin baka magising sila sa tunog ng phone nila kaso cannot be reach naman sila lahat.


" naku, wag mo na antayin ang mga batang yun, magugutom ka lang ija "

" manang! Kamusta na po? Kumain na po ba kayo? "

" ikaw talagang bata ka, ang bait bait mo. Ayos lang naman ako at nakakain na ako, kaya kumain ka na rin at mamaya pa ang mga yun " nginitian ko si manang, binigyan ko din siya ng cookies na gawa ko.





12:38 na at wal-

" Hi Li! " speaking of them eto na nga sila, teka bat sa pinto sila Galing?

" san kayo Ga-" di ko natuloy ang sasabhin ko sa ng makita ko ang mga sugat nila sa mukha, at mga galos sa kamay nila na halatang bago pa dahil sa mga dugong lumalabas.

Lumapit ako sa kanila at isa isang hinawakan ang mga mukha ng makita ko ang sugat nila pati narin ang braso

" hala! Teka lang kukunin ko lang yung first aid, upo muna kayo " tumakbo na ako papunta sa may cr dahil nandun yung Kit.

" careful, don't run " si Kevin yan boses palang.

Di na ako tumakbo pabalik at naglakad nalang

" naku kayong mga bata kayo talaga , naghanap nanaman kayo ng sakit sa katawan "

" sorry na po manang, pero malayo naman sa bituka "

" manang ako na po bahala mag pahinga nalang po kayo alam ko pong pagod kayo sa byahe " tumango lang si manang at umalis na. Pagod siguro talaga siya

Ginamot ko na sila isa-isa, nahirapan lang ako kay Kean at Kurt dahil ayaw magpalagay ng agua, at alchohol.

" sa susunod wag na kayo makipag away alright " tumango naman sila pagkasabi ko nun, the feeling like Im the mother of this five kids but in reality ka edaran ko lang naman ata sila. Concern naman kasi ako sakanila dahil minsan narin nilang niligtas ang buhay ko

" tigilan niyo ako sa tango nayan, ikaw naman Kevin sabi ko wag ka na makipag away tingnan mo yang pasa sa mukha mo nadagdagan " umiwas siya ng tingin sakin habang yung apat naman nakangiti sakin

" at kayo wag niyo rin akong ngitian jan, tingnan niyo pati si manang nag alala" nawala naman yung ngiti nila saka rin nag iwas ng tingin

" kumain na ba kayo? May mga niluto ako kanina, i-init ko lang dahil lumamig na " sabi ko at pumunta na ng kusina

Haynako ang Limang yan naku sinasayang nila ang mga gwapo nilang mga mukha

Gusto ko sanang itanong kung san sila Galing, kung san nila nakukuha yung pasa nila. Oo alam kong galing yun sa away or bugbugan pero bakit sila nakikipag away ? Kaso wala naman ako sa Lugar, wala akong karapatang mangialam. Ang hindi ko lang maiwasan ay ang mag alala

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 11, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Angel Of Mine (OnGoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon