[two]

12 1 0
                                    

~two~

~~~~~~

Paggising ko at pagmulat ng mata ko 4 na mukha ng mga gwapong nilalang agad ang nakita ko. Patay na ba ako ?

" wooohh atlast your Awake " sabi nung lalaki na Blonde ang buhok... Nagsi alisan din yung mga lalaki na nakatingin sakin

O_O Hala ! Asan ako ?

Agad naman akong napabangon. Aray angsakit ng Ulo ko, pati ng buong katawan ko

"Okay ka na ba miss ? "

hala oo nga pala, naalala ko na, Pinalayas nga pala ako ni Mama

" Miss Hoy ! Gising ka ba o hindi " sabi nung isa pang lalaki na iniyuyugyog ang balikat ko - " Huh ? " tanging nasabi ko lang.. Lumapit naman ulit si Mr. Blonde hair at inilagay ang isang kamay sa noo ko at yung isa naman sa noo niya

"Wala ka naman nang lagnat pero bat parang nababaliw ka " huh ?"

" Shit ka Kyle, lumayas ka nga ikaw ata baliw eh " sabi sakanya nung isa pang guy

" ah eh, Mr. Sino pa kayo ? Asan ako at panong napunta ako dito ? " sunod sunod na tanong ko kasabay ng pagbukas ng pinto ng kwarto kung nasaan ako

" Is she Awake ? " tanong nung lalaki, tinuro naman ako nung Blonde... Nagkatitigan kami saglit pero umiwas ako, ewan pero parang pamiliar siya, nakita ko na ata siya somewhere

" so Miss Maganda ano name mo ? " tanong uli ni Mr. Blonde kinunutan ko naman siya ng tingin
" teka wag mong sabihing Wala kang Pangalan "

" Lianna.. Lianna Maine Mendoza " sagot ko

" Woah Beautiful name, by the way Lianna Im Kyle Mendrano " sabi ni Mr. blonde. So Kyle pala name niya, masayahin siguro siya halata namn sa mukha niya ehh

" eto, siya si Kurt Navarre" sabi ni Kyle at Itinuro yung lalakeng naglalaro ng PSP
" eto naman si Kenneth Medrano " at tinuro niya yung guy na prenteng nakaupo lang at nakataas pa ang paa
"Kean Navarro " at tinuro niya yung katabi ni Kenneth na Gray ang kulay ng Buhok
" at panghuli si Master.. siya si Kevin Mendez " tsaka niya itinuro yung kaninang pumasok na ngayon ay nakahiga na sa isa pang sofa

Ang cute ng mga pangalan nila ah. Starts with letter K. Pati Surname's cute din Navarre, Navarro, Mendrano, Medrano, Mendrez.

"A-asan ako ? "

" nasa Langit " O_O

"Ogag ka. Nasa Bahay ka namin. Wag kang magpapaniwala kay Kean " sabi nung Kyle. Bumaba ako sa Bed atsaka ko lang napansin na iba na yung suot ko bigla tuloy akong nahiya >///<

" si Manang ang nagbihis sayo hindi kami " sabi ni Kurt. May kakayahan ata siyang magbasa ng isip

"A-ahh T-thank you a-aalis na a-ako "

Sabi ko at tsaka ko kinuha yung Bag ko

"Hatid ka na namin " sabi ni Kyle at Kean

"Bye miss Beautiful " sabi ni Kurt at kumaway saakin tsaka ulit bumalik sa paglalaro sa PSP niya

palabas na kami ng Kwartong yun ng

"Stay ! " ma autoridad na sabi nung Kevin. Lahat kami nakatingin lng sakanya

"Huh ? Nananaginip ba yang si Master ? "

" siguro, tara na " -Kyle

"I said Stay " this time bumangon na siya mula sa pagkakahiga niya

"Seryoso ? " sabay na sabi nung mga lalaki. Tumango lang bilang sagot si Kevin. Hindi ko alam pero nagsilapitan sila kay Kevin at isa isang hinawakan ang Noo niya
"Ikaw ba yan ? Sinapian ka ba ? " tinabig lang ni Kevin ang mga kamay nila tsaka tumayo at lumabas ng pinto pero bago pa siya makalabas ay pinasadahan niya muna ako ng tingin

" pano ba yan miss Beautiful, stay daw" - Kurt

" wala ka namang ibang tutuluyan diba ? So better Stay " - Kean

" namumutla ka, sariwa pa ang mga pasa sa katawan mo, Kevin is right. Stay. " singit ni Kenneth at tsaka rin lumabas

Siguro okay na rin to. Sa totoo lang wala akong alam na mapuntahan, kailangan ko lang siguro magisip kung pano ko sila mababayaran sa mga kabutihang ginawa nila saakin.

-

"What are you doing ? "

"Ahh H-hi a-ano nagluto ako for dinner "

Umalis sila kanina di ko naman alam kung san sila pumunta. Nabagot ako kakahiga dun sa kwarto na yun kaya bumaba ako mag gagabi na kaya naisip kong magluto para sa dinner. Sabi ko kay manang ako nalang kaya ko naman eh.

"Woah! Sino nagluto jan "

"Tanga mo naman Kyle malamang yung nagluto "

"Tanga ka rin Kean eh. Alam kong yung nag luto ang nagluto jan pero sino nga yung nagluto" huh ?

"Mga Ogag Manahimik nga kayong Dalawa " - Kurt

"Uhmm K-kain na kayo " sabi ko sakanila.
-

"Woah anong Luto to? Ang sarap ah " - Kyle

" Chicken Adobo " sagot ko tsaka ngumiti

" tsk, I already lost my Appetite " huh ? Di pa nga siya kumakain eh

"T-teka di ka pa kumakain, tikman mo nalang muna kahit konti tsaka masamang magpalipas ng gutom " sabi ko

" she's right, try atleast a bit. It really taste good " napangiti nalang ako sa sinabi ni Kenneth

"Oy master ayan ah, yang si Kenneth na nagsabi, masarap daw, tikman mo na kasi aarte arte ka pa eh— hehe Joke lang " sabi ni Kyle ng samaan siya ng tingin ni Kevin

" you ? " huh ? " are you not going to eat ? "

"Ah ano m-mamaya nalang pagkatapos niyo " sagot ko sakanya tsaka nagsalin ng tubig sa baso nila

"Teka? Kailan ka pa naging maid dito ? Nasan ba si Manang? Manang ! " - Kurt

" teka huwag, a-ank pinag pahinga ko na siya mukha kasing pagod na siya eh kaya ako ang nag prisintang magluto at maghanda" sagot ko

" still your not a maid "

"Ay wow ! Kenneth concern ka ? "

"Shut up Kean "

"Sabi ko nga mananahimik na "

"Join us. You should eat too. "

"Wala ka namang Lagnat master. "

"Wala ka rin namang ibang sakit "

" di kaya sinapian ka nanaman ? "

"What the hell you three doin' ? " aniya at tinabig ang kamay nila Kean, Kyle at Kurt na sapo sapo ang noo at leeg niya

" nakakapagtaka lang kasi eh. Bigla kang naging mabait " nag 'tss lang si Kevin sa kanila at tumingin nanaman saakin kaya napaiwas ako ng tingin

" sit down here and eat " aniya at hinila ako sa tabi niya kaya wala akong nagawa kundi kumain. Nakakatakot naman kasi siya

" Next time Lutuan mo kami ulit Neto ah. Ang sarap this is heaven "

" di ka mapupunta dun Kyle wag kang umasa "

" ang epal mo Kean. Inaano ba kitang gagi ka?" sasagot pa sana si Kean kaso pinigilan sila ni Kurt

"May isang taong handa na kayong patayin ngayon " aniya. Nabaling naman ang tingin nilang dalawa sa katabi ko na masama ang tingin sakanila

" sabi ko nga mananahimik na " ani ni Kean at tinuloy ang pagkain

"Luto ka ulit nito Li ah " nakunot ang noo kong tumingin kay Kyle nang tawagin niya akong Li pero naptango at ngiti nalang ako bilang sagot ng marealize ko na pinaiksi niya lang yung pangalan ko

Iba iba ang ugali nila
Si Kyle siya siguro ang pinaka masayahin sakanila sumunod si Kean at Kurt
Si Kevin naman at Kenneth parang ang seryoso nilang dalawa pero mukhang mas moody ata si Kevin

Masaya sila kasama they make me happy without them even knowing. Its been 8 years, Ngayon ko nalang ulit to naranasan ang ganito na sumaya kahit saglit lang. And worst sumaya ako dahil sa mga taong kakikilala ko palang at alam ko na sa puntong to ay malaki na ang utang na loob ko sakanila at marami akong dapat na ipagpasalamat.
-----

Angel Of Mine (OnGoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon