CHAPTER TWO

15 1 0
                                    


Maingat kong binuksan ang pinto tsaka isinara iyon. "Goodmorning kim" Nakangiting bati ni sharley habang nag aayos ng mga gamit sa lamesa niya "Have a sit.."

I did.

"Sorry, about the mess here.." Natatawang komento niya saka lumapit sa akin. Umupo siya sa upuan na nasa harap ko habang may lamesang nasa gitna namin. "Are you sure you want to do this again?" Tumango ako.

"Ofcourse.." I smile

Nakakapagtaka ba? Kung bakit naming ginagawa ito? That's only because I want to finish everything before I settle my life to Richard permanently. Ayoko magulo ang relasyon namin sa pagbabalik ulit ng nakaraan lalo na at hindi ito natapos ng maayos. And beside, gusto kong matanggal ang galit na nararamdaman ko.

"Uhm.. " Sharley cleared her throat. Dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"I think, even I'll ask you such questions, it's not enough" Wika niya. Hindi ako sumagot pero alam kong ramdam niya na nagtataka ako "Kim, the only solution for this is a good chat. Between you and that person" She added.

"The person don't exist anymore" I demanded.

"Because you don't want to" Mabilis niyang sagot "Pagkatapos ng nangyari hindi mo na ginustong makausap ang taong iyon"

"Coz there's no reason!" Protesta ko. Wala naman talagang rason!

"So what do you call this? Hindi ba ito ang rason? Gusto mong kalimutan lahat, gusto mo ng sagot, gusto mo ng paliwanag at dahilan. That's the reasons" She said seriously. Natahimik ako saglit, pakiramdam ko may tama siya. I look at her eyes.

"Kim, I know your purpose why you want to do this, you want to cut this off.. Pero kim, hindi mo yun mahahanap dito"

Huminga ako ng malalim. Sa ilang beses kaming nag usap tungkol dito, hindi ko nahanap yung gusto ko. Siguro dahil siya lang nakakaalam ng sagot. Yung taong yun lang ang makakapag paliwanag sa akin, makapagbibigay ng sagot. Pero paano ko magagawa yun kung sa bawat beses na naririnig ko ang pangalan niya, gusto ko siyang sapakin, sampalin at saktan? Paano ko siya magagawang tanungin kung gusto ko siyang sumbatan agad? Napatigil ako sa pag iisip ng magsalita ulit si sharley.

"If you want to talk to him, I can help you" Tugon niya

"You can?" Nagtatakang tanong ko saka siya ngumiti

"I know na darating tayo sa puntong ito, kaya inihanda ko na lahat" May dinampot siya sa bulsa ng jacket niya at iniabot sa akin.

"What's this?" Tinanggap ko iyon

"His address, he wants to talk to you, I bet you want too" Paliwanag niya.

Napaisip ako. Ano nga ba?

-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-

"If you want to talk to him, I can help you"

"His address, he wants to talk to you, I bet you want too"

Hanggang ngayon napapaisip pa din ako sa sinabi ni sharley kanina. So, He wants to talk to me? Kailan pa? at bakit? Para mag sorry? Mag explain? Impossible! That jerk never do effort just to have a conversation. Nakakatawang isipin.

Pero what if totoo? Hell no. I won't take any chance just to talk to him. I rather take chances of killing him. After what he did?

FLASHBACK

Tuesday Morning, sinundo niya ako sa bahay. Magdadate daw kami kaya ako naman, suuuuupeeeeer excited. Pinili ko yung simple yet beautiful and elegant dress. Habang nag aayos ako ng sarili, narinig ko ang busina ng kotse niya. Lumabas ako agad, then nakita ko siyang may hawak na roses at super cute and fluffy teddy bear ^^ Gee! Nakakakilig. Niyakap ko siya agad at saka hinagkan.

"Thank you.."

Hinawakan niya yung kamay ko "Let's go?" Tumango ako at pumasok sa kotse. Hawak hawak niya yung isa kong kamay habang pinapaandar yun. Pumunta kami sa mall, naglaro kami, kumain at namili. I thought everything is ok but .. Habang naglalakad kami, may nakita akong mistisang babae na palapit sa amin. Napahinto kaming pareho.

"We need to talk.." Seryosong wika ng babae sa kanya.

Napatingin ako, they need to talk? For what? Humarap siya sa akin "Hatid na kita.." Dahil sa naguguluhan ako, pumayag akong ihatid niya. Siguro importanteng bagay lang yun. Pero kinabukasan, wala siyang text, call at ni bisita sa bahay. Dati naman ginagawa niya yun, wala pa ngang araw na hindi siya tumatawag sa akin ee, pero bakit ngayon wala? Akala koi sang araw lang yun pero umabot hanggang sabado. Tatlong araw ng wala akong balita sa kanya. Di kaya naaksidente siya? Di kaya may nangyari na sa kanya? Jusko! Wag naman sana. Dahil sa labis na pag aaalala ko, pumunta ako ng bahay nila para i-surprise sana siya. Kaso ako pala itong magugulat. Nakita ko siya sa labas ng bahay nila, sa may gate . May mga dala siyang maleta at ibang gamit na inilalagay niya sa loob ng sasakyan. Lumapit ako at nakita ko sa mukha niya ang pagkagulat sa pagdating ko..

"Kim.." Sambit niya na gulat na gulat

"B-bakit ka may maleta? May out of town trip ka?" Tanong ko

"Pupunta na ako ng Canada.. " Sagot niya na labis kong pinagtaka.

"Ha? Aalis ka? B-b-bat hindi ko alam?" Nanginginig na yung boses ko. Hindi niya ako sinagot, sa halip pinagpatuloy niya yung paglalagay ng gamit sa sasakyan.

"Teka.." Hinablot ko yung braso niya "Hindi ko naiintindihan, bakit ka aalis? Anong Canada? Anong gagawin mo doon? Bakit nadi ko man lang alam? Apat na araw kang walang paramdam sa akin tapos bigla kang aalis? Pag hindi pa ako pumunta dito hindi ko pa malalaman, ano ba nangyayari ha?" Naiiyak na ako. Naguguluhan na ako, sobra!

"Kelangan ko ng umalis.." Malamig na wika niya. Saka siya sumakay ng sasakyan. Yun na yun? Sa dami ng tanong ko, yun na ang sagot?

Tuluyan na akong napaiyak. Hindi na ba niya ako mahal? Umandar na yung sasakyan. Tinungo ko yung bintana ng driver seat kung saan siya nakaupo.

"Buksan mo ito pakiusap.. Mag usap tayo" Panay ang katok ko habang umiiyak pero ni isang sulyap hindi niya ako binigyan. "N-nakikiusap ako.." Pagsusumamo ko. "Mahal na mahal kita..mag usap tayo"Hindi tumigil ang pag iyak ko. Unti unting umandar ang kotse , sinabayan ko yun habang panay pa din ang katok ko

"Jay! Jay! Nakikiusap ako! Buksan mo ito please!" Mas bumilis ang takbo ng kotse niya. Tumakbo na din ako.

Hinabol ko siya.

Hinabol ko siya.

Sigaw ako ng sigaw.

Nakikiusap ako.

Nakikiusap ako.

Pero.. wala ..

Hanggang sa nadapa ako at tuluyan na siyang umalis.

Napatingin ako sa kamay at tuhod ko, parehong may sugat. Mas lalo akong napaiyak. Tumayo ako ulit, pinilit kong maglakad kahit paika ika na yung paa ko, kahit hindi ko na kaya.

"Jay .." Bulong ko habang umiiyak "Bumalik ka pakiusap.." Pinilit kong tumakbo para mahabol siya.

Kaya ko pa.

Kaya ko ito.

Hakbang pa.

Mahahabol ko din siya.

Kailangan ko siyang mapigilan.

Napatigil ako sa pagtakbo ng Makita kong patuloy ang pagdudugo ng tuhod ko, nanghihina na ako. Tumingin ako sa direksyon na tinahak niya, hindi ko na talaga siya Makita. Hindi siya bumalik kahit nadapa na ako at nasugatan. Napapapikit ako at napahawak sa ulo, hanggang sa unti unting umiikot ang paningin ko..

"Jay.." yun ang huli kong nasabi bago ako nawalan ng malay.

END OF FLASHBACK

.Q��O�,


NO TURNING BACKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon