"I miss the beach!!!!!!!!" Agad lumusong si victoria sa dagat habang naka bikini. Tabi kase ng dagat yung resort ni tito. Napatingin ako sa paligid, may mga nagbago pero konti lang. Naglakad kami ni Natalie papunta sa kubo at inilapag ang mga gamit doon.
"C'mon, swim din tayo" Alok niya saka tinanggal ang tuwalya nakapulupot sa beywang niya.
"Later.." Tanggi ako. Sa totoo lang wala naman akong balak maligo sa dagat ee. Hello?! Gabi na oh. Oo, ginabi na kami sa biyahe kaya ngayon kami lang nakarating dito. At etong dalawang kasama ko ay adik sa night swimming, porket magagaling sila lumangoy . Bute na lang at mag aalas syete pa lang ng gabi kaya nasabihan ko muna si tito na andito kami.
"sge, sunod ka na lang ok?" Nag thumbs up ako saka siya umalis. Napatingin ako sa likod, yung tuktok ng resort na ginawang pasyalan andun pa pala. Tinawag iyong "Top of lights" Kase sandamakmak nga naman kase ng ilaw ang nilagay doon. Tutal, naliligo yung dalawa ,umalis muna ako at nagpunta doon.
Pagkarating ko, may mga ilan lang ang nandun. Puro lovers ata, nakaka "OP" wala si Richard :(( Naglakad ako papunta sa dulo kung saan makikita mo yung kabuuan ng resort. Idinantay ko yung mga kamay ko saka pinanuod yung mga taong naglalakad sa ibaba.
"Nag iisa ka ata.." Isang misteryosong boses ang narinig ko sa likuran ko.
Pamilyar.
Parang kilala ko.
Napalunok ako, hindi ko na lang pinansin.
"Hindi ka man lang ba lilingon... kim?" Napaangat yung ulo ko. Ako yung tintukoy niya? Unti unti akong lumingon at halos nanlamig ang buong katawan ko sa nakita.
"J-jay..." Halos hindi ko mabanggit yung pangalan niya. Bakit siya andito? Damn.
"Aa, ee hai.." Napakamot siya sa batok "ako nga .."
Pumayat siya at parang maputla.
Sinubukan ko siyang lagpasan para umalis sana kaso hinarangan niya ako.
"Can we talk?"
"Wala tayong dapat pag usapan.." Malamig na sagot ko saka siya tinulak palayo at nagsimula na akong maglakad.
"Meron kim.." Sigaw niya pero hindi masyadong malakas. Napatingin ako sa paligid, walang tao. Ano to set up?!
Napatigil ako sa paglalakad at nilingon siya. "Set up ba to?!"
Tumango siya saka humakbang palapit sa akin "We need to talk"
"Wala nga tayong dapat pag usapan!"
"Kung wala ee bakit humahanap ka ng paraan para masagot lahat ng tanong mo tungkol sa atin?"
Hindi ako umimik. Alam niya?
"Hindi ako naghahanap!"
"Naghahanap ka, sinabi sa akin ni sharley, victoria at Natalie" What? Kasama yung dalawang mokong? Lagot sila sa akin.
"I need to go.." Aalis na sana ako ng bigla niyang hawakan ang braso ko "Ano ba! Let go!" Tinaggal ko iyon agad
"Kim, I'm sorry.." Halos gusto kong umiyak sa sinabi niya.
"sorry?" Sinampal ko siya. Finally. "Matapos mo akong saktan, balewalain, iwanan ng walang dahilan, tapos sorry? Sorry lang sasabihin mo?!" Tinulak ko siya "Alam mo ba, halos mamatay ako sa ginawa mo! I almost died! Hinabol kita, pero hindi ka bumalik. At ni isang dahilan hindi ko maisip kung bakit!" Tinulak ko siya ulit "MAIBABALIK BA NG SORRY MO SAKALING NAMATAY AKO?!" Tuluyan na akong napaiyak
BINABASA MO ANG
NO TURNING BACK
Short StoryNO TURNING BACK (Short story) All Rights Reserved 2015 No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval syste...