3rd Story

1 0 0
                                    

Kevin's POV

Antok na antok pa ko ng bulabugin ako ng girl best friend ko. Caroline. Camping daw. Di naman ako makatanggi kasi ayaw akong tigilan. Siya pa nag impake ng gamit ko.

"Ako na magbubuhat."

Sabi ko. Tingnan mo to oh, eh sa mas mabigat pa ata sa kanya yung bag ko.

"Malay mo, takbuhan mo ko."

Takbuhan? Ayos din to, nakaligo na nga lahat lahat.

"Edi sana kanina pa kita sinipa palabas ng bahay. Nako. Ano bang pakulo to?"

Binatukan naman niya ko. Aray kainis.

"Matagal ko ng gustong makasama kayo lahat. You know, palipat lipat ako ng school diba? Kaya ang dami kong naging kaibigan. Hindi lang kaibigan, best friends. Kaya gusto kong magkakila kilala lahat."

Daming alam. Eto kasing si Caroline, naging kaklase ko since grade 1-6 pero kahit magkaiba na kami ng school nung high school, nagkikita kita parin kami. Kaming magkakatropa.

"Pare!"

Sinalubong naman ako ng barkada.

"Grabe! Kailangang sunduin pa ha."

Sabi ni Rio. Yung pinakamatalino sa barkada.

"Eh Rio, di ko naman alam. Kaninang alas tres yan nambulabog."

Bigla ko namang napansin, may mga di ko kilala. Siguro, barkada niya nung high school.

"Pre! Mayayaman pala yung mga naging tropa ni Cartolina oh."

Nickname niya samin yung Cartolina. Si Vanz palang yung kumakausap sakin.

"Eh anong tawag mo sayo?"

Lakas netong si Vanz, RK din naman.

"Oo naman alam ko. Pero, hindi yung tipong English kung English."

Ahh. Naalala ko tuloy si Blue.

"Trulaley."

Bigla namang sumingit si Arcie. Ito yung pinakamaharot na babae. Boyish kumbaga.

"Tapos, mga nakadress. Hello? Camping kaya to. Alam mo yung bungad kanina. Kase diba wala si Cartolina? Sinundo ka nga. Ang sabe ba naman, 'hey excuse me. Do you know Caroline? Camping?' Like duhhhhhh"

Loko talaga tong si Arcie. LT eh.

"Excuse me."

Bigla namang may kumalabit samin. Babaeng naka red dress.

"Narinig kita. Ginagaya mo ba yung sinabi ko kanina? How dare you? Did your parents teach you to respect people?"

Hala patay. Narinig ata si Arcie.

"Hoy miss! Wag kang mangdadamay ng magulang ah. Eh ano? OA mo. Pake mo ba sa opinyon ko ha!"

Pinigilan naman namin si Arcie dahil susugurin na niya yung naka dress.

"Exactly! I don't care! But please, try to respect. Napaka low class mo naman."

Lalo namang nanggigil si Arcie.

"LOW CLASS! HOY! WAG MONG INSULTUHIN YUNG SARILI MO OKAY? OK LANG YAN. MARAMING NAGMAMAHAL SAYO. TSKA, HELLO? CAMPING NAKA DRESS! ENGLISH ENGLISH KA PA, WALA KA NAMANG FASHION!"

Nagulat naman ako ng may biglang sumugod sa gilid namin kaya nasabunutan si Arcie. Tinulak naman ni Rio.

Nagkagulo na! Hay nako!

"ANONG NANGYAYARI! GUYSSS!"

Natigil lang ng sumigaw si Carol.

"Ano yan? Bakit kayo nag aaway? Guys. Wag naman kayong ganyan. Tama na. Andyan na yung van."

Lumapit naman yung naka dress kanina.

"Caroline, kaibigan mo ba talaga sila? How? Mga war freak eh."

Nagulat naman kami ng bigla siyang itulak ni Arcie kaya nagkagulo ulit.

"GUYS! TAMA NA!"

Sigaw ulit ni Carol kaya natigil ulit.

"I DID THIS KASE GUSTO KO MAGKAKILA KILALA KAYO. KAIBIGAN KO KAYONG LAHAT EH. KAYA, TUMIGIL NA KAYO AT. TARA NA. WALA NG MAGSASALITANG MASAMA. TARA NA."

Kanya kanya namang buhat ng bag.

"Ahh. Kevin!"

Blue?

Napalingon naman ako at nakita ko si Blue kasama yung boyfriend niyang seloso.

"Kaibigan ka rin ni Carol?"

Tanong niya.

"Oo. Best friend ko yan eh."

Tumango tango naman siya. Ano nanamang pinaglalaban nitong syota niya. Makatingin badtrip eh.

"Me too. She's a great friend. Coincidence huh. But its nice."

Sabi niya saken. Tatapusin ko na nga tong usapan at baka ikamatay pa ng boyfriend niya yung nangyayari.

"Ahh. I'll go ahead. Magkahiwalay tayong van eh. Bye."

2



A Story (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon