5th Story

2 0 0
                                    

"Jeje! Jeremy tama na! Please ano ba! Jeremy!"

Niyakap ko naman si Jeremy at sila Vanz pinigilan na si Kevin. Jusko! May dugo yung labi niya!

"Je tama na, mahal."

Tinignan ko naman si Kevin. May pasa siya sa may bandang mata niya.

"ANO BA GUYS! HOBBY NIYO BANG MAG AWAY? ANO TO? ANO BANG PROBLEMA NIYO?"

Sigaw ni Carol.

"Hindi ko alam dyan. Sinugod ako bigla. Eh sa nanahimik kami dito at nagkukwentuhan."

Sabi naman ni Kevin.

"Je ano? Totoo ba yun?"

Di naman niya ko sinagot at masama paring nakatingin kay Kevin.

"Jeremy. Ano bang problema?"

Tanong ni Carol sa kanya.

"Sinusulot niya yung girl friend ko."

JEREMY! O_O

"Ano! Loko ka pala eh! Ikaw lang tong seloso. Wala kong balak manira ng relasyon. Tamang hinala ka lang."

Sabi naman ni Kevin.

"Jeremy, wag mo daanin sa init ng ulo. Pwede naman kayong mag usap ng maayos diba!"

Galit na sabi ni Carol.

"Gago ka ba?"

ANO RAW? MINURA BA TALAGA NI JEJE SI CAROL?

"Jeremy. Ano ka ba! Wag kang ganyan."

Pigil ko sa kanya.

"Bakit? Totoo naman eh! Bat mo ba plinano pa to? Ano kami nga bata? Ha? Ano! Tapos babae lalaki magkapartner carol? Sinong tangang gagawa nun. You're wrong. Na yang mga asal kalye na yan, sinama mo samin."

"Je ano ba! Tama na!"

"GAGO! TANGINA MO PALA PRE EH! KAMI ASAL KALYE? KAYO MGA FEELING SOSYAL!"

Sabi ni Vanz. Kita ko namang nagpipigil ng galit si Kevin.

"You know what Caroline, mali to eh. Mali ka."

Tapos nag walk out naman si Jeremy. Tuloy tuloy lang na tumutulo yung luha ko. Pakiramdam ko, kasalanan ko lahat.

"Guys, hindi si Carol yung mali."

Biglang sabi ni Xyra.

"Kasalanan mo to lahat Blue eh."

"Xyra stop."

Pigil ni Zac sa kanya.

"Why? Kung di lang siya malandi, di sana nagselos si Jeremy."

Oh gosh. Bat di ako maapagsalita?

"Xyra ano ba. Tara na."

Unti unti namang nagsibalikan yung lahat sa camp. Tas ako, parang napako sa kinatatayuan ko.

"Uy."

Kevin.

"Bumalik ka na sa camp. Baka magkagulo ulit."

Naramdaman ko namang inakbayan niya ko.

"Wala naman tayong ginagawang masama eh. Bakit tayo lalayo sa isa't isa. Sila lang tong, nanghuhusga."

Nagsimula namang magkatunog yung iyak ko.

"Uy. Wag kang umiyak. Lakasan mo yung loob mo. Mahal mo yung gagong boy friend mo diba? Edi maayos niyo yan."

Tumango naman ako.

"Sige na. Sunod ka na dun ah."

Saka siya umalis.

Sakit talaga ng puso ko. Hindi, as in masakit. Sumisikip. Pero sguro dahil ang sakit din kasi ng nangyayari.

---

KINABUKASAN

"Oh. Kamusta camping?"

Sabi ni mom pagkauwi ko. Pinuntahan niya ko sa kwarto.

"Ayos lang naman mommy."

Hinimas naman niya yung likod ko.

"Darling, di naman masamang magsabi sakin."

Umupo naman ako.

"Mom. Pag nag aaway kayo ni Dad, ano. Pano niyo inaayos?"

Kumunot naman yung noo ni mom.

"Ang daddy mo ang laging nagsosorry eh. I mean most of the time. Pero kung mahal ka talaga niya, di ka niya matitiis. Alright?"

Niyakap ko naman si mom.

"May cake sa baba. Sarap yun. Ako nagbake. Baba ka lang ha?"

"Opo."

Tas lumabas na si mom.

Tiningnan ko yung phone ko. Di ka pa rin ba magpaparamdam? 3 hours na kong nasa bahay pero di man lang ako tinetext. Di rin niya ko hinatid. Je ano? Ganito nalang ba? Since 3rd year HS kami na. So mag 3 years na kami pero, ngayon lang kami nag away ng ganito.

*Oink*

Message tone ko.

"Heyheyhey"

Huh? Sino to?

"Who's this?"

*Oink*

"Best friend."

Ano daw? Pinagtitripan ba ko nito?

"Say your name or I'll gonna block you."

*oink*

"Kevin to."

Di ko alam pero napangiti ako dun.

"Ahh. Di pa kasi sabihin agad."

*Oink*

"Bakit? Gusto ko eh."

Chosero.

Then humaba ng humaba ang usapan. Wala lang, nakakatawa siyang kausap. Nakalimutan ko yung away namin ni je kahit pano. Pero ang masakit, 12 na. Nagkapag goodnight na kami ni Kevin sa isa't isa lahat lahat pero wala paring paramdam.

Then fine. Bahala siya.

---

"Hanggang ngayon?"

"Oo. Nakakainis diba?"

Kasama ko si Jen ngayon, naglalunch sa cafeteria. Di namin kasama si Xyra, dahil sa pinagsasabi niya. Ayoko muna siyang makasama.

"Baka naman. Mamaya puntahan ka niya."

"Sana."

Nag bell na kaya pumunta na kami sa mga klase namin. Kasama ko si Kevin sa klase. Lecture lang tska activities tas nagpunta na kami sa locker dahil P.E ngayon.

"Grabe. Running daw tayo ngayon. Nako, nakakapagod to."

Sabi ni Lexi, classmate ko. Running? Wrong timing naman. Eh sa parang ang dali kong mapagod ngayon.

Nagpunta na kami sa gym. So alphabetical. Pag mabilis kang tumakbo, mataas ka. Bagsak ako dito. Eh madali nga kong mapagod ngayon di ko rin alam kung bakit.

Nung turn ko na, parang kinabahan ako bigla. Dunno why. Tumakbo nalang ako. Mabilis naman, nagpapalakpakan pa nga classmates ko eh. Tas... parang sumasakit puso ko. Pero dedma lang. Grade to eh. Nahihilo na ko kaya medyo binagalan ko na.

"Okay. 90 ka Miss Gonzales."

Tas sumasakit yung puso ko kaya napaupo talaga ko.

"Blue. Okay ka lang? Ma'am si Blue!"

Lalo akong di makahinga dahil pinalibutan nila ko.

The last thing I know...

Nag black out nalang bigla.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Story (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon