4th Story

3 0 0
                                    


Blue's POV

3 hrs din bago kami makarating ng batangas. Tapos ayun, nagtayo na ng mga tents. Kasama ko si Jen, Zac, Xyra tska si Jeje syempre sa tent. Nag ayos na ng mga gamit tapos tinawag na kami ni Caroline dahil kakain na raw. May nakalatag na malaking lamesa tapos dun kami nagsiupo. Ang set up, sa kanang part yung grupo namin tapos kaliwa yung grupo nila Kevin.

"Okay guys. About earlier, let's forget about that. Matatanda na tayo, I mean mature na tayo. Di na tayo mga high school diba? So sana, wala ng mag aaway ah? Let's all be friends. So... tara! Kaen na!"

Nagsimula namang magsikain after nung speech na yun ni Caroline. Pero nako, may mga sama ng loob parin yan. Lalo na si Xyra, sinabihan ba naman ng walang fashion eh sa fashionista yan.

After ng mga 30 minutes I guess, tapos na kumaen ang lahat. Pinapunta naman kami ni Carol sa open area.

"So now, may game tayo guys. Gusto ko magkaclose close kayo so iiba ibahin ko yung partners."

Ano?

"Carol! Sure ka ba dyan? Baka magka world war III dito."

Sabi nung Arcie ba yun?

"Arcie naman. Kaya nga para wala ng away eh."

Nakita ko namang umirap si Xyra.

"Uhm. I get your point girl ah pero wag mo kaming sisihin pag nagka argue ulit."

Napa face palm naman si Carol.

"Let's give just a try! Wala namang masama right? Okay. I'll start."

Nako sino kaya partner ko? Sana... si Kevin nalang! Ok na yun. Kaya lang etong si Jeje, magseselos.

"Xyra and Vanz."

Agad namang nag react si Xyra, yung Vanz naman parang wala lang.

"Magdikit na kayo."

Agad naman silang naglapit pero nakatalikod si Xyra.

"Next, Rio and Zac."

Ganun din, naglapit lang din. Wala naman silang choice eh.

"Arcie and Jeremy."

Yung Arcie pa? Nako! Pero I trust him naman. Di siya papatol dyan.

"Jen and Yexel"

And...

"Kevin and Blue"

Yes! Yes sken. Pero no sa boyfriend ko. Ang sama ng tingin niya. Kulang nalang, lumiyab na siya.

"Feeling ko MTB tayo."

Nagulat naman ako pagkasabi ni Kevin nun.

"Joke lang! Sineryoso mo naman."

Tinulak ko naman siya.

"Okay guys! Love your partner kase makakasama niyo sila sa lahat ng game."

Wala namang reaction yung iba pero kami ni Kevin, nag apir.

"Lahat ng games, take it seriously please. Ang price? Apple na laptop. "

Really? Wow. Galante talaga tong si Carol.

First game: Sako

"Pag sinabi kong talon, talon ah."

Sabi skin ni Kevin habang nagreready kami.

"Pano pag nadapa ako?"

Tanong ko naman sa kanya.

"Edi tumayo ka."

A Story (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon