Chapter 1

31 0 0
                                    

Blaaag!!! Isang malakas na hampas ng bat mula sa di kalayuan ang narinig ko! At hindi nga ako nakakamali kung sino na namang mga hinayupak ang pasimuno nito!

Lei! Si Bogart may dinarag nanaman!babae! Sumbong saakin ng isang estudyate lalaki. Sadyang kilala ako sa eskwelahan na ito, sumbungan ng mga naapi at nabubully ng nga walang utak at walang magawang anak mayaman lalo na si Borgart ang apo ng may ari ng eskwelahan.

Eh! Ano pang itinakbo dito? Bat hindi nyo pa tinulungan? Inis na sagot ko? Ano ba ako dito? Hero? Superwoman.? Darna? Dyesebel? Ay di bagay!

Lei naman! Alam mo namang ikaw lang katapat ni Bogart dito eh! Deretchong sabi nito.

Tabi nga! Puro papogi walang namang gawa! Inis na singhal ko dito

Naglakad ako papunta kung nasaan naroon si Bogart, mukang magaling na ng lubusan at nangugulo na ulit.

Bogart! Ano na naman bang trip mo??! Asik ko ng makita ko ang mayabang na si Bogart na pangisi ngising nakatingin sa babae naming kaklase na nakahandusay na sa lapag.

Huh! Wala naman my loves! Pinapaalala ko lang dito sa kumag nato kung ano ang katayuan ko sa eskwelahan nato. Mayabang pang sabi nito.

Si Bogart ang apo ng may ari ng school nato, natural na bully at nagpapaiyak ng maraming estudyante. Ni misan ay hindi ito nanalo saakin pag dating sa bangasan kaya ganoon nalamang ang pakikisama saakin nito. Palibhasa ay alam nitong hindi nya ako kaya. Matagal din kaming nag basagan ng mukha ng paulit ulit. Nito lang mga nakaraan buwan natigil ang rambol  naming dalawa ng minsang ang rambol namin ay nauwi sya sa Ospital. Nagkanda bali bali ang buto. Nahulog sya sa hagdan minsang pinag tripan nya ako at gumanti ako ng suntok, napalakas ata at tumbimbwang at umikot ikot sya pababa ng hagdan. Dapat ay expulsion ang katapat non kaso ay marami ang bumacker saking estudyante at sinabing si Bogart ang lumapit sa building namin upang manggulo. Ngunit sa galit ng dean dahil sa nangyari sa kanyang apo ay ipinatawag padin ang nanay ko at sinabing ayaw na nyang maulit ang ganitong pangyayari kaya naman sa susunod ay expulsion na ang katapat.

Eh gago ka pala eh! Pati pala babae tinatalo mo na ngayon?. Naiinis na talaga ako, malakas na nga ata ang sapak ng isang ito, palibhasa hindi sya pinansin ng babeng naka higa kaya naman nagpapansin ito.

My loves easy! Buhay pa naman yan eh,!  Hahahahaha... kiniliti ko lang! Hindi ko naman tinuluyan Bwahahahaha!

Tinakbo ko ang babaeng naka higa padapa upang ma sipat kung gising pa ba ito, hindi ito maaring makatulog dahil sa ulo ang tama nya,  ng  ikutin ko ito at akmang sisipatin ay ganoon nalang ang gulat ko ng makilala ang babae.

Ow fvck! Nicole!? Shit! Si nicole ang pinaka mabait sa mga ka batch namin, President ng student council, honor student at talaga namang role model sa karamihan. Hindi kami close pero hindi ko rin naman ugaling mang buyo ng mga talaga namang mababait at walang ginagawa saakin. Nicole! Kaya mo ba? Tara dadalhin kita sa clinic.

Oy! Kayo anong tinitingintingin nyo dyan? Eh kung tinutulungan nyo akong alalayan papuntang clinic ito? Malakas na sigaw ko sa mga usisero't usisera naming mga kaklase.

At sabay sabay sila tumalima at tumulong at saka ko hinarap si Bogart ng masigurong madadala na si Nicole sa clinic.


Langya Bogart! Lupet mo! Pati si Nicole dinali mo? Nag iisip kapa ba? Eh papaano kung mapatay mo yun? Di hamak na mas naganda kibukasan non kesa sayo! Dika na nga kagwapuhan dika kapa katalinuhan! Sayang yang nakakabit na utak jan sa ulo mo! Mahabang litanya ko pang asar kay Bogart , ngunit parang wala itong naririnig at ngingisi ngisi lang sa harapan ko.

The BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon