Chapter 3

20 0 0
                                    

Mabilis na natapos ang buong unang linggo at hindi din naman ito naging mahirap dahil nagsisimula palang naman ang klase. Hindi din naman na natapos ang pangungulit ni Seb lagi itong sumasabay saakin sa pag kain at nag kukuwento ng kung ano ano kapag may pagkakataon. Kataka taka lang na wala din itong kaibigan. Hindi tulad ko ay luma na sya dito sa eskwelahan na ito at iilan lang ang nakakakilala dito. May mangilan ngilan nadin naman akong nakakausap dito. Kadalasan ay yung nga na estudyante na nakaupo palibot saakin. Si Sue ang class president, ang baklang si  Jack,ang bff nito na si Jaime at si Seb. Sabi ng mga bakla matagal din daw nawala sa school si Seb may isang taon din daw kaya hindi na nakasabay sa mga ka batch at nauna nang magsipag tapos. Kaya siguro wala itong masyadong kakilala at panay buntot saakin. Araw ngayon ng Lunes at tulad ng nakaraang linggo maaga akong pumasok.

Good morning Lei..  bati ni Seb

Tinanguan ko lang ito at saka dumeretso papasok na classroom namin.

Ah Lei, tara? breakfast muna tayo?. Nakangiting anyaya nito. Nakasunod na pala ito sa likuran ko at hindi ko man lang namalayang naupo sa tabihan ko.

Hmmm! Gaano ba kagaan ang mga paa nito para hindi ko maramdaman mga kilos nito?  May kakaiba tlaga sa lalaking to eh!

Tch! Mukha ba akong di nag agahan? Pangbabara ko dito, nakasanayan kona ang presensya ng taong ito. Tumitgil naman sya sa pangungulit kapag sinabi kong gusto ko ng katahimikan. At ganun din sya saakin na nasanay na sa pang babara ko sakanya.

Ha? Ay hindi naman hehehe! Kakamot kamot ng ulo na tugon nito.

Tch! Kinuha ko nalang ang mga libro ko at nag simulang mag basa.

Dumating na ang subject teacher namin na si Ms. Quintos, at nagsipag tahimik na ang lahat at nakinig. Matapos nitong mag lecture ay inutusan kaming humanap ng kapartner para sa buong taon at ito daw ang makakasama naming gumawa ng mga projects.

Lei, you're mine! Nakangiting wika ni Seb

Tch! Singhal ko..

Ano Lei, wala ka na bang masabi kapag kaharap mo ko? hahaha puro ka singhal jan eh natatawang wika nito.

Agad naman akong napaharap sa taong to, di kasi ako interesado sa mga sinasabi mo masungit na wika ko,

Hindi interesado? O baka kinikilig ka na sa mga sinasabi ko? Pang aasar pa nito.

Ha! Asan ang nakakakilig sa mga sinabi mo? Naiinis na ako, kelan pa ito naging presko?

Wala hahaha.. sabay halakhak nito

Oh eh wala naman pala eh. Anong nakakatawa? Seryosong tanong ko.

Ngunit ganun nalang ang gulat ko ng ilapit nya ang mukha nya saakin. Malapit na malpit

Ibig bang sabihin nyan inaantay mong pakiligin kita? Sumilay ang nakakalokong ngiti sakanyang mga labi.

Napamaang ako sa tinuran ng lalaking nasa harapan ko!' Wala pang naglakas ng loob ng lapitan ako ng ganito ka lapit. Wala akong mahanap na salita! Lahat ng nakikita ko sa lalaking ito ay bago para saakin.

Hey! what now Lei? you're gonna be my partner or what? Si seb nadin ang kusa nag layo ng kanyang mukha at iiling iling na umayos ng upo. Ngunit hindi padin ako nakakarecover sahalip ay naiwan akong nakatitig dito. I take it as a yes  wika nito na para bang pumayag ako sa gusto nya.

Wag mo nang uulitin yun, kung ayaw mong makatikim ng kamao sa mukha mo. Mariing sambit ko, nangigitil,napapahiya halo halong emosyon hindi ko mapangalanan.

The BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon