Lumipas ang anim na buwan at heto nanaman ako sa eskwalahan, ngunit hindi katulad ng dati kung saan maraming sumasalubong sakin ng bati at ngiti, ang astigin kong asta sa dati kong eskwelagan ay nabawasan. Kabilinbilinan ng nanay ko na WAG NA WAG nakong pumasok ng gulo.
Pakiramdam ko ay para bang isa lamang akong hangin sa bago kong eskwelahan. Minsang tinatapunan ng tingin na para bang may dumi na nakapasok sa kanilang eskwelahan. Hindi ko sila masisisi hindi naman talaga ako bagay sa lugar nato' at talaga namang di hamak na mas mayayaman ang mga tao dito kesa sa dati kong eskwelahan. Dito ako lumipat sa Lakeshore University matapos akong ma-expell sa dati kong school. Malaki din naman ang Damian Gremio College pero hindi uubra sa laki nitong bago kong eskwlahan. Na kahit na ako ay diko lubos maisip na makakapasok ako dito ngunit dahil sa napaka bait at napaka yamang amo ng aking ina ay nakapag aral ako dito. Byudo ito gaya ng aking ina ang kaibahan nga lang nito ay wala syang anak na naiwan, lahat ay namatay sa aksidenteng kanilang kinasangkutan. Ang aking ina ang nag alaga dito hanggang sa muli itong makalakad. Wala na itong ibang kamag anak at si Nanay nalang ang naging katiwala nito sa bahay, May kanang kamay ito na sya naman umaasikaso sa mga business nito habang ito ay nag papagaling. Dahil nadin daw sa sobrang pasasalamat nito saaking ina na syang nag tyagang mag akay at magalaga sakanya ay inako na nito ang pag papaaral saakin. Pumayag ang aking ina dahil malaking kaginhawaan din ito para sknya. Isa syang caregiver pinag tiyagaan nyang tapusin ito, nung pagkamatay ni tatay upang may matinong trabaho daw sya na ipang bubuhay saakin, hindi na nya nagawang umalis ng bansa dahil walang pag iiwanan saakin sa halip ay dito nalang nag hanap ng mag papaalaga at natagpuan ang kasalukuyang amo.
Haaayst! Mukang tahimik naman dito, magling!! Matatapos ko ang aking pag aaral ng matiwasay!' 😊
Nagpatuloy akong mag lakad patungo sa building kung saan itinuro saakin ng guard, ayun daw ang building ng Grade 11 and 12. Masaya akong nag lakad hanggan sa marating ko ang tapat ng building. Nakakamangha sa laki. Ang sabi ay para lamang daw talaga ito sa K-12 students. Kapansin pansin din ang nagkalat na tambayan sa paligid ng building.
Mukang masaya dito ahh! Ang daming puno😊 Masayang sambit ko.
Patuloy lang ako sa pag kausap saaking sarili ng pag paling ko saaking kaliwa ay nakita ko ang isang grupo ng mga lalaki na nag hahalakhakan na para bang may pinag ttripan. Iiwasan ko na sana dahil hindi ko gustong masangkot sa kahit na anong gulo nang mapag tanto kong duon sa gawi nila ang papasok sa building patungo sa classroom ko. Tch! Pagminamalas nga naman! Ano kaba Lei dadaan ka.lang naman. Pangungumbinsi ko saaking sarili na para bang wala namang papansin saaking dumaan don sa kinaroroonan ng mga kalalakihang nambubully.
Dahan dahan akong naglakad at iningatang wag maging pang lalaki ang mga hakbang dahil ang kadalasan dahilan sa maangas kong lakad at tindig kaya ako nattripan. Nang sa wakas ay naka daan ako ng matiwasay aakto na akong papaakyat sa hagdan ng matapos ang mga ito sakanilang pangdadarag sa nakakaawang estudyante. Sumabay ang mga ito ng pag akyat saakin. Akala ko'y di na ako papansinin ngunit nag kamali ako, inakbayan ako ng pinaka malaki sakanila. Malaki pa kay Bogart. Mukang rich kid, dinadaan lang sa laki pero mukang wala namang sinabe!
Miss beautiful! Mukang bago ka ata dito ah!hahaha. Gusto kong magpakilala ka! Mayabang na asta nito.
Pasensya na, hindi ko ugaling mag pakilala baka mag sisi ka kapag nag pakilala ako. Malumanay kong sambit.
Huh! Hambog! Hahaha pero gusto ko yan! Chicks na palaban tatawatawang ani nito. Ngunit halata mo ang inis saknyang muka dahil narin sa pag kapahiya. Pero dahil ako ang nagsabi! Kailngan mong mag pakilala sa ayaw at sa gusto mo! Huh! Kung gusto mong maging maayos ang pananatili sa eskwelahan nato'!
Tanong ko lang ikaw ba ang may ari nitong eskwelahan? Tanong ko sa lalaking nakaharap na saakin.
Hindi! Pero kami- hindi kona pinatapos ang kanyang sasabihin ng bumaling nako sa iba pa nyang kasama.
BINABASA MO ANG
The Bodyguard
RomansaSa paglipat ni Lei ng eskwelahan ay napagdesisyunan nyang wag nang pumasok pa sa kahit na anong gulo. Ngunit sadya nga atang may magnet itong si Lei. Dito nya nakilala si Seb isa sa mga binubully sa school na to, nakipag deal ito sakanya, magiging b...