Chapter 5

14 0 0
                                    

Nagising ako kinabukas ng kumakalam ng tiyan..Nakatulog pala ako ng hindi ko namamalayan. Ni hindi na nakakain dahil nabalot ang isip ko kakaisip sa mga nangyari sa aking nakaraan. Kinuha ko ang aking tuwalya at saka naligo pagkatapos ay bumaba na ako upang mag agahan..

Oh! Iho gising kana pala.. saglit lang at ipaghahanda kita ng agahan.. Nakatulugan mo na ata ang pag kain kagabi, mukhang pagod ka kaya hindi na kita ginising. wika nito.

Ayos lang ho manang.. umupo na ako sa hapag kainan at inantay nalang ang pagkaing inihahain ni manang ng makarainig kami ng busina ng sasakyan..

Beeep! Beep!.

Osya Iho,. kumain kana muna dyan, baka daddy mo na ang dumating ipagbubukas ko lang ng gate...at nagpatuloy na ito sa pag lalakad upang buksan ang gate.

Good morning son..bati ni daddy saakin ngunit hindi ko inaasahang kasama nya ang aking Lolo..

Goodmorning.. tumayo ako upang humalik at mag mano sa aking lolo

Sumabay na ito sa aking pag kain.

Iho.. kamusta naman ang iyong pag-aaral... paguumpisa ni Lolo sa usapan habang pinagsasaluhan namin ang agahang inihanda ni manang..

Mabuti naman ho..walang ganang tugon ko.

Hahahaha! mababakas sa mukha mo na ayaw mo nang pumasok.. tila nawawalan kana din ng gana sa iyong pag-aaral.nakatawang wika nito..

Hindi naman po Lolo... pagtanggi ko dito

Matagal ko naman nang sinasabi sayo iho.. hindi mo na kailangan mag aral kung gugustuhin mo.. hindi mo din naman yan magagamit sa mga nesgosyo natin... nasa sapat kanang edad para matuto ng pasikot sikot sa ating negosyo.. mahabang wika nito na para bang nangungumbinsi na tumigil na ako sa pag aaral at sumama nalang sa pagpapatakbo ng kanilang sindikato.

Dad..napag usapan na natin to hindi po ba?.. ako nalang po sa pamilya namin ang papasok sa ating mga negosyo hayaan mo nalang ang mga anak kong makapag tapos at magkaroon ng matinong buhay. pagtatanggol saakin ni Daddy. Tila hindi ito makatingin sa akin ng deretso at nahihiya sa tinuran ng aking Lolo.

Napatiim bagang ang aking Lolo sa sinabi ni Daddy tila hindi nito nagustuhan ang dahilan nito.. Bueno.. tulad mo ay aantayin ko nalamang din ang aking apo na lumapit at humingi ng tulong saakin.. at saka ito humalakhak...

Mabilis konang tinapos ang aking agahan at nagpaalam na mauuna at akoy may klase pa ngunit tinawag akong muli ng aking Lolo..

Sebastien... nais kitang makausap saglit. At nag tungo na ito sa kanyang opisina..

Mukang alam ko na ang sasabihin nito.. may ipag uutos nanaman ito. Nakitaan ako ng potensyal nito sa pag mamanman at pag kuha ng mga impormasyong kailangan nito.. at magmula noon ay ako na ang inuutusan nito kapag may mga tao itong pinapasundan ang mga bagong tao na nais nyang kilalanin, kaibiganin at isahan.. limitado lang ang ginagawa ko para saaking Lolo.. pumapayag akong mag maman at sundin ang utos nito basta hindi ako mag nanakaw papatay o kahit mananakit man lang ng tao.. natatapos na ang aking trabaho dito kapag nakapag bigay na ako ng impormasyon dito..Pag pasok namin sa opisina nito ay may ibinato syang envelope saakin.. nagkalat ang litrato at ilang dokumento na nag lalaman ng mababaw na impormasyon ng isang lalaki..

I want you to dig some gold for me Seb.. masyado kanang namumuhay ng marangya.. kailangan mo na ulit pag trabahuan ang mga iwinawaldas mong kayamanan ko iho! Sabay hipak nito ng kanyang tabako...

This is Henry Dela Costa.. and I heard he is a good catch! I want you to deal with him.. give me his whereabouts..mariing utos nito

Tiningnan ko lang ang lalaking nasa litrato.. matikas ang pangangatawan nito at hindi kababakasan ng katandaan sa mukha nito. Ngunit isa lang ang bumabagabag saakin sa lalaking ito.. mukang mabait ito at hindi kayang gumawa ng masama hindi tulad ng aking Lolo..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 04, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon