Lei's POV
Nasa bahay na ako ng amo ni Nanay ng mapansin ko ang itim na kotse na ito na kanina pa nakasunod sa jeep na sinasakyan ko mag mula ng makalabas ako ng eskwelahan. Hindi ko sana ito papansin dahil baka sakaling nagkataon lamang ito at dito rin sa village na ito nakatira ang nag-mamay ari ng kotseng ito. Ngunit ganun nalang ang pag tataka ko ng huminto ito sa dika layuan mag mula sa bahay ng amo ni Nanay.
Ano ba to? Dito lang ba ito nakatira o sadyang sinusundan ako nito? teka at sino naman ang susunod saakin? Wala naman akong atraso sakanila.
At biglang natigilan ako sa naisip ko.
Teka!! Baka si Santi to ah? dikaya? Pota! Hindi maaring manggulo to dito. Mayayari ako kay nanay nito.
Nag-aalala man ay sinikap kong kumalma at tinalunton ang nakaparadang kotse. Kinatok ko ito ngunit hindi nag abalang mag baba ng salamin. Kinatok kopa ito ng kinatok ng sa wakas ay nag baba na ito ng salamin, ganun nalang ang gulat ko ng makita ang lalaking nasa loob ng sasakyan na ito.
Seb? Gulat na tanong ko, maluwag ang pagkakangiti nito ,
hindi ko inaasahang ito ang makikita ko. Sinusundan mo ba ako? naniniguradong tanong ko dito.Huh? Eh! Kakamot kamot na tugon nito. Taga dito ako Lei, taga jan ako sa pangalawang kanto. wika nito.
Tinignan ko lang sya na animo'y tinitimbang kung totoo ba ang sinasabi nya.
Sabagy bakit nga naman ako susundan nito?
Taga rito ka rin pala Lei? Mayamaya ay tanong nito.
Ah! Hindi, dito nagttrabaho si nanay.. pagpapaliwanag ko, ayaw kong itanggi na mahirap lang kami.
Lumabas si Seb sa sasakyan at sumandal.
Ah! I See, so may office jan mommy mo?Magiliw na tanong nito, animo'y interesado sa buhay ko.
No! All around katulong si Nanay jan. Tagalinis, taga luto at taga pag-alaga.. happy? Dami mong tanong... pagsusungit ko dito at akmang tatalikod na ako dito ng hapitin nito ang bewang ko.
Ay! Shit! Lagi talaga akong nagugulat sa iniaasta ng lalaking to. Ano ba! Naka harap na ako dito ngayon at malapit ang mukha nito sa mukha ko. Napakatigas na mga bisig nito at ang mga titig nito ay parang nangunguryente sa buo kong pag katao.
Sorry Lei... diko alam. Mababang tono nito, naka tingin padin ng deretso sa mga mata ko. Mababakas mo dito na nagaalalang baka na offend ako.
Nakakaawa bang maging katulong? Derektang tanong ko.
Of course not! I just think that I should ask you in a proper way, in a way you will not get offended. Pagpapaliwanag pa nito.
No worries! I'm used to it! Sagot ko dito, totoo namang sanay na ako sa mga pang aasar at pang mamaliit ng mga tao lalo na ng mga kaklase ko kapag nalalaman nilang katulog lang ang nanay ko. Lalo na nung unang beses na pinatawag ang nanay ko sa dati kong eskwelahan na halos ipahiya si nanay.
Nasa ganoon kaming posisyon ng may magsalita sa gilid namin.
Leidilyn! Anong ibig sabihin nito? Galit na wika ng nanay ko..
Nabigla ako at naitulak ang kaharap ko.
Nay! Kaklase ko ho! Si Seb. Mabilis ko tinakbo si nanay at lumapit sa gilid nito.
Hi mam! Im Sebastien Dela Fuente. Nice to meet you po, nakangiting pag papakilala nito at sabay lahad ng kamay nito.
Ni hindi man lang pinag ka abalahang kuhain ng nanay ko ang kamay ni Seb at tila na papahiyang binawi ng huli ang kamay nito.
BINABASA MO ANG
The Bodyguard
RomanceSa paglipat ni Lei ng eskwelahan ay napagdesisyunan nyang wag nang pumasok pa sa kahit na anong gulo. Ngunit sadya nga atang may magnet itong si Lei. Dito nya nakilala si Seb isa sa mga binubully sa school na to, nakipag deal ito sakanya, magiging b...