Makalipas ang ilang buwan yung bestfriend ko ay naging boyfriend ko. Asss innn boyfriend talaga. ayaw nyong maniwala?? ed wag!! hahaha joke:):) ganito kasi yun nung nasa Jollibee kami nagtanong siya sakin kung may boyfriend na ba ako. Syempre capslock WALA talaga. Hahaha nagsimula na dun ang ligawan moments at date-date din pag may time hanggang naging malapit kami sa isa't isa at di ko nalang namalayan na FALLINLOVE tuloy ako sa bestfriend ko. Nagulat kayo kung bakit ko siya naging bestfriend noh??*Flashback*
Nung bata pa lang kasi ako my kababata ako na Theo ang pangalan at nagkahiwalay kami nung ako ay 13 years old at siya ay 14 years old pumunta siya sa korea kasama ang pamilya niya at simula nun d ko na siya nakita. Isang araw nalaman ko nalang na umuwi cxa dito sa Pilipinas kaya ipinagdasal ko talaga na sana magkita kami. Sa d nga naman inaasahang pangyayari si Matheo na lage kung kasa-kasama sa campus ay siya pala ang theo na kababata o bestfriend ko. Nalaman ko nalang nung nag date kami sa Jollibee kasi kinuha ko yung wallet niya sa mesa kaya hinalungkat ko ang wallet niya.. nagulat nalang ako ng makita ko ang larawan ko sa wallet niya. Ohh diba pinagtagpo
talaga ng tadhana. Hahaha"Matheo?????" tawag ko sa kanya habang tumutulo yung mga luha ko!!!!
"Ohh Princess bakit kaba umiiyak jan?? teka ba't mo pinapakialaman yang wallet ko??" sabi ni Matheo habang titig na titig siya sakin.
"Matheo naalala mo pa ba ako??? ako yung princess na panget na lage mong nilalait noon. "
"Princess....... *tumutulo ang mga luha * ouh naalala kita! d ko kaya nagawang kalimutan ka. Yang larawan na hawak2 mo ngayon lagi ko yang tinitignan bago ako matolog. Hinanap kita Princess kung saan- saan. Nung unang araw ng pasukan yung araw na pinagkakaguluhan ako sa labas nakita kita doon lalapitan sana kita pero bigla kang tumakbo. kaya pala sa dinami dami ng babae na nakita ko iba yung naramdaman ko sayo. Princess alam mo sobra kitang namiss*yakap kay princess*
*end of flashback*
-----
DECEMBER 9, 2015
- araw na may date kami. 1st date namin to wag na kayong sumali pagbigyan nyo nalang kami. hahahaha sa date namin sinuot ko yung damit na bigay ni Matheo habang nasa bahay fha ako tumawag sa akin si matheo.Ring! Ring! Ring!
"Hello??"
"Princess punta ka dito sa school isuot mo yung damit na bigay ko sayo. Bilisan mo maghihintay ako dito.."
"Huh??? ba't kailangan yung dress?? Uniforme nalang kaya ang isuot ko??"
"Sumunod ka nalang baka nakalimutan mo. D fha kita nahalikan noh??? sige mag uniforme ka kung gusto mo. Tingnan lang natin. Magbihis ka na jan naghihintay na c Mr. Right mo dito."
"Ooh na magbibihis na ako. Ba't ba kasi kailangan kung mag dress?? ano bang meron??"
"Wag na kasing magtanong. Bilisan mo jan! ang dami mo pang mga tanong. "
"Ouh na!!"
"Wala bang pandagdag pogi point jan??"
"WALA ! pogi kana wag ka ng magpa pogi ng sobra baka mapulot ka pa ng iba jan."
"Assseee kinilig ako dun huh??? wag kang mag alala ikaw lang yung maging prinsesa ko."
"Sige na babaye!! over acting kana jan."
"Sige bye princess *ngiti*
Tot! Tot! Tot!
Naputol ang usapan namin. Pero teka kanina fha ako naguguluhan bakit ba kasi kailangan kung mag dress??? ano kayang meron patay talaga sakin ang mokong nato!!! isusuot ko kaya yung dress na bigay nya sa'kin ??? ibang damit nalang kaya??? ayy wag na yung dress nalang talaga baka mahalikan niya pa ako sa harap ng maraming tao. Habang sinusuot ko yung damit nakatingin din ako sa harap ng salamin, parang ang badoy ng suot ko.. ok lang kaya to??? hoy sumagot ka jan!! baka pagtatawanan ako ng mga tao. Tingnan niyo nga naman pati sarili ko kinakausap ko na para talaga akong baliw nito.. hayyy hirap naman kapag di ka sanay mag dress sige na nga lang. Tapos na akung magbihis naayos ko na yung buhok ko at naglagay na ako ng kunting lipstick tapos sinuot ko na yung blackheels para mas maging pormal akung tingnan. Si Matheo talaga ang may kasalanan ng lahat ng to.. hoooo kaya ko to!!!! hay tanungin ko na nga lang si yaya..
BINABASA MO ANG
Ang BESTFRIEND ko ay BOYFRIEND ko<3
RomancePrologue Ang love araw-araw trending kahit saan laging pinag-uusapan. Minsan ang love ay masakit, minsan din masaya pwera nga lang kung makakatagpo ka ng lalaking talagang para sayo. kung hindi pa dumating ed hintayin kasi di madaling maghanap ng la...