***Prologue:***
Nakakasampung beses na siguro akong bumubuntong hininga habang naglalakad patungo sa locker.
Hanggang ngayon hindi ko parin lubos maisip kung paano ako na papayag ng Ex ko na maging Rebound nya.Tsk!>_< Isa lang ang natatandaan ko ng gabing 'yon.Lumapit sya sa akin at tinitigan ako sa mga mata.
Hindi ko maipaliwanag kung ano ang meron sa mga titig na 'yon.Pakiramdam ko hinipnotismo nya ako.Tch!Napailing na lamang ako sa isiping 'yon.Mukhang kailangan ko na talagang sundin ang payo sa akin ni Kenji na magpatingin sa psychiatrist.
Well actually pabor sa akin na maging rebound nya.Dahil matutupad narin sa wakas ang matagal ko ng plano.Ang gantihan sya.
"Cess layuan mo na sya hanggat maaga pa."
Natigilan ako sa paglalakad ng makita kong may kausap syang lalaki sa di kalayuan.Nakatalikod ito kaya hindi ko makilala kung sino ang kausap nya.
Nagtago ako sa gilid ng locker,alam kong masamang makinig sa usapan ng may usapan.Pero parang may nagtutulak sa akin na kailangan kong marinig ang pinag-uusapan nila.
"Pwede bang hayaan n'yo na lang ako!?Malaki na ako alam ko na ang tama at mali."Nakikiusap na sambit nito.
"Alam mo namang mali 'tong ginagawa mo diba!?Queencess ipapa-alala ko lang sayo na kahit pagbali-baliktarin mo ang mundo hindi ka maaaring umibig sa tao.Dahil kapag pinilit mo ang gusto mo,mapapahamak lamang sya."
Kumunot ang noo ko sa aking narinig.Hindi daw sya maaaring umibig sa tao?Bakit ano bang tawag sa kanila Alien?Ano kayang pinag-uusapan nila?Feeling ko ako ang tinutukoy nila.Ako nga ba? O sadyang pilinghero lang ako?
"Hindi sya mapapahamak kung hindi nyo gagalawin!!"Madiing sabi nito.
"Kung hindi mo sya lalayuan,wala akong choice kundi patayin sya!!"
"Subukan mo! Ako ang makakalaban mo!!"Mahinahon pero puno ng pagbabantang sabi nya.
Kinilabutan ako ng makita kong nag iba ang kulay ng mga mata ni Queencess.Pumikit ako ng matagal,baka na mamalikmata lang ako.Sumilip ulit ako, tsk! Natural naman ang kulay nito.Tsk!!Nag hahalucinate lang ata ako.>____<
Umusog ako paharap para makita ko ang kausap nya,naka side view na kasi yung lalaki at onting usog na lang makikilala ko na kung sino ito.Hindi ko napansin na may lata ng coke sa sahig, na apakan ko ito kaya nag sanhi ng ingay.Bigla akong napa-atras at napa-sandal sa pader.
"Sinong nandyan!?"Boses 'yon ni Queencess.
Biglang nagtagak-takan ang pawis ko nang marinig ko ang mga yabag ng paa nya patungo sa aking kinaroroonan.
Nagulat ako ng may lumitaw na kamay sa braso ko at hinila ako papasok ng room.Tinakpan nya ang bibig ko.
"Shhhhhhhhh.Wag kang maingay."Mahinang bulong nito sa akin.
PS:Kung iniisip mong nabasa o napanoond mo na ang ganitong nobela.Mag isip ka ulit.Enjoy Reading guyss ^___________________^ -Ate sheng
BINABASA MO ANG
Will You Be My Rebound,Before I Let You Go?
Misterio / SuspensoPapayag ka bang maging "Rebound" ng Ex fiance mo?