WEIRD

87 2 0
                                    

another semester , another story pero kami pa din ang bida ..

Ang dami namin sa klase kaya halos hindi ko na nakilala ng maayos yung iba kong kaklase .. kung baga kung sino lang ang kilala at malapit sayo , yun lang ang kakausapin mo.

lagi lang kami naka-pwesto malapit sa pintuan dahil kung pipilitin pa namin makipag-siksikan sa unahan ay mainit na.

Minsan naman napapansin ko na pumepwesto ang grupo ni Edgar sa likuran namin kaya madalas na nakakakwentuhan niya ang mga kaibigan ko at kung tama ang hinala ko , nakaka diskarte din siya sa akin.

tulad na lang noong klase namin ng PE at katulad ng ibang university sa gymnasium kami nag kaklase. habang naghihintay sa prof at mga klasmeyt namin , nag kkwentuhan lang kami ni Chriscie.

"Uy! Bakit hindi kayo pumunta kahapon?" tawag pansin sa amin ng isa naming kaklase pag dating.

tinutukoy nito ang hindi namin pag sipot sa kanyang birthday party.

"aheh ! pasensya na .. wala kasi kami kasabay na may alam ng lugar niyo eh. anyway , belated happy birthday pa din sayo." palusot na lang namin. Ang totoo , nahiya kami mag punta kasi hindi naman namin siya kaclose.

"Ganun ba ? Oh ito , dinalhan ko na lang kayo ng cake." binigay nito sa amin ang isang tupperware na may laman. nakakahiya naman. (^﹏^)"

kinuha namin ito at tinitigan lang ..
joke lang ! syempre binuksan namin at kinain yung cake. sayang naman kung tanggihan namin noh ?!

nang maubos namin yung cake ay balik kami sa pag kkwentuhan ni Chriscie at natigil na lang kami sa aming tawanan ng bigla na lang sumingit sa pagitan namin si Edgar. kung hindi din naman bastos , dba ?!

So , yun nga sumingit siya sa pagitan namin habang nag uusap kami kaya naman nag katinginan na lang kami ng kaibigan ko , lalo pa't kalahating pulgada lang naman ang layo namin sa isa't isa ni Chriscie. Meaning , talagang pinagsiksikan niya ang sarili niya sa pagitan namin at naupo dun na para bang wala lang. sarap kutusan di ba ?!

"hi! dito ba tayo?" Obvious ba?! tanong nito sa amin.

ngumiti lang ako sa kanya at ang kumausap sa kanya ay si Chriscie.

"Pat! san ka nakatira?"

"Diyan lang." walang gana kong sagot.

"San nga ?"

"Sa Bulacan. Mapagbigay Street to be exact."

"Malapit ka lang pala .. gusto mo mag jogging ako sa subdvision niyo?"

"hmm.. edi mag jogging ka. wala namang nag babawal eh."

"Tabang!??" rinig kong sabi ni Chriscie kaya ningitian ko lang ito tapos sakto namang nag datingan yung mga kaklase namin.

hindi din nag tagal ay nakaka biruan ko na din si Edgar kahit na minsan ay na wweirduhan ako dito kasi panay lang ang ngiti at tingin nito sa akin.

minsan pa ng magkaron ng big event sa skul at kinailangan ng mga magulang ay napakilala na din niya ako sa mama niya.

"Ma! si Patricia po saka kaibigan niya." pag papakilala naman nito sa amin sa mama niya.

nag taka lang ako kasi imbes na ang kaibigan kong si Chriscie ang ipakilala niya sa nanay niya dahil nga magkababayan sila .. ako lang ang pormal niyang ipinakilala , samantalang pabibo effect pa ang kaibigan ko nun.

"Hello po!" bati ko naman sa mama niya. Balak ko sana mag mano kaso nahiya ako kaya nginitian ko na lang siya.

"Hi po ! Chriscie nga po pala. Nanay ka po ni Edgar?" kasasabi lang dba ?! nakakaloka toh ! mema lang talaga eh .. memasabi lang. "may pinag manahan po pala si Edgar , ang ganda niyo po." Haysus ! yung totoo ? may ibig ka bang iparating ?!

after makipag meeting sa mama ni Edgar ay hinanap ko naman ang parents ko .. una , dahil nauuhaw na ako at pangalawa , nais ko din sana sila ipakilala pero dahil late ko ng nakita ang parents ko .. hindi na natuloy ang balak ko.

after that event ay may mga duty na kami kaya may mga klasmeyt ako na mas nagiging close ko dahil seven days a week ko sila nakakasama katulad na lang ni Jon.

Si Jon ang naging apple of the eye ko sa buong semester dahil ... wala lang , trip ko lang siya dahil marami akong kaklaseng babae na may crush sa kanya saka dahil na din sa sabay kami lagi umuuwi.

wala din naman masyadong nakakausap si Jon dahil isa siyang tahimik na nilalang at hindi sila close ni Edgar .. ni hindi ko nga sila nakikitang nag uusap eh kaya ganon na lang ang pagtataka ko ng mag fist bomb na lang sila isang araw , nag aasaran at mag aabangan pa sa labas every matapos ang klase para mag laro ng dota. yeah! yeah ! alam ko normal sa lalaki yun pero kung kayo ang nakakakita , magtataka talaga kayo.


please VOTE !!!

ALMOST A LOVESTORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon