GIRLFRIEND ?

34 2 0
                                        

same semester at same character pero ibang story na :)

busy ang buong year level namin dahil sa thesis kaya naman kahit mukhang may klase para namang wala dahil pinagbigyan kami ng mga prof para maayos na namin ang aming mga thesis.

nag pa survey kami sa aming mga kakilala gang sa umabot kami sa floor kung san nag kaklasrum sila Edgar.

dahil sa madami ang kakilala namin sa klasrum na yun ay ginambala na namin sila .. ang kaso lahat ay may kapalit.

nag sagot din kami sa kani-kanilang mga questionaire.

pina sagutan sa akin ni Edgar yung kanila at dahil optional ang pangalan hindi ko na dapat lalagyan pero dahil pinilit ako nilagyan ko ito.

"Anong apelyido lalagay ko baka kasi pag apelyedo ko malaman nilang baliw ako .. hahaha."

"Lagay mo Real." sabi ng boses sa gilid ko.

"Sige!" sabi ko naman .. nabigla na lang ako ng marealize ko na apelyido pala ni Edgar ang inilagay ko bilang apelyido ko.

"Hala ! friend .. Patricia Real ka na."

"nabigla nga ako eh." tapos nag paalam muna ang lalaki para muling pumasok sa kanilang klasrum tapos maya-maya lang ay nag labasan na ang buong klase nila.

habang busy kami ni Chriscie na nag aayos ng mga papel namin pang survey ay tinawag ako ni Edgar.

"Patricia , halika sandali .. ipapakilala lang kita."

"huh? bakit?" nag tatanong pa ako kung bakit pero hindi naman ako nito pinansin.

"Ate! ipapakilala ko lang sayo si Patricia. girlfriend ko." (Θ~Θ〃) hala teka ! ano yung sinabi niya? para akong nabingi. "Pat, si ate .. best friend ko." ni hindi ko na naintindihan kung ano ang pangalan ng ate niya dahil sa pagkabigla.

"Hello ! siya ba yung nikkwento mo sa akin?" huh ? teka ! daming revelation. bakit naman niya ako nikkwento sa best friend niya?!

after namin mag kakilanlan ay bumalik na ako sa kaibigan ko.

"Tol! narinig ko yun ah .. girlfriend ka na pala ni Edgar hindi mo man lang sinabi sa amin."

"Ako nga hindi ko alam , kwento ko pa kaya sa inyo."

"saka na iikkwento ka niya sa best friend niya .. ano kaya pinag uusapan nila about sayo?!"

"Hayz! yaan na nga natin sila sa trip niya .. baka abangan ako sa kanto ng fans club ni Edgar pag nalaman nila yung nangyari ngayon."

"Eh ano? edi susumbong natin sila sa boyfriend mo."

"Aish ! sssshh !!" grabe ! mas kinikilig ang kaibigan ko sa kesa sa akin.

after two to three weeks ay natapos na kami sa thesis namin.

nag kayayaan ang buong grupo na kumain sa labas dahil sa naging resulta ng defense namin.

habang nag iikot sa mall ay nakasalubong namin si Edgar.

then niyaya siya ng iba na sumama sa amin at habang nag kakasiyahang kumain ay may nag alok na waiter na siya na daw ang kukuha na picture sa amin.

sa kabaliwan naman ng mga kasama ko pati tuloy yung waiter na nag serve sa amin ay napasama na sa picture.

"parang ang saya niyo po yata.. puede po ba namin malaman kung ano ang meron?" tanong ng waiter. chismosong to!!?? haha.

"Ah kasi po monthsary nila." anunsyo ng maingay kong kaibigan , sabay turo sa amin ni Edgar. Yung totoo ? laglagan ba ito mga kaibigan ?!!!

"Naku! kayo po pala ni ma'am , sir .. nakakahiya naman po yung kanina." sabi ng waiter, tukoy nito sa pag tabi nito sa akin kanina.

"Naku! hindi .. ok lang yun." kabig ko na naman .. ang hirap talaga isama ang boyfriend sa gala niyo mag kakaibigan , hindi ako makalandi ng maayos .. hahaha.

please VOTE !!!

ALMOST A LOVESTORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon