another semester , another story pero wag na maghanap ng ibang bida .. kami pa din ito hanggang sa huli ~( ̄▽ ̄)~
nagiging mas close na kami ni Edgar at hindi na din ako naiilang sa mga gesture niya dahil sanay na ako pati na din sa mga pang aalaska ng mga kaibigan ko ay immune na ako.
may isang klase kami na matagal dumating yung prof kaya naman nangapit bahay muna ako sa kabilang klasrum dahil may mga kaibigan ako dun at katatapos lang ng klase nila.
"Patricia!!" tawag sa akin ng isa kong kaibigang lalaki at niyakap ako.
Oh ! walang malisya yun ah .. ganun talaga ako sa mga kaibigan kong lalaki lalo na sa mga close ko.
"Kamusta naman kayo?" tanong ko sa mga kaibigan ko habang kayakap pa si John.
"Ok lang ! miss na kita. mas klase kayo?"
"miss you din. oo eh. kayo ba?"
"may next class pa kami."
"ganon ba ?! sige na .. bye-bye na ! see you around. muah!" (*^ 3^*) ~~ ☆
papasok na ako ng klasrum ng makita kong nakatingin sa akin si Edgar kaya naman nginitian ko ito bago ako bumalik sa upuan ko.
pag balik ko naman sa upuan ay si Joseph naman ang nangulit sa akin. nagbibiruan kasi kami about sa ballpen niya.
nawawala kasi ang ballpen nito na katulad ng ballpen na kalalabas ko lang. kinukulit ako nito at sinusundot ang tagiliran ko kaya naman nagkakatawanan na kami ng tawagin ang pansin ko ng aking kaibigang si Chriscie. istorbo naman ito sa paglalandi ko eh. choz !
Pinuntahan ko na ito at may ipinakita lang at dahil nandun na lang din naman ako sa tabi niya siya na muna ang kinulit ko. gulo ko noh?!
nakinig kami ng music sa kanyang ipod at sumayaw! pero joke lang ulit ..
syempre nakinig kami at kumanta kahit na sintunado ako dahil isa lang naman akong hamak na trying hard singer.
habang nakikinig at umaawit .. sumingit naman si Edgar sa amin at nakisali.
"alam niyo yung Jenny ng the click five?" tanong nito sa amin tapos kinanta na nito.
"oo. alam ko yun." sabi ko naman at sinampulan siya ng ilang notes. haha ! talented ako eh.
tapos dumating na yung prof namin kaya bumalik na ako sa upuan ko.
kinabukasan .. habang nag hihintay ulit sa prof namin .. nakipag kwentuhan naman ako kay Romeo , isa lang naman siya sa heartrob ng buong klase.
minsan ko lang ito masolo kaya lulubusin ko na .. aalamin ko lang kung ano ang feeling ng kumausap ng isang tahimik na tao. haha !
nag kakatawanan at nag eenjoy na ako kakwentuhan siya ng sumingit naman si Edgar at Chriscie. May mga tao talagang hadlang sa kaligayan ng iba noh ?! hmp !
oh well , sumingit na nga sila kaya ang naging set up .. kausap na ni Chriscie si Romeo at ako naman kay Edgar.
Ang totoo , gusto ko din naman kakwentuhan si Edgar ang kaso pag lumalapit ako sa kanya feeling ko hindi siya komportable sa akin kaya ang ginagawa ko , ako na lang ang lalayo saka feeling ko din kasalanan ang lumapit o makipag usap sa kanya dahil sa dami ng nag kakagusto sa kanya.
"Romeo , may pick up line ako sayo." kinikilig na sabi ni Chriscie sa lalaki. grabe siya ! siya ang babanat pero siya ang kinikilig.
"Sige!"
"horrOr movie ka ba? ... kasi pag nakikita kita bumibilis ang tibok ng puso ko." kinikilig na banat ng babae. wala namang wenta banatan yung lalaki .. nginitian lang yung kaibigan ko.
pero may isang lalaki sa tabi ko na nainggit kaya naman bumanat din ito.
"Patricia , alam mo bang tatlong araw lang naman kita gusto makasama."
"huh? bakit naman?" curious ko pang tanong.
"Ngayon , bukas at magpakailanman." luh ?! pauso !! hehe .. choz lang ! syempre kinilig ako pero slight lang .. atin-atin lang yun ah !?
"Ako ulit!" deklara ni Chriscie .. yung totoo ? contest ba ito ? hindi kasi ako na inform. "bakit parang bumibilog ka yata Edgar at unti-onting nagiging mundo ko?" ngumiti ang lalaki dito at muling bumaling sa akin.
"Patricia , hindi ka ba napapagod?"
"bakit?"
"kanina ka pa kasi tumatakbo sa isipan ko." boom ! haha .. mukhang nag eenjoy na ako sa pag diskarte nito ah. "meron pa ! pustiso ka ba?"
"mukha ba akong pustiso ? syempre hindi. bakit ?"
"kasi I can't smile without you eh."
"Ah ganun ba?! ako din may pick up line. bangin ka ba ?"
"Bakit?"
"kasi nahuhulog na ako sayo." sinabayan ako sa pag sasalita ng kaibigan ko habang siya ay kinikilig.
"Yiiiieh ! tamis." sabay kabig naman ni Chriscie.
"Meron pa ako. Last na ! Alam mo Patricia , pag naging hero ako .. ayoko si Batman , Superman o si Spiderman."
"Oh ? ano gusto mo?"
"Simple lang .. to be Yourman." infernez! keneleg eke ! hehe.
"Ayoko na!" gulat naman sila sa deklarasyon ko kaya agad ako bumawi. "Ayoko na sa sarili ko!? Pwede bang sayo nalang ako?"
Isang tumataginting na matamis na ngiti at kumikinang na mga mata ang isinagot sa akin ni Edgar. aha ! inlove na siya sa akin .. ahihi ~~~^_^~~~
kinabukasan ulit ay muli naming hinintay ang aming prof sa pamamagitan ng pakikipag daldalan. haha !
ngayon naman , napag tripan ko kausapin si Edgar.
pero dahil minsan may iba itong kausap .. mas pinag tuunan ko ng pansin yung isa ko pang katabing lalaki.
"Hello , Romeo .. musta ?" ganda pa ng ngiti ko ng batiin ko ito.
"okay lang." halos bulong nito sa akin kaya naman lumapit pa ako dito.
"Gusto mo chismisan kita? haha. Alam mo bang kalahati ng babae dito may crush sayo saka kay Edgar."
"Hindi naman siguro." sabay ngiti.
"Totoo kaya. gusto mo turo ko kung sino-sinu sila." sinimulan ko naman ituro kung sinu-sino ang mga may crush sa kanila. Dami ko alam noh ?!
marami na kaming napag kkwentuhan ng may umepal sa likuran ko.
"Ehem!!" hindi ko ito pinapansin.
"kausapin ka yata ni Edgar." sabi naman ni Romeo.
"Yaan mo siya .. ikaw gusto ko kausap eh."
"Ehem !!!!!"
"Oy hija ! pansinin mo naman yung isa." sita ni Chriscie sa akin.
"Oh edi pansinin." bumaling na ako sa lalaki at ito naman ang pinagtuunan ng pansin. Artistahin ako eh !? "Ano namang kylangan mo sa dyosang katulad ko."
"crush mo si Romeo?" Σ( ° △ °|||)︴luh ? nung pinag sasabi ng lalaking ito ?!
"Hindi ah." talaga namang nanlaki ang mata ko dahil sa tanong niya.
Nang mag uwian na ay sabay-sabay na kami lumabas ng klasrum.
"Patricia ! alam mo mukha kang nanay." ╰(‵□′)╯ bigla nanlisik ang mata ko nun dahil sa sinabi niya .. mukha ba akong nanay ? oo ! haggard ako pero wala pang nagsabi sa akin na mukha akong nanay !! siya pa lang !!!
"Hala ! mukha ka daw nanay Pat !!" pang aalaska naman ni Chriscie.
"Oo! nanay ng mga magiging anak ko."
"Boom!" sabay-sabay namang sabi ng mga kaibigan ko na halatang kinikilig pa.
please VOTE !!!
BINABASA MO ANG
ALMOST A LOVESTORY
Randomang ROMANCE STORY isa sa dahilan kung bakit marami sa atin ang hopeless romantic dahil sa happy ending na taglay nito. nag tataglay ng kilig at sakit sa bawat mambabasa. sinusubaybayan kahit na nagiging bitter. laging may third party para may thrill...