First year , summer class ko ng unang makilala si Edgar Real.
Kaibigan siya ng kaibigan ko kaya naman no time na maka-kwentuhan ko siya , lalo na't wala namang amor mag pakilala ng kaibigan niya yung kaibigan ko.
First day namin sa isang subject ng palipatin ang buong klase ng klasrum.
Lumipat naman kami at pinili ko agad ang pwesto malapit sa bintana kasi mahangin dun.
I reserved six seats in total .. lima kaming mag kakaibigan at yung isa ay para sa bag namin. Bakit? may angal? marami namang upuan.
naka-ayos na kami ng upo at masayang nag kkwentuhan ng may lumapit na payat, maputi , mababa ang boses at gwapong lalaki sa amin.
"May naka-upo?" tukoy ng lalaki sa upuang nasa tabi ko at kung saan nakalagay ang bag namin.
"Ah wala!" sagot naman ng isa sa kaibigan ko. Tsk! hindi ko nga pinansin eh , sinagot naman niya.
kinuha ko na ang bag ko at isinabit iyon sa upuang nasa harapan ko.
kausap na ng lalaki ang mga kaibigan ko dahil matagal na pala silang magkakilala ..
ako ? ito nganga .. OP ako sa kwentuhan nila at wala din naman ako pakilam.
habang tahimik akong nakikinig sa kwentuhan nila bigla na lang may umakbay sa akin.
pag tingin ko kung kaninong kamay iyon ay siya namang gulat ko.
braso lang naman ni Edgar Real ang nasa mga balikat ko ngayon. Are we close ?
sinubukan ko ipadama sa kanya na ayaw ko ang ginawa niyang pag-akbay pero matindi ang kapit at talagang hindi nakaramdam.
Nagkkwentuhan sila , habang ako busy sa pag tanggal ng braso niya ng hindi siya ma o.offend. Oh dba ? concerned pa ako sa kanya.
siguro bakas na sa mukha ko ang pagka-irita kaya napansin ako ng isa sa mga kaibigan ko.
"Magkakilala na ba kayo?" tanong ng isa kong kaibigan. umiling naman ako at tinanggal na ng lalaki yung braso niya sa balikat ko.
"Edgar si Pat , Pat si Edgar .. naging klasmeyt namin siya nung first sem." pagpapakilala ng mga ito sa lalaki. sino bang nagtanong ?
"Alam mo bang kababayan ko siya?" sabi naman ni Chriscie. who cares ? "Small world talaga , dba ?!" yeah , right !? nginitian ko na lang sila dahil wala naman akong paki kahit na magkapatid pa sila.
after nila mag kwentuhan ay muli na naman kami pinalipat ng klasrum at sa pag lipat namin ay muli na namang tumabi sa amin .. particularly sa akin si Edgar at muli akong inakbayan.
Napagalitan pa nga ako ng prof namin ng makisali ako sa usapan ng mga kaibigan ko with him kasi inusisa ng mga ito ang pag lapit ng lalaki sa amin.
"Anong ningingiti-ngiti mo dyan miss?" nanlalaki ang mata ng prof kong tawag pansin nito sa akin.
grabe siya ! ngumiti lang ako , napagalitan na ako .. paano pa kaya yung mga kaibigan ko na humahalakhak at nag kkwentuhan?
agad ko namang binura ang ngiti ko dahil feeling ko napahiya ako.
please VOTE !!!!
BINABASA MO ANG
ALMOST A LOVESTORY
Acakang ROMANCE STORY isa sa dahilan kung bakit marami sa atin ang hopeless romantic dahil sa happy ending na taglay nito. nag tataglay ng kilig at sakit sa bawat mambabasa. sinusubaybayan kahit na nagiging bitter. laging may third party para may thrill...