Chapter 4

46 2 5
                                    

Umaga na at parang zombie akong lumakad papuntang dining room. Paano kasi, hindi ako nakatulog sa sinabi ni coach sa'kin. Hindi ako nag-aasume na ako talaga pero.. dapak lang! Seryoso ba? Kelan pa? Ughh.

"Anak, anong nangyari sa'yo?? Bakit ganyan itsura mo?" Mom asked.

"Oo nga, Ate. Para kang zombie sa twid. Hahahaha." Sabi naman ng lil bro ko. Nga pala, may lil bro ako named Ryan. Yung sinasabi niya palang "twid" ay yung the TWD or The Walking Dead. Sinabi ko kasi sakanya na "twid" yung tamang pronounciation at hindi T-W-D. Hahahaha.

"Shattap! Suntok u want? Che." Sabi ko at umalis na sa dining room. Hay, nako! Wala na nga akong tulog, ba-badtrip-in pa ako nga hampaslupang kapatid ko.

.

"Oh, Paula! Anyare sa fes mo?" Tanong ni Bespren Beah.

"Tsk. Wala."

"Oi, oi! Anong wala? Kilala kita, 'pag sinabi mong wala, meron. So, ano na? Spill it." No choice na ako kaya sinabi ko na ang mga nangyari sa'kin nung panahon na wala siya. Pumunta kasi sila sa Davao. One month sila dun kaya wala siyang balita.

**

After 3 months.

Three months had passed at naging close kami ni Fred. Yung super close na to the point na hindi namin mabitawan ang isa't isa. Minsan nga, napapag-kamalan nilang mag-jowa kami sa closeness namin. PDA kasi kami palagi. Mapa-Mall man o sa school namin parehas.

(A/N: Sa mga hindi nakaka-alam ng PDA, ang PDA po ay Public Display of Affection.)

Kung nagtataka kayo bakit palagi kaming PDA eh magkaiba ang school na pinapasukan namin, eto po kasi 'yun.

Palagi akong sinusundo ni Fred sa school ko tapos tutuksuin nila ako na nadiyan na daw yung Prince Charming ko at eto namang si Fred, tuwang-tuwa. Palagi niya kasing hinahawakan ang kamay ko, inaakbayan, hinahalikan (sa cheeks lang o sa noo), at niyayakap in Public. Parang wala ngang hiyang tinatago sa katawan eh.

Tapos minsan, pumupunta ako sa school nila 'pag wala kaming teacher o klase. Tapos nagpi-PDA rin kami dun--- ay, siya lang pala. Hahahaha. Alam naman ng parents naming parehas na friends lang kami at walang namamagitan sa'min.

Pero isang araw...





Pumunta siya sa school namin. Nagulat ako at first kasi alam kong may klase pa sila, same as me pero ang mas nakakagulat ay..... pumunta siya sa gitna ng quadtrangle at sumigaw ng....







"PAULA JANINE RODRIGUEZ! MAHAL NA KITA NOON PA MAN. MAHAL MO RIN BA AKO?"

Pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang 'yan, natahimik ang paligid hudyat na inaabangan nila ang sagot ko.

Huminga ako ng malalim at sumigaw ng...

"HINDI BA HALATA? NOON PALANG, GUSTO--- NO, MAHAL NA KITA. UNANG KITA KO PALANG SA'YO, NA-INLOVE NA AKO SA'YO. I KNOW THIS SOUNDS CORNY PERO... HINDI AKO NANINIWALA SA LOVE-AT-FIRST SIGHT NOON PERO NUNG NAKITA KITA, NANIWALA NA AKO."

Pagkasabi ko nun ay ngumiti siya. 'Yung ngiting hanggang tenga. Tapos may linabas siyang cartolina at ang nakasulat lang naman ay....

"PAULA JANINE, WILL YOU BE MY GIRL?"

Ngumiti ako ng matamis at sinabing, "OO NAMAN. PAKIPOT PA BA AKO EH KAKA-SIGAW KO LANG NA MAHAL KITA."

Dali-dali akong bumaba galing sa third floor papunta sa court pagkatapos kong sabihin 'yon sakanya.

Nakarating na ako sa court na may malaking ngiti sa aking labi at mga luha ng kaligayahan sa aking mga mata.

Dahan-dahan akong lumakad papunta sakanya.

Nang dumating na ako sa harap niya, he cupped my face, said "thank you" and "i love you" to me, at dahan-dahan niyang linapit sa'kin ang kanyang mukha.

Maglalapat na sana ang aming mga labi ng... "EHEM.."

Bigla ko siyang natulak nang makarinig ako ng pag-ubo. Shyet! Si Principal Sabrina a.k.a PS!

"Ahh.. ehh.. PS--- este, Principal Sabrina, magandang hapon po." Bati ko sa aming punong-guro.

"Anong kaguluhan ito?"

Magpapaliwanag sana ako pero inunahan ako ni Fred.

"Uhm, magandang hapon po, Principal Sabrina. Pasensiya na po sa ginawa ko. Hindi na po ma-uulit."

"Malamang hindi na ma-uulit dahil kayo na. Hay, mga bata ngayon. Wala pinipiling lugar."

"Pasensiya na po, Principal Sab. Hindi na po talaga ma-uulit." Paghingi ko ng depensa.

"Okay lang 'yon, Paula. Congratulations nga pala."

"Thank you po, Principal Sab." Sabay naming sabi ni Fred.

.

"Congrats guys!! Partey na ba 'to??" Bati ni Charles sa'min. Si Charles nga pala ang boyfriend ni Bespren Beah. FC nga 'yang si Charles ehh.

"Oi, Fred! 'Wag mong sasaktan 'tong bespren ko ah? Sawa na akong patahanin 'yan kaka-iyak dahil nasaktan daw siy----" Di ko na pinatuloy ang sasabihin ni Beah dahil pauli-ulit niya na 'tong sinasabi kay Fred kahit nung hindi pa kami.

"Oo na, best! Tumahimik ka na diyan."

"Hehehehe. Peace lang best!" At nag-pa-cute pa ang loka-loka. Pero 'wag ka, mahal ko 'yan.

******
A/N: Annyeong guys!! Whatcha' think? Sorry short update. Next update ko siguro sa Saturday or Sunday. Wala na akong masabi sa a/n kaya goodbye na! I hope nagustuhan niyo :)

PLEASE VOTE, COMMENT, AND SHARE MY STORY. Thank you,  xie xie, kamsa, salamat!

His Ateneo JerseyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon