Lumipas ang mga araw at practice day ulit namin.
"Paula, sa CPC Main ulit tayo mag-pra-practice. Meron tayong Friendship Game versus CPC Volleyball Girls mamaya." Sabi ni Gweny sa'kin.
"Huh? Agad-agad?? Anong oras ba?"
"As usual, 4pm." Bored niyang sabi.
"Ahh okay. Buti nalang may damit ako sa locker."
.
"Sissy! Diba may frienship game tayo mamaya sa CPC?" Excited na tanong ko kay Simonie.
"Oo."
"So, that means.... makikita ko na ulit si crush!! Waaahh!" Kinikilig kong sabi.
"Huh? Sinong crush mo?"
"Yung sinabi mong hindi pogi. Si Abellana."
"Medyo pogi siya, to be honest. Tsaka, anong Abellana? Javellana 'yun!" Sabi niya.
"Javellana? Sabi ni coach, Abellana." Nalilito kong sabi.
"Bingi ka ba? Javellana kaya yung sinabi ni coach. JA-VEL-LANA."
"Ah, 'yun ba ang sinabi ni coach?" Tanong ko.
"Oo nga."
"Na-misheared ko lang siguro. Maingay kasi nun eh."
"Okay lang. Basta Javellana ah, hindi Abellana. Maganda ka nga pero bingi ka naman." Okay na sana eh, sinamahan pa ng lait.
"Wow. Hiyang-hiya naman ako sa mukha mo. Oo, hindi ka bingi pero panget ka naman. Hahahahaha." Balik na lait ko sakanya. Well, hindi naman siya panget. Hindi rin siya maganda. In other words, katamtaman lang ang beauty niya.
"Ewan ko sa'yo. Bakit ba kasi ni-lait-lait pa kita? 'Yan tuloy, bumalik sa'kin." Sisi niya sa sarili niya.
"That's what they call 'KARMA'." Sagot ko sa tanong niya (?) Ewan. Hahahaha.
.
Nandito na kami sa labas ng CPC Main. Excited akong pumasok kasi makikita ko na ulit si Fred.
Nag-uumpisa na ang game pero.. hindi ko parin nakikita si Fred and I'm starting to lose my focus sa game.
"Paula, mag-focus ka! Sino ba ang hinahanap mo? Kanina kapa pa-linga-linga eh." Halaa! Galit naba si coach sa'kin?
"Coach, sub muna."
"Mamaya na."
Sigh. "Okay."
At natapos na ang laro (ni hindi man lang ako pina-subsitute ni coach -__-). Natalo kami with the score of 23-25 sa last set. Bale, nanalo kami sa second set tapos sila sa first at third.
**
"Kamusta ang game niyo, anak?" Tanong ni Mommy habang kumakain.
"We lost for the second time." I said.
"Its okay, anak. Proud parin kami sa'yo." Mom said then smiled.
"I know, Mom. I know."
.
Humihiga ako ngayon sa kwarto kong puno ng Barbies and stuffed toys habang nagtwi-twitter sa MacBook ko.
*scroll down
*Like
*Like
*scroll down
*Retweet
*Retweet
*scroll down
*scroll down
Tsk. Ang boring naman ng timeline ko. Ma-shut down na nga.
"Hay, Fred Joseph Javellana, kelan kaya ulit kita makikita?" Tanong ko sa sarili ko at di ko namalayan, nakatulog na pala ako.
******
A/N: Annyeong guys!! Sorry short update. Don't worry, mahaba na ang next update. Promise! I hope nagustuhan niyo po :)PLEASE VOTE, COMMENT, AND SHARE MY STORY. Thank you, xie xie, kamsa, salamat!
BINABASA MO ANG
His Ateneo Jersey
Short StoryThis is a short story about a girl na may gusto sa isang guy na naka-Ateneo Jersey (obvious naman sa title). Happy ending ba ito o Sad Beautiful Tragic love affair? (Naisingit pa ang lyrics ng Sad Beautiful Tragic ni Taylor Swift my idol hahaha) PS...