Nagising ako sa ingay ng mga tao sa kwarto ko.
"Mom? Anong nagyayari dito?" Tanong ko kay Mommy.
"Anak, gising kana pala. Nag-iimpake na kami ng mga damit mo dahil pupunta tayong States." Naka-ngiting sabi sa'kin ni Mommy.
"W-what?! Anong gagawin natin sa States?"
"Magpapa-gamot ka, Paula Janine." Napalingon ako kay Daddy sa sinabi niya.
"Huh? Eh ano pa ba ang ginagawa ko dito ngayon sa hospital? Diba nagpapa-gamot? Bakit ba kailangan sa States pa kung pwede naman dito?" Nalilitong tanong ko sakanila.
"Anak..." Mahinang saad ni Mommy sa'kin.
"Mom, Dad, please explain. I'm so confused right now."
"Anak, kasi..."
"ANO BA?! CAN'T YOU GUYS GO STRAIGHT TO THE POINT? PINAG-MUMUKHA NIYO AKONG TANGA!" Sigaw ko.
"'Wag na 'wag mong sisigawan ang mommy mo, Paula Janine Rodriguez." Ma-otoridad na sita ni Daddy sa'kin.
"I-explain niyo na kasi. Please. Ayaw kong umalis ng bansa. Hindi pa namin na-ce-celebrate ni Fred ang Anniversary namin." Mahina kong sabi.
"Kung noon ay 50/50, 75/25 nalang ang chance na maka-survive ka sa sakit mo. Kumalat at dumami na ang cancer cells sa katawan mo kaya kailangan mong umalis papuntang States kung gusto mo pang mabuhay." Sabi ni Daddy at umalis ng kwarto. Doon na lamang nag-sink-in sa'kin ang mga sinabi ni Dad.
"...75/25 nalang ang chance na maka-survive ka sa sakit mo."
"...75/25 nalang ang chance na maka-survive ka sa sakit mo."
"...75/25 nalang ang chance na maka-survive ka sa sakit mo."
Hindi ko mapiligang umiyak. Umiiyak ako hindi dahil mawawala na ako dito sa mundo kundi dahil maiiwan ko si Fred.
"Tahan na, anak. Makaka-sama sa'yo 'yan."
"M-mom, h-hindi ko k-kayang iwan d-dito si F-Fred. M-mom, h-hindi ko k-kaya." Sabi ko kay Mommy at umiyak ng todo.
"K-kung ayaw mo siyang iwan, pupunta tayong States para magpa-gamot, okay?"
"O-okay, mom. P-pero p-pwede bang mag-paalam muna a-ako sa-sakanya?" Tanong ko kay Mommy at marahan naman siyang tumango.
.
Mamaya na kami aalis nina Mommy at Lola papuntang States. Maiiwan dito sina Dad at Ryan dahil may trabaho si Dad at ang kapatid ko naman ay nag-aaral. Gusto niya sanang sumama pero ayaw ko. Hindi ko gustong huminto siya ng pag-aaral this School Year dahil lang sa sakit ko. Sinabihan ko naman siya na pwede siyang bumisita sa'kin and he was happy about it naman.
Ilang oras nalang ay aalis na kami at hindi pa ako nakakapag-paalam kay Fred.
Tinext ko ang kaibigan niyang si Kuya Brix kung saan siya ngayon at sabi naman ni Kuya, nasa bahay lang daw siya.
"Nasa bahay daw si Fred. Aalis muna ako saglit. Magpa-paalam lang ako." I announced.
"Best, samahan kita."
"Huh? Hindi na. Baka hanapin ka ni Charles." Angal ko.
"Ehh, okay lang 'yun sakanya. Tara na." Pagpipilit niya sa'kin.
"Hay, sige na nga. Mabuti naman at libre ang pamasahe ko. Hahahaha!" Natatatawang saad ko.
Hindi na kami nag-aksaya ng panahon, dali-dali kaming sumakay sa Montero ni Beah (binawalan na kasi ako ni Dad na mag-maneho) at pinuntahan siya sa bahay nila.
BINABASA MO ANG
His Ateneo Jersey
Short StoryThis is a short story about a girl na may gusto sa isang guy na naka-Ateneo Jersey (obvious naman sa title). Happy ending ba ito o Sad Beautiful Tragic love affair? (Naisingit pa ang lyrics ng Sad Beautiful Tragic ni Taylor Swift my idol hahaha) PS...