Andito ako sa kwarto ko ngayon, Kakatapos ko lang gawin ang morning routine ko pero wala parin akong lakas na bumaba, Kinikilig parin kasi ako kay alden hahaha. Hindi ko akalain na pupunta talaga sya rito, Bababa na ba ako readers? Waaah! Makababa na nga."Oh meng kain na" Yaya sakin ni Mama.
"Opo ma" Bakit ganun? medyo kinakabahan ako.
Pagtapos namin kumain ay nagpunta kami ni alden sa garden.
"Alden, Hindi ko akalain na pupunta ka talaga dito?"
"Hahaha! Kala mo naman nagbibiro ako, Eh sabi mo kasi pumunta ako kaya eto pumunta ako" Pabirong sabi ni Alden
Hahaha! Oo nga naman sinabi ko yun.
"Paano ba yan maine, Payag na ang Mama at papa mo" Sabi ulit ni alden sakin
"Hahaha! Oo na! Manligaw ka na po Mr.Richard Faulkerson"
"Hahaha! Opo Ms.Maine Mendoza"
"Praning, Tara punta tayong park" Yaya ko kay Alden,
Medyo bored na kasi ako dito sa garden, Pero bago kami umalis ng bahay nagsuot ng salamin at sumbrero si alden para ipang disguise lam na, Sikat to mga brad.
"Tara"
Nagulat ako ng hawakan ni alden yung kamay ko.
"Alden, Manliligaw palang kita, Hindi PA kita boyfriend"
"Ayy! Oo nga pala" Sabay bitiw sa kamay ko hahaha!
"Funny ka eh no? FUNNYWALAIN"
"Grabe sya" Sabi ni alden,
Hahaha! Ang cute ng pagkakasabi nya nun! Kakilig :)
(Park)
Andito kami sa park ngayon ni alden, Kain lang kami ng kain gaya ng fishball, kwek kwek, chicken at squid ball, Dirty ice cream. hahaha pero syempre libre lahat yun ni alden."Maine,Hatid na muna kita sa inyo may biglaang photo shoot eh, sorry" Sabi ni alden sakin na mukhang dissapointed.
"Ayy! Osige alden, Ingat ka dun ha" Sabi ko kay alden na medyo malungkot.
"Tawagan kita mamaya, okay?"
"Okay"
Hinahatid na ako ni alden ngayon sa bahay, Walang nagsasalita samin sa loob ng kotse nya, hindi ko magawang kausapin si alden kasi medyo nalulungkot ako kasi saglit palang kami nagkakasama ngayong araw, hays -_-
Alden's Pov.
Kitang kita sa mukha ni maine ang pagkalungkot ng sinabi kong may photoshoot ako, Wrong timing namin kasi eh. Nakakainis, Nalungkot tuloy yung mahal ko <3 babawi ako sa kanya bukas promiseeee!Andito na kami sa may tapat ng bahay nila maine, Ako ang unang bumaba para pagbuksan ko ng pintuan si Maine, Dagdag pogi points din yun :D hahaha! Pero bat ganun ang lungkot parin nya. Wag na lang kaya ako tumuloy sa photoshoot
"Meng, Smile ka na oh, Gusto mo ba hindi na ako tumuloy sa photo shoot para makasama ka" Sabi ko kay meng na medyo malungkot ang boses ko.
"Hindi alden ayos lang pumunta ka, Pero sisiguraduhin mong babawi ka ha" Sabi sakin ni menggay,
Yun ngumiti din ang babaeng mahal ko hahaha, Bawi lang pala gusto nya eh, Hintay sya bukas bawing bawi ako sa kanya, sigurado :)
"Sige maine pasok ka na loob, Ingat ka ha <3"
"Opo Mr.Faulkerson, Ikaw din mag ingat ha, Lalo ka na"
Kinilig naman ako sa sinabi ni maine hahaha, Masyadong bakla pero promise kinikilig ako
"Bye, Ms.Mendoza and soon to be Mrs.Faulkerson"
Sumakay na ako ng kotse at hindi ko na hinintay na magsalita si maine kasi sigurado akong manghahampas yun dahil sa kilig hahaha, Ang mahal ko talaga sadista :)

BINABASA MO ANG
Atm (Alden to Maine)
FanficALDUB FAN KA BA? Kung Oo basahin mo ito, Hindi ka tunay na aldub nation kung hindi mo mababasa to. Hahaha! Si Maine ay isang simpleng babae na may gusto kay alden. Si Alden naman ay isang sikat na artista. Pano kung ligawan ni alden si maine? Sasag...