Menggay's Pov.
To: Alden
Alden, Uwian na kami. Ano gala pa ba tayo?From: Alden
Wait mo ako sa school nyo. Sunduin kita! 10 MinutesTo: Alden
Sige, Ingat kaUmupo muna ako sa bench para hintayin si alden. Hayys! Tagal nya ha~
"Beeeest" Sigaw ko ng makita ko ang bestfriend ko
"Uy bat andito ka? Ang aga mo ata lumabas ng school ngayon"
"Ahh, Hinihintay ko kasi si Alden eh, May date kami"
"Hahaha! Alam mo best funny ka, Kayo magda-date? Eh hindi ka nga kilala ni alden." Sabi sakin ng bestfriend ko ng pabiro pero halata kong totoo yun.
"Grabe ka! Hintayin mo lang makikita mo susunduin nya ako" Pagmamayabang ko sa kanya
"Assuming ka best. Hindi na wala akong panahon sa alden na yan"
Ang yabang talaga ng babaeng yon! Di ko alam bakit naging bestfriend ko yun eh. Hayss! Alden nasaan ka na ba?.
Alden's Pov.
Nagaayos ako ng gamit ngayon baka sakaling matuloy kami ni Maine ng biglang nag vibrate ang phone ko, Sino kaya yung nagtext? Si maine kaya?
From: Maine
Den, Uwian na kami. Ano gala pa ba tayo?To: Maine
Wait mo ako sa school nyo. Sunduin kita! 10 MinutesFrom: Maine
Sige, Ingat kaMag ingat daw ako, Ayyie nagaalala sya sakin. May boyfriend kaya sya? Pag wala kaya pwede ko syang ligawan? Hayss! Nakakatakot baka mabusted lang ako. Pero hindi ako susuko, Manliligaw akoooo! At walang makakapigil sakin.
Maine's Pov.
Nakakaimbyerna naman yung babaeng yon kala mo kung sinong maganda. Bakit hindi ba ko pwedeng pansinin ni alden? Porket haters sya eh, Kung hindi ko lang bestfriend yun eh sinabunutan ko na yun hayys nakakainis."Oh? Ang lalim naman ng iniisip mo?" Biglang sulpot ni alden.
"Eh kasi naman yung bestfriend ko nakakainis grr!"
"Easy ka lang maine, hayaan mo na yun, Wag mo na isipin, ang isipin mo na lang magkasama tayo" Kinilig ako dun ha! Si alden pa-fall
"Sus, Sige, San gala natin?"
"Saan mo ba gusto?" Saan ba maganda?
"Sa bahay nyo (bulong)"
"Anong sabi mo maine saan mo gusto pumunta?"
"Huh? Sabi ko kain muna tayo bago gumala, Tomguts na ako eh" Palusot maine palusot.
"Ahh kala ko kung saan eh, Tara ano gusto mo kainin?"
"Isaaaaaaaaaaaw"
"Wow! Hyper ha~ Sige tara"
Pov ni Meng.
Andito kami sa isawan ngayon ni alden. Grabe ang takaw nya pala sa isaw hahaha! Tinalo nya pa ako."Alden, easy ka lang"
"Hahaha Sorry maine, masarap pala to. Pag sa bahay kasi hindi ako pinapakain ng ganto masama daw"
"Grabe naman, Masarap naman diba? Pano ba yan araw araw na tayo dito?"
"Hahaha! Sge pag maluwag schedule ko"
Yaaaay! Ibig sabihin araw araw kaming magkikita waaaah!
"Sige, Oh eto pa alden, Bili lang ulit ako, Takaw mo eh"
"Grabe sya, Sige gusto mo samahan kita?" Papayag ba ako?
"Ayy hindi wag na, KUMAIN KA NA LANG DYAN, Mr.Takaw"
"Mr.Takaw ka dyan, Sige na bumili ka na, Balik ka agad ha"
"Opo boss"
Pag balik ko sa pwesto namin ni Alden, Nakita ko syang hindi talaga tinatantanan yung Isaw hahaha! Mga artista nga naman.
"Mr.Takaw, Easy ka lang sa pagkain" Loko ko kay Alden, Nakakatuwa talaga sya, Halata sa kanya na sarap na sarap sya sa isaw.
"Hahaha! Sorry maine, Masarap kasi eh" Sabi nya ng may malaking ngiti.
"Halata alden, Oh eto pa ubusin mo" Binigay ko sa kanya ang 10 pirasong isaw.
Habang kumakain kami ni alden, Hindi ko maiwasang mapangiti kasi akalain mo yun, Idol mo lang dati tapos ngayon kaibigan mo na, Yiipie, Ang saya talaga. Sana mas lumalim pa yung pagtingin nya sakin, Yung tipong ihahatid nya ako sa bahay pauwi, Sasabihan nya ako ng "Babe, kumain ka na ba?" "Nakauwi ka na ba?" "Mag ingat ka po ha" at higit sa lahat "I love you" Ang sarap sa feeling na maging kami ni alden. Kelan kaya darating ang araw na yun :)

BINABASA MO ANG
Atm (Alden to Maine)
FanfictionALDUB FAN KA BA? Kung Oo basahin mo ito, Hindi ka tunay na aldub nation kung hindi mo mababasa to. Hahaha! Si Maine ay isang simpleng babae na may gusto kay alden. Si Alden naman ay isang sikat na artista. Pano kung ligawan ni alden si maine? Sasag...