18

107 3 0
                                    

Andito kami ngayon ni alden sa enchanted kingdom, Ang una namin sinakyan syempre up up and away muna para hindi masyadong nakakakaba hahaha! Next is Disc-O Magic, Yung tipong mapapasigaw ka nalang ng "ALDEN IUWI MO NA AKO, AYOKO NA DITO" pagkakaba namin sa nakakahilong rides na yun ay dumaretso naman kami sa Space shuttle, Nakakakaba din hahaha, Bat ganun mga rides dito ha puro nakakasuka :) Pagkatapos namin sa space shuttle ay naisipan namin ni alden kumain, nagutom kami pareho sa kakasigaw.

Marami pa kaming sinakyan ni alden kagaya ng juggle log jam, Rio grande, Extreme tower, Anchors away, Bump cars at Roller Coaster pero ang pinaka gusto ko sa lahat ng sinakyan namin ay ferris wheel alam nyo kung bakit? Kasi habang nasa may tuktok na kami bigla nya na lang sinuot sakin ang "INFINITY RING" namin, Ang cute~

Pauwi na kami kasi masyado ng gabi, 8:57 na kasi baka hinahanap na ako at pati si alden, Baka mapagalitan pa kami naku, Patay!

Pagkauwi namin sinalubong agad kami ni daddy.

"Alden, bat ngayon lang kayo umuwi? San ka pumunta?" Pagtatanong ni daddy kay alden.

"Sa enchanted kingdom po tito, sorry kung hindi ko agad nauwi si meng, Traffic at nagenjoy po kasi kami, Sorry po" Sagot naman ni alden

"Ahh, okay, Sige na alden umuwi ka na masyado ng late, ikaw meng kumain ka na ba? Magpahinga na kayo, May bukas pa" Sabi samin ni daddy

"Opo daddy kumain na po ako" Nakapagsalita din ako, ang akala ko kasi papagalitan na ako ni daddy

"Uwi na po ako tito,Goodnight po" Pagpapaalam ni alden

"Daddy hatid ko lang si alden sa labas"

Tumango naman si daddy.

Habang naglalakad kami papunta a gate

"Uwi ka na alden, Bye kita tayo bukas. Goodnight i love you" Pag papaalam ko kay alden

"Goodnight meng, I love you" Sabay kiss sa cheeks ko.

"Oy! tama na yan kotang kota na kayo" Sigaw ni daddy.

Naku! Sumunod pala si daddy hahaha.

"Sige na alden, Bye"

Sumakay na sa kotse si alden at pinaandar.

Atm (Alden to Maine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon