BTIAH
An: this chapter is dedicated to redbetelgeuse. hayun. Push natin tong story kahit slow update na ha? :")) suportahan pa rin po ninyo sana..AT SANA MAG-UPDATE NA RIN YUNG MGA KARA-GRETHCEH@FILLE na binabasa ko.lols.nanawagan e.
Happy reading guys. I know we can do it. Lols
---
ARA's pov
Nung makatulog na si Mika ay umakyat ako dito sa rooftop. Gusto ko munang magmuni-muni. Nung mga panahong nasa Bulacan ako akala ko ok ang sitwasyon niya sa family niya gaya ng sinabi niya sa akin. niyakap ko ang tuhod ko habang nakapatong dito ang noo ko.
"insomnia?"narinig kong sabi ni Ate Cha. naupo ito sa tabi ko."emo place talaga ang mga roof top no?"
Hindi ako umimik.
"makikinig ako... huwag kang mahihiya."
"ate cha? si Mika kasi..."pagsisimula ko.
"alam mo na rin?"
Tumango ako."kasalanan ko to ate e..kung hindi naging kami hindi siya itatakwil ng mga magulang niya..."
Nag-squat siyang naupo."yun mismo ang ayaw ni Mika na isipin mo kaya hindi niya agad sinabi sayo..."pagpapaliwanag niya."Ara...ginagawa ni Mika to dahil gusto niyang patunayan sa mga magulang niya na worth it magsacrifice para sa relasyon niyo...ganun ka niya kamahal... she's not thinking of her wealth..."
"kanina nung sinabi niya yung nagnyari nung araw na tinakwil siya ne hindi siya umiyak...pakiramdam ko sinusuway niya sina tito dahil lang sa akin..."mangiyak-ngiyak kong sumbong.
"Ara... kung mahal mo ang isang MIKA REYES hindi pwede ang soft hearted dito... Reyes yan... at yung Reyes na minamahal mo handang iwan ang karangyaan ng buhay para sayo... dahil masaya siya sayo..."
"anong gagawin ko? gusto kong kausapin ang mga magulang niya Ate Cha... "
"anong gagawin mo kung sabihing hiwalayan mo si Mika?susunod ka?"
Hindi ako nakasagot. Mahal ko si Mika. "ewan ko..."
"kakayanin ni Mika yan basta lagi kang nasa tabi niya..."
Nabalot ulit kami ng katahimikan. Gulong-gulo ang isip ko. parang walang patutunguhan ang pakiramdam ko. bumalik na kami sa second floor.
Pagpasok ko ng kwarto ay gising na si Mika at nakasandal sa dingding. Tinabihan ko siya at sumandal siya sa balikat ko."sakit ng ulo ko..."
Pinahiga ko siya at umunan sa lap ko. minasahe ko ang ulo niya."moy... may work ka bukas?"
She nodded."bakit?"
"wala... anong gusto mong ulam pag-uwi mo?"
Nagmulat siya at ngumiti."live in ba to Moy? Asawa lang?"
Diniinan ko ang pagmamasahe sa ulo niya."ayaw mo? hiya naman ako sa pagod mo no?" mahal ko tong bakulaw na to. kung sa ganong paraan mas mapaparamdam ko yung appreciation ko sa sacrifices niya gagawin ko. cute rin naman yugn set up namin no? uuwi siya from work tapos ako magluluto for her.
Pumikit ulit siya."pagod ka rin sa traning nun e... kahit ano na jan basta hindi matrabahong iluto... saka mas makakatipid tayo pag para sa team yung foods natin lagi.hehe."
BINABASA MO ANG
Be There In a Heart Beat (SPIKER SERIES)
Fanficanother Ck-Mode story. The Sequel of SPIKE THAT. Love Love click start reading if you are interested. :')