7 Years akong tumira noon sa US. sa 6 years na iyon marami akong nakadate na lalaki. Yung limang lalaki na naka date ko. Hindi nag work, kasi siguro may mga bagay akong hinahanap na wala sakanila.
Then I met Andrei. I dated this guy. Sa lahat ng naka date ko. Siya lang yung nag standing. Siya kasi yung tipong lalaki na hihilingin ng lahat ng babae. As in sweet siya sa lahat ng bagay. Matalino, mabait, gwapo. Basta lahat na ng positive na katangian nasa kanya na. I thought siya na forever ko.
Siya rin kasi yung tipong boyfriend na hindi BI. Siya pa nga mismo nanghihikayat sakin pagbutihin ang pag aaral pag may mga times na gusto ko nang sumuko. Sinagot ko siya nung November 18.
Tumagal ng 4 years yung relationship namin. Masayang masaya kami sa buhay namin. Kontento kami sa kung anong meron saamin.
Alam ko. Hindi kapanipaniwala na masyado kaming masaya sa relasyon namin. Oo. May mga times na nag kakatampuhan kami. Pero dahil sa mga maliliit lang iyon na bagay.
Kada mag se-celebrate kami ng monthsary namin, hindi siya nauubusan ng surpesa. Sa 4 years na pagsasama namin. Pinaramdam niya sakin kung paano makuntento sa kung anong meron kami. Sa kung anong natatanggap namin. Wala kaming problema sa buhay. Kung meron man. Nasu-solusyon-an naman namin.
Hanggang sa dumating yung araw ng December 18..
49th monthsary namin nun. Lumabas kami para magdate. Usual date lang naman para samin yun. Kain sa labas. Nood ng sine, laro sa kung saan saan. At manood ng fireworks.
Pauwi na kami noon galing mall. Nag uusap kami tungkol sa pinanuod namin sa sine. Tungkol kasi iyom sa nakakatawang babae na nag hahanap ng lovelife.
Habang nag dadrive siya tumatawa kami tapos yung isang kamay niya nakahawak sa kamay ko.
Sa sobrang engkanyo ng pag uusap namin. Hindi namin namalayan na may truck na nawalan ng preno ang bumangga samin.
Tumama yung ulo niya sa salamin ng kotse niya. Tapos ako nawalan ng malay.
Nagising nalang ako na nasa hospital na kami.
Pasa at galos lang ang natamo ko kaya mabilis lang akong nadischarge.
Pero siya...
Nakita ko siya sa kanyang kama tulog. May bandage siya sa ulo niya..
Sabi ng mommy niya may na-discover daw yung mga doktor.
He had a surgery. Nagkaroon siya ng hematoma.
It was a succesful operation..
After the surgery. The doctor's we're doing some test to make sure na okay na siya..
But they found something worst...
He was diagnosed with brain tumor stage 4.
At binigyan nalang siya ng buwan para mabuhay.
Nung nalaman ko yun, hindi ko alam kung anong ire- react ko. Yung mundo ko parang gumuho...
Gusto kong umiyak nalang ng umiyak, pero iniisip ko kailangan kong magpakatatag at maging malakas para sakanya.
Para saamin...
Nangako ako sakanyang hindi ko siya iiwan at lalaban kaming dalawa.
Lagi akong kasama pag nag ke-chemo siya. Halos araw araw iyon..
I saw how much he was suffering.
Napakahirap para sakin na makita siyang ganoon.
But then. I promised him . I'll be there for him.