Chapter 1

15 0 0
                                    

Dear Samuel.

4 Years... Apat na taon nadin pala simula ng umalis ako sa lugar na to. Apat na taon narin palang nakakulong sa puot at galit ang puso ko. Apat na taon, apat na tao, apat na masasamang tao na bumaboy sa pagkatao ko...

Muling nanumbalik lahat ng sakit na akala ko nawala na sa puso ko, mga luhang muling bumagsak sa mga mata ko sa tuwing bumabalik lahat sa isip ang mga masasamang pangyayari sa lugar na to.

Agad na sinarado ni Sam ang notebook niya. Hindi niya kayang magsulat habang inaalala ang mga bagay sa nakaraan niya, masyado pa itong masakit kahit apat na taon na itong tapos. Buong akala niya limot at burado na ito sa puso't isip niya. Ngunit nagkamali siya.

SAM!!!!!!

Agad na nakilanlan ni Sam ang boses na tumawag sa kanya. Agad rin naman niyang nilingon ito.

"Nandito ka lang pala, kanina ka pa namin hinahanap nila Tito Jes. Anong oras palang daw kasi umalis kana sa bahay tingnan mo kung anong oras na halos mag aalas singko na. Paupo muna ha.?" Halos walang prenong pagsasalita nito.

Isang malungkot ngunit magandang ngiti naman ang sinagot ni Sam sa kaibigan niya. Wala siyang ganang magpaliwanag o sumagot man lang dito.

"May problema ba? Umiyak ka ba? Naalala mo nanaman ba sila?" Pagtatanong nito.

Hindi na mapigilan ni Sam ang nararamdaman ayaw man niyang umiyak sa harap ng kaibigan niya pero wala na siyang nagawa bumagsak ang mga luhang kanina pa niyang pinipigil lumabas.

"Ang sakit parin pala Kurt, ang sakit sakit. Alam mo ba habang binabaybay ko ang lugar kung saan ako lumaki at pinanganak hindi ko maiwasang hindi maluha pero pinipigilan ko yun ayoko namang pagtawanan ng mga tao baka akalain nila baliw ako." Natawa pa siya habang umiiyak. Tumigil siya sa pagkukwento nagpunas ng luha at huminga ng malalim bago pinagpatuloy ang pagsasalita.

"Pero nung makita ko yung lugar na yun, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hindi ko kayang tingnan ng matagal piling ko mentrans na tinitingnan ko ito lalong bumibigat at sumasakit ang pakiramdam ko. Bumabalik lahat ng sakit na akala ko wala na. Pero sinabi ko sa sarili ko na tapos na yun lahat masakit pero kailangan kong harapin ang sakit nayun, ngayong bumalik nako sa lugar nato pinapangako ko sa sarili ko na babalikan ko lahat ng masasamang tao na humayop sa pagkatao ko." Matigas na pagkakasambit nito

Niyakap nalang siya ng kaibigan niya upang maramdaman nito na hindi siya nagiisa sa laban ng buhay niya.

"Sali ako diyan ha, basta ako ang tagabug-bug tapos ikaw taga tawa, tapos taga bigkas ng mala pinikulang mga linya." Sambit ng kaibigan niya at nakangiti sa kaniya.

"Smile kana, kaya mu yan yung apat na taon nga nakaya mo ngayon pa kaya?" dugsong pa nito.

"Salamat Kurt dabes ka talaga." Yumakap na din siya dito at napapangiti sa tuwing naaalala lahat ng nagawa ng kaibigan niya sa loob ng apat na taon.

**

"Kurt, wheres Sam?"

"Room. Tito"

It was his Tito Jes, ang tumayong tatay at nanay nila ni Sam. Ito narin ang kumupkop sa dalawa sa nakalipas na apat na taon.

"Paupo iho ha."

"Sure tito."

"May napapansin ka bang iba kay Samantha? May problema ba siya?." Pagtatakang tanong nito sa kanya.

"Like what tito?"

"This past few days kasi laging nakasimangot at hindi maipinta ang mukha ng batang yun."

StargazerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon