Chapter 3

3 0 0
                                    

"Hi."

"Kurt! Wala ako sa mood."

"Fine. Pero mukha ka talagang Zombie."

Tiningnan ko lang siya ng masama. Sapat nayun para iwanan niya kong mag-isa. Zombie? Am I that worse para magmukang living dead?

Hindi ako makatulog ng maayos sa tuwing naaalala ko yung mukha niya. Nakukuha niya pang tumawa? Wala ba siyang kunsensya, ganun ba talaga siya kasama?

Pagkatapos kong makita yung pagmumuka niya sa Coffee shop hindi na mawala sa isip ko yun. Galit ako, galit na galit ako pero bakit nasasaktan ako sa tuwing iniisip ko na galit ako sa kanya, sa kanila. Tanga bako? Bakit ako nasasaktan? Kasi Mahal ko pa siya? Kasi kahit anong tanggi ko sa sarili ko na wala na, umaasa parin ako na meron pa? Mali e maling mali. Ginamit lang niya ko. Ginawa niya lang ako sunod-sunuran sa kanila. Kaibigan ba talaga sila?

*Flashback 2007*

"Hey. Bakit ka nagiisa diyan?"

First day ng klase ko sa school na inenrolan sakin ng Step mother ko. Siya din yung nag ayos ng mga gamit at kung anong kakailanganin ko. Ayoko sa school na to eh, Wala naman akong magawa dahil pati ang sarili kong tatay hindi ako maipagtanggol para saan pa yung pagpilit ko sa gusto ko?

"Are you deaf? Fine. Kung di ka titingin sakin hahalikan kita."

He smile when i look at him. Ang gwapo niya. Wait? What? Hahalikan? Fuck no!

"Excuse me? Hindi mo ba ko nakikita? We'--"

"Hindi tayo parehas. So? Friend?" sabay offer ng kamay niya.

"Thanks but no thanks. I'm sorry."

Saka ko kinuha yung mga gamit ko sa tabi ko at tumayo. Wala akong panahon makipag-usap na sa kahit na sino. First day ng class kaya wala pang masyadong ginagawa. Ewan ko ba mali atang school ang napasukan ko.

Dumiretso ako sa library, wala rin naman akong mapupuntahan. I dont have friends i dont have anyone here so? Mag-isa ko. Nagikot-ikot ako sa buong room daming libro. Library eh. Haha. Parang gusto ko nalang na dito na tumira.

"Hi."

Tiningnan ko kung sino yung nag-hi sa likod ko. Hindi nako nagtaka nung nakita ko siya alam ko naman na sinusundan niya ko.

"Mr. hindi kita kilala, kaya please leave me alone."

"Miguel. Miguel Dela Cruz." then he offer his hand again... and smile.

"Nice name, pero wala talaga akong balak makipag-kaibigan sayo o sa kahit na sino man sa school na to, so fuck off dude."

"Oh. Ang sungit mo naman. Ako na nga nakikipag kaibigan ikaw pa masungit."

Fuck! Ayaw ba niya talaga ako tan-tanan. Hindi ata to nakakaintindi ng tagalog eh. Nakakairita. Hindi na lang ako sumagot. Kinuha kuna lang yung mga books na hihiramin ko sa library at aalis ng maka-iwas sa pesteng lalaking to.

Sa garden ng school ako pumunta, ang ganda kasi ng mga bulaklak dito. Halos lahat ng bulaklak na nasa garden kilala ko pero yung isa? Hindi pamilyar. Nilapag ko yung mga gamit sa batong lamesa na nakatayo malapit sa may mga bulaklak. Lumapit ako sa bulaklak na nakaagaw ng atensyon ko.

"Ang ganda mo naman, ano pangalan mo?'

Baliw? Ako yun. Hindi ko alam kung pag sumagot ba yung bulaklak na hawak ko eh kakaripas ako ng takbo o tatawa. Literal na baliw.

"Stargazer."

"What? What did you say? No Sammy, baliw ka hindi nagsasalita ang bulaklak. Wake up."

StargazerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon