Miguel's POV.
"Kevin. Nakita mo si Sam?"
"Hindi eh."
Pagkatapos ng program sa school hindi ko na nakita si Sam. Di ko alam kung saan nagpunta'y batang yun. Napagdisisyunan kong umalis nalang ng school tatawagan ko nalang siya. Yayayain ko pa naman siyang kumain para makapag celebrate narin kami. Si mama narin kasi ang nagsabi na dapat mag celebrate kaming magkapatid.
Apat na taon. Pero hindi parin alam ni Sam ang totoo. Gustong-gusto kunang sabihin sa kanya pero ayaw ni Mama. Gusto niya siya ang magsasabi kay Sam. Hindi nalang din ako nagreklamo. Kahit hindi ko sabihin kay Sam na kapatid ko siya pinaparamdam ko yun sa kanya. Kaya nga masayang-masaya ko nung sinabi niyang para na niya akong nakatatandang kapatid. Kahit oras lang ang pagitan ng Birthday namin kung tutuusin naman parehas lang kami ng birthday. Kambal nga diba? Na una lang ako ng ilang minuto sa kanya.
Palabas na ako ng School ng mapansin ko ang sasakyan ni Mama. Pati si Sam nandun. Pero hindi ko inaasahan ang nakita ko. Gustong gusto kong pausadin yung sasakyan ko pero di ko magawa. Nararamdaman kong naninigas ang buong katawan ko. Hindi ako makagalaw.
Ilang putok ng baril ang bumasag sa katahimikan sa buong paaralan. Kitang-kita ko ang pagbagsak ni Sam sa lupa. Bakit si Sam? Si mama? Anong nangyayari? Pinapanuod ko lang tumakas yung mga taong bumaril sa kapatid at sa mama ko. Wala akong magawa, hindi ko na mapigilang umiyak. Unti-unti akong lumapit sa kanila. Parehas silang walang malay. Pero si Sam ang dami niyang tama ng bala. Nanginginig na'y buong katawan ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Jesus Christ!"
"Anong nangyari?"
"Omg."
"Tumawag na kayo ng ambulansya!"
Padami na ng padami ang mga taong lumalapit samin. Nakatingin lang ako sa kanila. Bakit? Bakit wala akong magawa?
Hospital.
Bakit ang sakit ng buong katawan ko? Ano bang nangyari? Unti unti kong dinilat ang mga mata ko. Hospital? Yan agad ang unang pumasok sa isip ko ng makita ng mga mata ko kung nasan ako. Pero bakit? Sinubukan kong alalahanin ang mga nangyari pero bigo ako. Bakit wala akong maalala?
Isang nurse ang nakaagaw ng atensyon ko ng bigla siyang magsalita. Kung ano-ano ang tinatanong niya. Wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya. Ano ba talaga ang nangyayari?
"Okay na ba siya Nurse?"
"Opo sir. Kailangan niya lang pong inumin ang mga nireseta sa kayang gamot."
Umalis yung nurse na kausap nung lalaking pumasok sa kwarto ko. Sino siya? Bakit nandito siya?
"Hi. Sam. Akala ko hindi ka na gigising eh. Halos magdadalawang linggo ka ng natutulog diyan."
Nakangiti siyang lumalapit sakin at niyakap ako. Ano bang pinag-sasabi ng lalaking to. Gustong gusto kong kumalas sa pagkakayakap niya pero wala akong lakas ni hindi ko nga maigalawa mga kamay ko. Pinagmasdan ko lang siya. Kilala ko ba talaga siya?
"Nagugutom kaba? Ano gusto mong kainin?"
Nakatingin lang ako sa kanya. Pinipilit kong alalahanin kung sino siya pero walang pumapasok sa isip ko na halintulad sa kanya. Sumasakit lang ang ulo ko sa ginagawa ko.
"Hi."
"Hi mom." nakangiting sagot nito sa babaeng pumasok sa kwarto.
"Kamusta na'y kakambal mo?"
![](https://img.wattpad.com/cover/54904298-288-k72628.jpg)
BINABASA MO ANG
Stargazer
FanfictionAno ang kayang gawin ng puot at galit? Handa ka bang maging ibang tao para sa mga ito. Para sa mga pangarap mo? Hindi palaging paghihiganti ang sagot. Hindi rin lahat ng kwento nagtatapos sa masayang yugto. Sino ang totoo? Ano ang katotohanan? Kanin...