"What the fuck?" takang pabulyaw ni Miguel. Sa harapan niya ko kasi nilapag yung pagkaing inorder ko para sa kanya.
"Thankyou Ate. Diba may sukli pa kong 30 sayo kasi bali naka 70 lang ako tapos 30 ulit? 10 nalang kulang. Mamaya ko nalang iaabot salamat po."
She nodded.
Konti nalang magiihit na talaga ako ng tawa sa lalaking to. Akala mo babae na nakakita ng nakakadiring bagay. Grabe!
"Migs. Kumain kana masarap yan. Trust me" nginitian ko lang siya.
"No way. Sam. Di ko kakainin. What if--"
"What if what? Sh. Miguel kung madumi ba yan sa tingin mo kakainin ko? Sa tingin mo kakain din sila." Hays. Ewan ko sa taong to.
"Kung ayaw mong kainin ako kakain, itabi mo lang diyan. Pasalamat ka mabait ako ngayon dahil nasa harapan tayo ng hapagkainan." dugsong na sabi ko sa kanya.
Sumimangot lang siya sakin. Ang gwapo niya kahit nakasimangot siya. Ilang beses na palipat-lipat ang tingin sakin at sa pagkaing nakaharap si Miguel. Hindi ko na siya pinansin bahala siya. Basta ako kakain ng kakain. Yeheeyy. Pangatlong kanin ko na to pero di parin ako nabubusog, di parin kinakain ni Miguel yung pagkain niya.
"Ang lakas mo kumain daig mo pa ko."
"Wala kang paki."
Kain ulit. Haha. Matakaw ako? Fine. Bakit? Ang sarap kumain kaya. Kain lang ako ng kain si Miguel ewan ko bahala siya. Magutom siya kakapanuod sakin kumain.
"Kain na din ako. Nakakatuwa kang panuorin kumain eh. Parang ang sarap sarap." Ngumiti muna siya bago niya sandukan ng kanin yung pinggan niya.
Nakahiwalay kasi yung kanin na oordirin mo saka yung ulam para karing nasa bahay. May hu-huan ng kanin. Ngumiti na lang din ako. Pinapanuod ko lang siya kumain habang kumakain ako. Sa umpisa pa unti-unti lang yung subo niya pero padami na ito ng padami.
"Masarap?"
He nodded.
Di ko na siya kinausap tinuloy kuna yung pagkain ko hanggang sa matapos ako. Tapos narin siya halos nung matapos ako kumain. Binayaran ko na din yung 10 sa tindera nilibre kuna siya tutal ako din naman ang pumilit sa kanyang kumain dito.
Nag-ayos na ko ng sarili at gusto ko ng umuwi, inaantok ako. Tatawagan ko sana si papa ng alukin ako ni Miguel na hahatid na daw niya samin. Hindi ako sumagot nagdire-diretso ako paalis ng karinderya. Nilibre kuna nga siya kahit di naman kami close tapos kakausapin ko pa siya. Wow!
"Wait. Sam. Hatid na kita. Bayad dun sa pagkain."
Ewan ko pero napakagwapo niya pag ngumingiti. Pinagmamasdan ko na pala yung mukha niya ng hindi ko napansin, may parte sa mukha niya na parang meron ako. Mag kamukha. Ewan ko. Di ko alam kung ano eh. Pero nararamdaman ko talaga meron. Haha. Baliw, di mo nga yan kilala eh. Magkakapareho pa kayo. Posible naman yun diba? Diba?
Lakad ako, Sunod naman siya. Kaya huminto nalang ako, nakakita din ako ng bendor ng sigarilyo eh.
"Kuya. Marlboro lights nga po saka pisong candy."
"Ako din po."
"Gaya-gaya." naiirita na talaga ako. Bad ba mag smoke? Hindi naman diba? Saka malaki naman nako HighSchool na ako eh.
"What do you want Miguel? Tantanan mo lang ako!"
"Friends."
"K. Pero--"
![](https://img.wattpad.com/cover/54904298-288-k72628.jpg)
BINABASA MO ANG
Stargazer
FanfictionAno ang kayang gawin ng puot at galit? Handa ka bang maging ibang tao para sa mga ito. Para sa mga pangarap mo? Hindi palaging paghihiganti ang sagot. Hindi rin lahat ng kwento nagtatapos sa masayang yugto. Sino ang totoo? Ano ang katotohanan? Kanin...