Chapter 2

2 0 0
                                    

Samantha's POV.

Ramdam na ramdam ko ang lamig na nagmumula sa Aircon ng Coffee shop. Pagkatapos naming mag lunch ni Tito Jes ay nagpaalam narin akong umalis at napag-desisyunang mag mall mag-isa. Ayoko ko mang mapag-isa pero wala akong choice busy si Kurt sa pakikipag laro ng Dota sa mga Old Classmate niya nung High school, ewan ko pero ang tagal nadin ng hindi sila magkita-kita pero nung bumalik kami ng pilipinas eh parang araw lang ang nagdaan, halos walang pinag-bago sa pagsasamahan nila. Samantalang ako eto nagmumuk-mok mag-isa dito sa coffee shop.

Isang linggo narin ang nakakalipas ng umuwi kami sa Pilipinas. Sobrang dami na ang nag bago, isa na dun ay ako.

"Hey. Are you done playing those Bullshit online game? Pwede mu na ba akong samahan, I'm still staying here in Coffee shop. So? Okay then pakibilisan lang at baka masapak lang kita. Bye." at saka ko biniba ang call.

Honestly okay lang naman kahit ako lang, sanay ako. Pero this time nakaramdam ako ng lungkot. Ewan ko ba siguro dahil narin ako lang ang nag-iisang walang kasama sa Coffee shop nato.

"Hey. Look I'm sorry. Okay? wag ka na munang magbunga-nga gutom ako." then he smile at me sabay umupo sa tabi ko.

Kitang-kita ko na naghahabol ng hininga niya itong si Kurt. Saan ba naman galing tong hinayupak nato, hindi naman siguro niya tinakbo yung lugar na to para hingalin siya ng ganyan.

"So?" pagtatanong niya.

"So what?"

"Nagugutom na kako ko, kumain na kaya tayo."

"K." wala akong sa-mood makipag-talastasan sa lalaking to. Gutom narin ako.

Nagligpit na ako ng gamit at akmang tatayo na ng may hindi inaasahang may mahagip ang mata ko na hindi ko inaasahang makikita ko sa nakalipas na apat na taon. Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko wala akong lakas, ou gutom ako pero hindi naman dahilan yun para mawalan ako ng lakas para makatayo.

Hindi ko alam ang gagawin ko, masyadong mabilis ang mga pangyayari, hanggang sa nahanap ko ang sarili ko na umiiyak. Patuloy sa pagpatak ang mga luhang akala ko ay tinakasan nako. Ang sakit, bumabalik lahat. Nagbabalikan lahit ng sakit na naidulot sakin ng taong to. Ayoko. Sawang sawa na ko masaktan, hindi ko pa kayang harapin sila... Siya.

Naunang lumabas ng shop si Kurt kaya hindi ko alam kung ano ang dapat kung gawin. Nakita kaya siya ni Kurt? Pero kung nakita naman siya ni kurt ay paniguradong pupuntahan ako nun dahil alam niyang masasaktan ako. Pero bakit wala siya? Bakit walang Kurt na bumabalik para saklolohan ako para sagipin ako sa nakakalunod na pangyayari nato.

Kailangan kong maging matatag. Pinapanalangin ko nalang na sana mawalan ng power sa shop para hindi kami mag-kita pero alam kong imposible yun. Punas ako ng punas sa mga luhang patuloy na pumapatak sa mga mata ko. Bakit ayaw niyang tumigil hindi na ko makahinga, hirap na hirap nako.

Calling: Kurt Russel Lopez

Ewan ko pero ng makita ko ang pangalan ni Kurt sa Cellphone ko ay biglang tumigil ang oras, nagkaroon ako ng pag-asa. Baliw na ba ko? Hindi ko lang talaga kaya. Agad kong sinagot yung tawag ni Kurt. Hindi ko alam kung ganun naba katagal ang oras na lumipas para tawagan niya ko. Laking pasasalamat ko na rin dahil dun.

"Hello? Kurt nandito siya--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko binabaan na niya ko.

"Omg. Sam, tahan na. Where is He? No. What I mean lets go."

Si Kurt na ang nagdala ng mga gamit ko, hindi ko alam. Para kong isang manika na bit-bit bit-bit ng isang bata at patangay lang kung saan niya ko dadalin. Nakarating kami sa sasakyan ng hindi parin tumitigil ang pagpatak ng mga luha ko. Pagod na ko. Yun lang ang alam ko gusto ko nalang humiga sa kama ko at magpahinga.

"Tumahan kana Samantha ako ang kinakabahan sayo eh." yan ang huling salitang narinig ko kay Kurt bago siya pumasok ng sasakyan at magmaneho.

Isang nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa loob ng sasakyan ni Kurt. Laking pasasalamat ko at hindi traffic kaya makakarating kami ng bahay ng maaga. Tiningnan ko ang relos ko para alamin kung anong oras na. Alas otso palang. Bigla kong naalala na dapat magdi-dinner kami ni Kurt naramdaman ko rin kumakalam ang sikmura ko.

"Hey. Can you stop the car." i ask him na hindi tumitingin sa kanya.

"Why princess? Is there something na nakalimutan mo sa Coffe shop?"

"Stop calling me Princess you Bastard. Alam mo namang--" Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil nagsalita na ulit siya.

"I know. Gusto lang kita mapangiti. So? Bakit nga?"

"Nagagalit na kasi yung Monster ko sa tiyan. Nagrereklamo na." nakaturo pako sa tiyan ko habang nakatingin sa kanya. Ewan ko pero bigla akong natawa sa sinabi ko. Tawang nasasaktan.

Hindi parin kasi maalis sa isip ko kung sino ang nakita ko sa Coffee shop. Nakaya kong kalimutan sila ng apat na taon tapos ngayon eto nanaman. Ayoko ng umiyak. Nararamdaman kong anytime tutulo nanaman ang mga taksil kong luha.

Sa isang karinderya ako dinala ni Kurt. Alam kasi niya na wala akong hilig kumain sa mga mamahaling resto. masarap nga ang mga pagkain masarap din yung presyo nakakabutas ng bulsa. Ewan ko ba. Kaya naman naming bayaran yun pero hindi ako sanay. Mas gusto ko yung ganto simple lang. Dalawang klaseng potahe ang inorder ni Kurt para saming dalawa. Pagkatapos ilapag ng tindera yung binili namin kumain kami ng tahimik. Ayoko ng kausap. Gutom ako. Ang gusto ko lang kumain ng kumain.

"Thankyou pala sa kanina."

"Walang anuman."

Tinatahak na namin ang daan patungo sa Unit ni Kurt. Ayokong umuwi sa bahay. Pagod na rin ako, ayoko namang makatulog sa sasakyan. I ask Kurt kung pwedeng sa unit na niya muna ako tumuloy. Pumayag naman siya. Alam ko rin namang hindi niya ako matatanggihan. Laking pasasalamat ko nalang talaga at dumating sa buhay ko ang isang Kurt. Kuya, Bestfriend, Tatay, o kahit anong pwedeng itawag sa kanya. Minsan nga naiisip ko na may gusto siya sakin kaya bakit ganun nalang ang pagpapahalaga niya para sakin. Pero alam ko namang imposible yun. At kahit kailan hinding-hindi mangyayari yun.

"Mauna na ako Sam. Okay kalang ba talaga dito?"

"Ou. Daanan mo nalang ako bukas, ikaw nalang din bahala magpaliwanag kay Tito Jes."

"Sige. Mauna nako. Iwanan ko nalang yung susi ng kotse just in case na gusto mong umalis." Ngumiti na muna siya bago tuluyang umalis.

Mag aalas-diyes palang pero parang ang lalim na ng gabi. Nakahiga lang ako sa kama nagiisip ng kung ano-ano. Paano kung magkasama-sama nakami. Handa na ba talaga ko? Ayoko na. Ayoko ng bumalik sa nakaraan ko. Wala naman talaga sa isip ko ang balikan sila. Masaya na ko sa buhay ko ngayon, pero merong side ng puso ko na gustong-gusto silang pagbalikan. Yung galit, pagtitiis, at pagmamaltrato na inabot ko sa kanila. Napatawad ko na sila matagal na pero bakit nakakaramdam ako ng ganito?

"Malapit na. Malapit na malapit na."

-

StargazerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon