Kabanata 1 - Ang Paghanga

476 6 0
                                    


Ang Diyosa ng Buwan ay nagngangalang Luna, siya ang pinakatanyag na mandirigma sa lahat ng nilikha ni Bathala, taglay nya ang talino at kagitingan na walang sinuman ang makakapantay. Si Solera ay ang Diyosa ng Araw siya ay puno ng pagmamahal at kabaitan kaya ang mga nilalang sa Mundo ay lubusan syang hinahangaan.

Naisipang dumungaw ni Luna sa Lupa mula sa kalangitan...

Luna: Hmm ... Nakakabagot! ito na lang ba lagi ang gagawin ko magbantay ng kalangitan...

Estrella (Diyosa ng Bituin): Luna alam mo namang ito ang ipinagkaloob sayo ni Bathala, mamuno at magbantay sa kalangitan lalo na sa gitna ng kadiliman.

Luna: Nais kong pumunta sa ibaba at makita kung gaano kaganda ang mga nilalang sa lupa

Estrella: Hindi yun maaari , labag yun sa batas ni Bathala atsaka ikaw ay... Huh? Luna!!! Nakikinig ka ba!

Luna: May nakita ako napakaganda nya, parang isang diwata na may ginituang damit

Estrella: Huh , Ah sya si Solera! Malamang sya'y naglilibot upang lumiwanag ang Mundo, sya ang naatasang magbigay buhay sa mga nilalang sa Mundo.

Luna: Gusto ko syang makilala!

Estrella: Teka! Teka!, nahihibang ka na ba sya ay namamalagi malapit sa Mundo, at hindi ka pwedeng lumapit doon!

Luna: Kahit na! Gagawin ko ang lahat para makilala si Solera!

Nang gabing iyon nagdasal si Luna kay Bathala

Luna: Mahabaging Bathala may nais akong hilingin, kung maaari sana'y payagan mo akong makilala si Solera

Bathala: Dyosa ng Buwan malinaw na paglabag sa mga utos ko ang nais mong gawin

Luna: Paglabag nga po sa utos ang naisin kong bumaba sa Lupa ngunit Mali po ba ang umibig

Bathala: Iniibig mo si Solera?

Luna: Mahal na Bathala, unang kita ko pa lamang kay Solera ay napakagaan ng aking loob at bumilis pati ang pagtibok ng puso ko... Nais ko syang makilala at ihayag ang pagtangi ko

Bathala:Paano kung payagan nga kitang makita sya at ihayag mo ang iyong pag-ibig ngunit di nya ito tanggapin

Luna: Mas gusto kong ihayag ito imbis na manahimik, ang puso ko ang pumili sa kanya kaya gagawin ko ang lahat!

Bathala: Kahanga hangang sinsiridad sa pag ibig, pagbibigyan kita Dyosa ng Buwan, papayagan kitang makita ang Dyosa ng Araw ngunit doon lamang sa Harden ng Kalawakan, tuwing bukang liwayway nagdadasal si Solera doon... tandaan mo hindi ka maaring bumaba sa lupa tanging doon lang sa Harden maaari mong makasama si Solera

Luna: Naiintindihan ko po, maraming salamat... Bathala...


Magtatagpo na ang Buwan at ang Araw...

Wahahhaha... ^_^ sana nagustuhan nyo... 



Araw at Buwan (Lesbian Romance) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon