Kabanata 7 - Ang Trahedya

142 3 0
                                    

Sa Mundo

Solera: Maaring galit sya sa akin tatlong araw na syang di nagpapakita!

Flora: Mahal ka ni Luna, wag kang mag alala matatapos din ang tampuhan nyong dalawa

Oceana: Solera!!! Flora!!! May nangyayari sa Dagat

Flora: Ahhh! Tumataas ang alon ng Dagat

Solera: Sino ang... huh Luna Anong ginagawa nya dito!

Flora: Bawal si Luna sa Mundo, ang mga tao di makagalaw ito ang dahilan bakit di pwedeng lumapit si Luna sa Mundo

Luna: Ang mga taong ito ang dahilan kung bakit di magawang sumama sa akin ni Solera !!!

Flora: Solera! Kapag lumapit pa si Luna lalong tataas ang tubig at maaaring malunod ang mga tao!

Solera: Hindi ko papayagan ito, Oceana pakalmahin mo ang dagat... Flora ilayo mo ang mga tao, pipigilan ko si Luna!

Oceana: Sige mag iingat ka Solera, tayo na Flora!

Solera: Luna!!! Tama na ayokong magkasakitan pa tayo, Luna itigil mo na ito

Luna: Bakit di tayo pwedeng magkasama, hindi mo ba nararamdaman ang sakit ng di kita nakikita

Solera: Luna alam ni Bathala na mahal kita ngunit ang ginagawa mong ito ay hindi ko mapapalampas

Luna: Ganun ba sila kahalaga sayo! Pwes tatapusin ko na sila!

Solera: Hindi! Mahal kita Luna pero hindi ko hahayaang saktan mo ang mga taong mahahalaga sa akin

Nagliyab at lalong lumakas ang apoy sa katawan ni Solera at handa itong tupukin si Luna ng biglang...

Estrella: Hindi!!! Ahh...ligtas ka na Luna... sabi ko naman sayo... di kita pababayaan!

Luna: Ahh Estrella! Hindi! bakit mo ako iniligtas!

Estrella: Tama na Luna, hindi ka ganito wag kang mananakit ng mga tao... Bumalik ka na sa kalangitan, pakiusap... Luna...!

Luna: Estrella!!! Patawad...

Solera: Luna patawad di ko gustong ... si Estrella... patawarin mo ako...

Luna: patawad Solera! Masyado akong naging makasarili, patawad!

Solera: Luna... ikaw lang ang gusto ko makasama... di naman magbabago yun... nais ko lang maramdaman mo na mahal na mahal kita kaya.... ahhhhhhh!

Luna: Ahhhh!!! Hindi kita mahawakan... bakit napapaso ako... !

Solera: Luna... hindi pwede ito..... anong nangyayari!

Bathala: Dyosa ng Buwan dahil sa pag-ibig ay nabalot ng kadiliman ang puso mo naghantong pa sa pagkamatay ng iyong kaibigan na si Estrella mula sa kamay ng Dyosa ng Araw, Inihahatol ko ang kaparusahan na kailanman hindi na kayo magtatagpo ni Solera, pareho kayong mangangalaga sa kalangitan ngunit sa magkabilang dako. Minsan sa isang taon maaari kayong magtagpo ngunit laging mababalot ang mundo ng kadiliman (Eclipse). Ikaw Luna ay mananatili sa kadiliman bilang Buwan kasama ang abo ni Estrella bilang mga bituin, Solera ikaw na ang magiging Araw na mabubuhay sa liwanag ng Mundo.

Luna: Hindi ... Solera... patawad, nang dahil sa akin nangyari ito patawad... mahal na mahal kita!

Solera: Patawad! Di ko maibibigay ang ninais mo... mahal na mahal kita Luna, pero hindi tayo pwedeng magkasama... kailanman di na tayo mag tatagpo kahit ang pag ibig ko pangako hindi maglalaho!

Luna: Solera pangako patuloy kitang susundan, walang araw na lilipas na di ko tatangkain na mapalapit sayo... mahal kita kahit gaano kalayo ang kabilang dakong kinalalagyan mo susundan kita!

Thanks for reading... 


Araw at Buwan (Lesbian Romance) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon