Kabanata 2 - Ang Pagtatagpo

243 3 0
                                    


Sa Harden

Solera: Isang napakagandang umaga, isa na namang biyaya ni Bathala

Luna: Huh! Ayun, talagang napakaganda nya...

Solera: Huh? (sino kaya siya, nakatitig siya sa akin) Hehehehe!

Luna: Ahh! Paumanhin Dyosa ng Araw kung naistorbo kita

Solera: Nakatutuwa naman, at mayroong ibang tao rito, ah sino ka nga pala?

Luna: Huh? (hindi nya ako kilala? Hayyy) ahhh ako si Luna ang Dyosa ng Buwan talagang nagpunta ako dito para makita ka Solera!

Solera: Ahh Makita ako? Isang karangalan iyon lalo na ikaw pala ang napapabalitang pinakamagiting na mandirigma ni Bathala

Luna: Napakaganda mo talaga, hindi ako nagkamali sa pagpunta rito!

Solera: Maraming salamat! Pero kailangan ko ng umalis, ikinagagalak kong makilala ka Luna

Luna: Maaari ba tayong makitang muli Solera

Solera: Oo naman, paalam muna sa ngayon!

Sa Mundo

Solera: Nakakatuwa sya, hehehe!

Flora (Dyosa ng Lupa): Solera Tila napakasaya mo naman ngayon, may kakaiba bang nangyari!

Oceana (Dyosa ng Karagatan): Kakaiba nga ang ngiti mo, umiibig ka na ba Solera?

Solera: Umiibig?! Hindi naman sa ganun, nakilala ko lang ang Dyosa ng Buwan na si Luna wala namang kakaiba dun

Flora:Huh! Nakilala mo ang Dyosa ng Buwan, talaga si Luna! Napakaswerte mo Solera!

Oceana: Ang pinakamagiting na mandirigma ni Bathala at kahanga hangang babae sa lahat ng nilikha!

Solera: Tunay ngang kahanga hanga sya, nakakatuwa din

Flora: Namumula ang iyong pisngi, ngayong napapag usapan natin si Luna

Solera: Namumula? Ano bang sinasabi mo Flora!

Oceana: Hindi makakapag sinungaling ang pusong umiibig!

Solera: Umiibig!? Tigilan nyo nga ako! (tunay naman na namangha din ako kay Luna, pero umiibig nga ba ako sa kanya?)

Sa kalangitan

Luna: Achoooo!!!

Estrella: Aba mukhang may nag-iisip sayo ngayon Luna!

Luna: Ganun ba, sana si Solera na yun, nakakatuwa naman!

Estrella: Ang taas naman ng kompyansa mo sa sarili Dyosa ng Buwan, tandaan mo sya ang tagapangalaga ng Mundo at higit sayo may mga dapat pa syang isipin!

Luna: Estrella! Ibang klase ka ring kaibigan parang hindi kita kakampi,!

Estrella: hahahah... sinasabi ko lang ang totoo kaya wag kang umasa na magugustuhan ka nya!

Luna: Ayyy!! Ewan ko sayo Estrella! Makikita mo sasagutin nya ako at magmamahalan kami!

Estrella: Baliw ka na Luna, sige aantayin ko yun, matagal ko na ring gustong makita ka na may kasintahan!

Thanks for Reading.... 


Araw at Buwan (Lesbian Romance) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon