---Kririrrririring . Kririrrririring . Beeep . Teeeeeet . Grroorog . Berrrrrm.
Haay nako ! Ganto ba talaga kaingay sa Pilipinas tuwing umaga. Haaay.
Sasabay pa ang sobrang ingay na makalaglag tengang alarmclock.Hoooy ! Hoooy Jia bumangon ka na nga jan !!! Tunog nang tunog yang alarm clock mo ! Parang wala kang tenga !!! Unang araw ng klase ganitong oras ka gigising.
-Jia's POV*
Hi .. ako nga pala si Jennifer Iesel Amante, aka JIA . Haha kinuha lang sa initials ko diba ? Haha wala lang naisipan lang siguro itawag saken ng nanay at tatay ko hanggang ngayon. Isa lang naman akong simpleng highschool student sa probinsya nmen. Itim na itim ang kulay ng buhok. Medyo may kaputian ang kutis ko. Hindi naman gaanong katangkaran, yun bang hindi pwedeng gawing beauty queen haha in short, short lang din talaga ang height ko. At, maganda. Maganda sa paningin ng nanay ko, at tatay ko, kapatid ko, at bestfriend ko.
Bumangon na ako. Susko naman tong nanay ko . Kung tutuos tuosin hindi naman talaga ako nagising sa alarmclock ko, kundi sa lakas ng boses ng nanay ko. Mas malakas talaga ang boses ng nanay ko. Haha.
Ako naman, sabay bangon, inayos ko pa muna ung shorts kong pantulog (kinakaen eh) sabay kuha ng twalya, toothbrush, panty at bra, at napkin (meron kasi ako, pangalawang araw ko palang ngayon), sabay pasok sa banyo. Pagtapos ko maligo(approximately 3minutes lang) dahil madaling madali na ako dahil malilate na ako. Para akong nakiki pag unahan sa galaw ng bawat segundo ng kamay ng orasan. Lumabas ako ng banyo nang nakatapis lang.Nanayko: oh? Papasok ka na ??
Ako: nay, kung pwede lang talagang pumasok ng nkatapis lang sa Zambales High, magtatapis lang talaga ako .
Nanayko: ay wag na . Masuka lang si Alma Tiboom! Haha
(si Alma Tiboom nga pala ay university guard namen. Tomboy siya. Tomboy talaga siya haha. Siya yung kinabubwisitan ng mga estudyanteng hinaharang niya sa gate kapag walang ID. Kaya kami naman, kanya kanyang style para makalusot lang kay Alma Tiboom. Papasok yung may ID, at ihahagis sa kabilang pader na may nag aantay na sasalo ng ID para makapasok.)Ako: haha.
Haay naku. Si nanay talaga . Pumasok na ako ng kwarto at nagbihis.
Nakatingin ako ngayon sa salamin sa loob ng kwarto ko. Kinakausap ko lang yung sarili ko, habang nangungulangot (wala lang parang may malaking namuong sipon eh). Inaalala yung nangyare nung closing ng klase nung april.
Eh kasi naman meron kaming JS prom nun sa school. Sobrang saya nun, sayaw sayaw, maraming games and activitities at syempre pagkaen, kung hindi niyo naitatanong malapit talaga ang loob ko sa pagkain, sa pagkaen talaga. Haha medyo chubby kasi ako. Pero di naman masyado. Naalala ko lang yung eskandalong nangyare dahil sa ka lampahan ko. Nabuhusan lang naman ako ng isang platong spaghetti sa katawan, sa gown at sa mukha ko, kagagawan ito nung lalakeng yun! NUng lalakeng yun! Nung lalakeng yun! At sa sobrang hiya umalis ako sa Prom at umuwe. Pagdating sa bahay, iyak ako ng iyak sa loob ng kwarto ko dinibdib ko talaga yung pagkaka tapon saken ng spaghetti. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at, at , at ...J i a !!!! J i a !!!! Akala ko ba late ka na !!!!.
Sigaw ng nanay ko!!!
Nagulantang ako , habang sundot sundot pa ng daliri ko yung ilong ko!!! Nagising ako sa kasalukuyan !
Oo nga pala nagmamadali ako !!! Sabay halik kay nanay ko tapos umalis.--Claude's POV*
Kriiiiiiing !!!! Kriiiiiiing !!!!
Siguro umabot na ng 10 beses paulit ulit tumunog ung alarm ko bago ako bumangon.
Naligo, nagtoothbrush, nagbihis at bumaba na para mag breakfast. Mag breakfast nang mag isa, syempre nasanay na akong limang kasambahay at isang driver lang ang kasama ko araw araw. Nasa US ang parents ko inaasikaso family business namen. Nag iisa lang akong anak, kaya lahat ng luho ko, lahat ng gusto ko, nakukuha ko.
By the way.
I'm Josef Claude Jan Devilla, my family called me Claude. I'm a 4th year hs student at Zambales National High School. Varsity ako ng School and syempre famous. Hindi naman sa pagmamayabang, heart throb ako sa School. Yun bang dadaan lang ako nagtitilian na ang mga girls. Bully ako paminsan minsan, lalo na kapag napagtripan namin ng barkada.