---@School
Pagdating na pagdating ko sa School. Sa gate palang, inabotan agad ako ng flyers. Nang tingnan ko yung flyers.
" The INTER-School Basketball Tournament ."May game pala sila bukas .
-@classroom.
"Best , si Claude nakita mo?" tanong ko kay Karen.
"Hindi best ehh, pero narinig ko sa mga co-players niya may whole day practice daw sila." sagot ni Karen.
Natapos ang araw nang hindi kame nagkita o nagchat man lang ni Claude.
Hindi ko na rin inistorbo baka kasi ma distruct, ANG GANDA KO PA NAMAN. Ang kapal ko di ba?---Kinabukasan.
(Basketball Tournament Day!)@Gymnasium-
Sa bandang harapan kami umupo ni Karen, dun malapit sa bench nila Claude. Para mas feel yung support.
"Please welcome, the Red Team headed by their Team Captain JOSEF CLAUDE JAN DEVILLA !!!!" Sigaw ng announcer. At tilian at sigawan ng mga fans at schoolmates namen.
Pinakilala na din yung magiging kalaban nila. Matatangkad din naman. At nakaka bother kasi baka matalo sila."Wohhoooo!!! Red team ! Red team ! Blue team ! Blue team ! Wohoooo!!!"
Iba't ibang estudyante ng iba't ibang eskwelahan ang nagpunta para makanuod ng tournament. Punong puno yung gymnasium.
Nang mag start na ang first quarter, nakalamang ang kalaban . Tuwang tuwa ang lahat ng fans nila dahil na maintain nila yung lamang nila.
At ako naman parang kinakabahan para kina Claude.But at the 4th quarter, the very intense last quarter. Nakahabol sila Claude at nalamangan pa nila.
And at the end nanalo ang Red Team. Nanalo sila Claude.
Tuwang tuwa ako para kay Claude kasi alam ko yung hirap nya.Nagtatalunan ang lahat ng iannounce ang final score. Tuwang tuwa ako. Bumaba kame ng hagdan ni Karen at pupuntahan ko sana si Claude.
Kaya lang .."Ang galing galing mo naman. Yung pawis mo punasan mo oh. Congrats talaga." sabi ng babaeng kung maka dikit at yakap kay Claude akala mo girlfriend niya.
Itong si Claude naman, tuwang tuwa din habang ine entertain nung babaeng yun."Tara na best uwi na tayo." yaya ko kay Karen sabay talikod.
Napansin ata ni Claude na palapit sana kaya lang nakita ko sya may kasamang iba kaya hinabol niya ako.
"Jia ! Jia! Wait!" tawag niya sa akin.
Hindi na ako lumingon. Pero sinundan niya talaga ako at hinila ang kamay ko.
"Jia ! Baket ? Kausapin mo nga ako .." tanong niya sa akin.
"Ge best. Antayin nalang kita dun sa sakayan. paalam ni Karen.
Naglakad kame hila hila ang kamay ko hanggang sa Quadrangle.
"Bakit mo ako iniiwasan?" tanong niya.
Hindi ako umimik.
"Ano magsalita ka naman .. please ." dugtong niya.
At nagkalahas na ako ng loob para magsalita ,
"Sino yun?" tanong ko.
"Sino?" sagot niya.
"Yung babaeng kung maka dikit sayo akala mo nangangati at naghahanap ng kakamot.!" galit na galit na tanong ko."Si Michelle, classmate ko dati." sagot niya.
"Ano mo siya? Kayo na ba? Ang sweet niyo eh. Nakakahiya naman sa inyo." pagalit parin na tanong ko.
